Renalee's POV
"Lady Resha. Maayos lang po ba kayo riyan?"tanong sa akin ni Esdel sa labas.
Nandito lang naman ako sa sinasabing C.R ng mga ito. Grabe sa sakit ng tyan ko ngayon pagkagising ng umaga. Halos mag-iisang oras na ako dahil sa sakit ng tyan ko. Dahil sa hindi ako makatulog at wala akong ginagawa sa kwarto ko ay inubos ko lahat ng pagkain na binigay ni Duke Vale.
"Kanina pa po kayo riyan. May masama ba kayong nararamdaman?"
"Esdel. Baka mahawa ka sa sama ng pakiramdam ko dahil sa sakit ng tiyan ko."sabi ko sa kanya at halos mapangit ngit ako sa sakit ng tyan ko. Nabigla ata ang aking kain kagabi kaya ganito kasakit.
"Naku! Tatawag po ako ng doktor para maikuha kayo ng gamot sa sakit ng tiyan. Diyan lang po kayo, binibini."sabi ni Esdel at hindi na ako nakasagot dahil sa pinagpapawisan na ako dito sa loob.
Kaya naman napadami ang kain ko ay hindi mawala sa isip ko yung lalaki na nakausap ni Duke Vale kagabi. Mukhang malaki ang galit ni Duke Vale sa lalaki na yun. Ano nga pangalan nun? Clovy? Clover? Parang tunog chichirya.
"Prinsipe Clovis"
Aha! Clovis! Prinsipe din siya dahil yung ang sabi ng Duke. Ang astig lang at may nakilala akong prinsipe. Pero pagtataka ko lang ay parang kilalang kilala niya ako. Ay sabagay baka si Resha ang nakakakilala sa kanya at hindi ako. Dayo lang ako dito.
"Ay putakte!"nagulat ako ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto. Sobrang gulat ko kasi kaharap na kaharap ko ang pinto.
"Resha! Maayos ka lang ba dyan? Resha!"narinig ko ang boses ni Duke Vale. Hala! Makasigaw naman ito.
"Wag ka ngang maingay. Busy ako dito."sabi ko. Natahimik sandali sa labas. Natameme siya sa sinabi ko.
Medyo umayos na ang pakiramdam ko dahil nailabas ko na lahat ng sama ng loob sa tyan ko. Grabe. Hindi na mauulit yung mga kinain ko kagabi.
Lumabas na ako sa C.R nila at napatingin ako sa mga tao sa labas. Anong meron?
"Oh? Nandito lang ako sa C.R. Ang dami niyo namang nakaabang sa akin."sabi ko. Akala ko si Esdel at si Duke Vale lang ang nasa labas. Ang dami. Parang mga sampu sila dito. Sumakit lang tyan ko.
"Kamusta ka,Binibini? Yung pakiramdam mo?"tanong sakin ni Esdel na halatang nag-aalala. Ngumiti ako dito.
"Okay na ako. Nilabas ko lang ang espiritu sa tyan ko."sabi ko sa kanya.
"Hahaha. Palabiro talaga kayo, Lady Resha."sabi nito. Tumingin ako kay Duke Vale na nakatingin sakin.
"Oh? Okay na ako. Huwag ka ng mag-alala."sabi ko sa kanya.
"Mabuti kung ganun."sabi ni Duke Vale at tumalikod na lang ito saka maglakad. Eh? Taray mode na naman. Kanina parang maiiyak na siya sa boses niya. Tss.
"Binibini. Halika na po sa inyong silid para makapagpahinga kayo."sabi ni Esdel sa akin.
"Teka lang. Sino ba itong mga ito at kadaming nakaabang sa akin?"tanong ko.
"Sila po yung mga magagaling na doktor dito sa Larke. Pinatawag silang lahat ni Duke Vale."
What?! Iba talaga siya. Siguro baka umubo lang ako ng kaunti, tatawagin niya lahat ng Doktor sa buong lungsod.
----------
"Salamat, Esdel."sabi ko dito habang inaayos niya ang aking hihigaan para makapagpahinga. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.
"Wala po iyon. Tungkulin ko na paglingkuran kayo."sabi niya kaya ngumiti lang ako.
Napatingin kami sa pintuan dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Pumasok doon si Duke Vale. As usual. Para na namang emotionless na naman ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...