CHAPTER XXIX

273 6 0
                                    

Renalee's POV

"Dahil ako ang taong nagdala sayo dito sa mundong ito."

Halos hindi magsink in sa utak ko ang mga sinabi niya. S-siya? Siya ang nagdala sakin dito? Ewan ko pero parang sasabog yung utak sa nangyari. Hindi ko maintindihan ang lahat. Edi siya yung taong nakausap ko doon sa bayan ng Arcalia.

"W-what??!"hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya at iniisip kong totoo ba ang sinasabi niya. All this time, nasa malapit lang pala yung taong may dahilan kung bakit ako nandito?

"P-pa....paano?"

"Alam ko na hindi ka makapaniwala sa sinabi ko pero totoo iyon. Maraming kang tanong na nais mong sabihin sa akin ngunit hindi muna ngayon para sagutin ko lahat ng tanong mo."sabi niya. Ano ba siya? Paano nangyari yun? Ang daming tanong sa isip ko at gusto ko malaman lahat yun.

"Sino ka ba? H-hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang daming pumapasok sa utak ko. Iniisip ko kung paano ako napunta dito. Sino ang dahilan?"sabi ko sa kanya.

"Huminahon ka, Renalee. Kapag natapos ang laban ng Mahal na Duke sa Motte ay sasabihin ko sa iyo."sabi niya. Huh? Anong sabi niya?

"Anong sabi mo? Laban ni Duke Vale?"tanong ko sa kanya. Halata sa mukha niya na nagulat siya sa kanyang sinabi.

"Ano....Hay. Sasabihin ko na din sayo kahit alam kong ayaw ng Duke ipaalam."

"Anong laban? May digmaan bang mangyayari? War? Ganun?"tanong ko. Pumikit ito saglit na mukhang wala na siyang choice sa kanyang sinabi.

"Tama. May magaganap na laban sila sa Motte. Ang mga bandido na nais sakupin ito. Gagawa sila ng depensa upang mapigilan ang pananakop."sabi niya. Nakaramdam ako ng kaba sa kanyang sinabi. Bakit hindi sinabi ng Duke sakin? Kaya pala may sinabi siya sakin kanina sa kwarto bago siya umalis.

"May ilang araw na hindi mo ako makakasama. Baka lalo kang mangulila kapag wala ako."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin dahil akala ko ay nagjojoke lang siya. Iyon pala ang dahilan. Kaagad akong tumakbo paalis.

"Teka! Renalee! Saan ka pupunta?!"sigaw ng Ministro. Lumingon ako sa kanya.

"Kay Duke Vale! Kakausapin ko siya!"sigaw ko. Bago ako tumakbo ay lumingon ako uli sa kanya.

"Resha! Resha ang itawag mo sakin!"sabi ko pa saka nagsimulang tumakbo papalabas ng lugar.

Ngayong alam ko na kung sino ang taong nagdala sakin dito ay nabawasan na ang isa sa mga problema ko. Masasagot na ang tanong ko tungkol dito. Pero.....may isa akong gustong isipin ngayon. Ang tungkol sa laban na mangyayari kina Duke Vale.

May biglang naramdaman akong kaba at takot ng malaman ko iyon. Kinakabahan ako sa mangyayari. Alam ko naman na dapat mas unahin ko ang tungkol sa nangyari saking pagpunta dito pero mas nangingibabaw ang kaba sakin. Gusto kong makausap si Duke Vale.

Ministro Feron's Pov

Pinagmasdan ko si Renalee na tumatakbo papalayo. Walang dahilan para pigilan ko siya dahil siya ang gagawa ng tadhana niya dito sa mundong malayo sa kanyang pinanggalingan.

"Ha? Nasaan na si Lady Resha?!"narantang tanong ng Dama ng makabalik habang may dalang tsaa.

"Umalis siya."sabi ko atsaka kinuha ang tsaa na dala niya.

"Umalis?! Hay! Bakit ba ang tigas ng ulo ni Lady Resha? Bakit niyo naman hinayaan, Ministro?"

"Hindi naman siya mapapahamak, Eva."sabi ko. Kunot noo siyang tumingin sakin.

"Eva?! Esdel! Napakamakakalimutin ko talaga, Ministro Feron!"

"Ministro Feron. Dapat hindi niyo hinayaan ang binibini. Sinabi ng Duke na bantayan ko siya ngunit ngayon ay nawala siya sa ating paningin."sabi ng bata. Hindi ko alam ang pangalan nila dahil sa may mga pagkakataon na nagiging makakalimutin ako. Siguro dahil na din sa tumatanda na ako.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon