Third Person's POV
Maingay ang buong paligid ng ospital. Lahat busy sa kani-kanilang ginagawa. May makikita kang umiiyak dahil sa mga sakit na nalalaman. May umiiyak dahil nawalan sila ng taong minamahal.
"Kamusta na siya?"tanong ng lalaki sa kasama niya nakaupo at hawak hawak ang kamay ng kaniyang anak na nakahiga sa kama na may ventilator na nakakabit dito.
"Wala pa ding respond. Hindi alam kung kelan siya gigising."malungkot na sabi ng lalaki. Pinagmasdan lang niya ang kaniyang anak habang tumutulo ang kaniyang luha.
"Kuya. Don't blame yourself. Hindi naman natin alam ang mangyayari."sabi niya sa kapatid.
"I can't help it. Dapat sisihin talaga ako dahil kung hindi ko siya hinigpitan at pinilit ang mga gusto ko. Hindi siya magkakaganito!"sisi niya sa kaniyang sarili. Nalungkot ito sa kaniyang Kuya na umiiyak habang hawak ang kamay ng anak.
Lumapit ito sa kaniyang Kuya at tinapik tapik ang balikat nito.
Lahat sila ay umaasa na magigising ang kaniyang anak. Ilang linggo na ang lumipas at wala paring nangyayaring maganda sa kondisyon ng anak.
Natigilan sila marinig na tumunog ng malakas ang heart rate monitor.
"A-anong nangyayari?!"
"Renalee? Anak?!"nataranta sila ng makita na naging straight line ang nasa monitor.
"Tatawag ako ng doktor, Kuya!"kaagad tumakbo ito palabas. Humigpit ang hawak ng ama sa kamay ng anak.
"Renalee! Don't give up! Please! Kaya mo yan. Nandito lang si Daddy."naiiyak na sabi nito. Patuloy pa din ang matinis na tunog sa buong paligid.
Mga ilang minuto ay dumating ang Doktor at nurse at kaagad na chineck ang anak.
"Unstable ang heart beat ng patient."
"Noo!!!! Renaleee!!"
Renalee's POV
"Ayos ka lang ba?"napatingin ako kay Duke Vale na nakaupo sa tabi ng kama.
"Okay lang ako. Medyo..."natigilan ako ng may luhang tumutulo sa mga pisngi ko. Biglang tumayo si Duke Vale at kaagad lumapit sa akin.
"Resha! May masakit ba sa iyo? Bakit ka umiiyak?!"tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at napahagulgol ako. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?
"Halika."niyakap niya ako at naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking likod. Lalo akong humagulgol.
Ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Bakit ganito? Bakit sobrang lungkot ang aking nararamdaman? Naalala ko bigla yung napanaginipan ko. Sina Daddy at Mommy. Iniiwan nila ako.
"Tahan na, Resha. Tahan na."mahinahong sabi ni Duke Vale.
"A-ayokong......maiwan."utal na sabi ko habang patuloy na naiyak. Namimiss ko na ang amin. Si Daddy. Si Mommy. Feeling ko mag-isa ako.
"Walang mang-iiwan sa iyo."sabi niya at humiwalay ako sa pagyayakap niya. Nawala kahit paaano ang bigat na nararamdaman ko dahil sa pagyakap niya.
"Nandito ako, Resha. Hindi kita iiwan."sabi niya habang nakatingin sa aking mata. Ang seryoso niya.
"Thank you."sabi ko sa kanya at ngumiti ng bahagya. Kumunot saglit ang noo nito at umayos ng upo.
"Alam mo......ikaw ba talaga si Resha?"nagulat ako sa kaniyang sinabi. Sabihin ko ba ang tunay sa kaniya?
"Ako si Re----"hindi ko natapos ang sasabihin ng umimik siya bigla.
"Tama. Ikaw nga si Resha. Hindi ka pa tuluyang nagaling kaya ganiyan ka. Patawarin mo ako kung sinama pa kita dito."sabi niya. Hindi ko alam pero bigla akong natawa.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomansaRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...