Renalee's POV
"Mahal kita."
"Mamahalin mo ako kahit ganito ako?"
Teka. Ano ito?
"Huwag! Nakikiusap ako!"
Hindi ko makita ang mga nangyayari. Sobrang labo.
"Kung hindi mo ako kayang tanggapin. Papatayin na lang kita."
May sasaksak sa akin! Hindi ko makita ang mukha niya.
"HUWAGGGG!"sigaw ko at hingal na hingal akong napabangon.
Ano ba yung napanaginipan ko? Ang harsh ha. Parang ako yung papatayin. Napakamot ako sa aking ulo. Grabe na-istress ako.
"WAAHHH!!!"nagulat ako ng makitang may katabi akong lalaki sa higaan ko. What the hell?!
"Hmm..."malumanay na ungol nito at inimulat ang isa niyang mata saka tumingin sa akin.
"Ang ingay mo. Nagising ka na pala. Kamusta ang iyong pakiramdam?"sabi niya saka pumikit ulit.
Teka. Siya yung lalaki na gwapo. So ibig sabihin.....totoo yung kanina?
Pinagmasdan ko ang buong paligid at totoo nga. Nandito pa rin ako sa lugar na ito. At ang mas nakakagulat ay may nakatabi akong lalaki!
"Umalis ka nga!"sabi ko at tinulak siya sa kama kaya nahulog ito.
"Ah!"daing niya nang mahulog ito. Bigla itong tumayo at sinamaan ako ng tingin.
"Ano ba ang problema mo?! Kakaiba ang kinikilos mo ngayon. Epekto siguro yan ng pagkakahimlay mo ng matagal."sabi niya at inayos ang suot niyang damit. Napakapormal ng suot nito. May balabal itong suot na parang isang kapa. Para siyang maharlika sa itsura niya. Lalo na ang mukha niyang napakagwapo.
"S-sino ka ba?! Ang kapal ng mukha mong tumabi sa higaan! Pervert!"sigaw ko sa kanya. Suminghal ito at naging seryoso ang mukha niya. Nakakatakot ang itsura niya.
"Pati pananalita mo ay kakaiba. Sige. Pagbibigyan ko iyang mga kinikilos mo ngunit huwag mong kakalimutan ang isang mahalagang bagay."sabi niya. Lumapit ito sa akin.
"T-teka....Wag kang lumapit!"pigil ko at umatras. Ngumisi lang siya sakin. Sa pag-atras ko ay konti na lang ay mahuhulog ako sa kama kaya nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at hilahin ako papalapit sa kanya. Sobrang lapit ng aming mukha.
Napatitig ako sa mga mata niya. Ang mata niya sa kulay hazel brown. Ang ganda ng mata niya, mahaba ang pilik mata pero malungkot ito.
"Sa kasal natin ay magtatabi tayo sa iisang higaan kaya masanay ka na, Lady Resha."sabi niya. Anong sabi niya?! Tinulak ko siya at lumayo ako.
"A-anong kasal?! Are you out of your mind?! Bata pa ako para ikasal no!"sabi ko at kita sa mukha nito ang pagtataka.
Anong kasal? Hindi ko pa nga nalalaman kung nasaan ako tapos ikakasal ako sa lalaking ito? Eh hindi ko kilala. Kailangang malaman ko kung anong lugar ito at kung anong ang ginagawa ko dito.
"Siguro ay kailangan mo magpahinga muli. Sa itsura mo ay hindi pa mabuti ang pakiramdam mo."sabi niya at lumabas ng kwarto. Nag walk out? Mabuti na din yun at hindi ako sanay na may lalaki sa kwarto.
Nilibot ko ang paligid ng room ko. Napakalawak nito. Ang dami pating mga libro na nakalagay sa sulok. Ang mas nakakahanga ay may chimineya ang kwartong ito. Dinaig pa ang kwarto ko sa bahay. Mas napansin ng mata ko ang isang salamin na malapit sa cabinet. Ang ganda ng itsura. Nilapitan ko ito.
"AAAHHHHH!"napaupo ako sa sobrang gulat.
"Anong nangyari sa itsura ko?"sabi ko sa aking sarili at pinagmasdan sa salamin. Ako ba ito?!
Hinawakan ko ang aking mukha. Hindi ako makapaniwala sa nakikita sa salamin. Ang buhok ko iba ang kulay. Parang blonde. Ang mga mata ko, nag iba din. Ibang iba ang mukha ko ngayon kesa sa actual na itsura ko. Ang katawan ko. Talagang maganda ang shape. How can i be like this?
Lumabas ako sa kwarto ko ay bumungad sa aking ang isang malawak na hallway. Oh my! Ano ito? Parang nasa Arendelle ako sa Frozen ah.
"Asan ako?"naglakad lakad ako para makahanap ng lalabasan. Sobrang daming kwarto dito. Ang bawat lugar ay para akong nakapalasyo. Ang lalaki ng mga bintana at mga kurtina.
Wow ha. Parang nasa palasyo ako ni Queen Elizabeth.
Sa paglalakad ko ay napunta ako sa malaking room na parang dining area. Natuwa ako dahil may mga babae na kaparehas ng suot ng babaeng nakita ko sa paggising ko.
"Excuse me. Can you tell me where am i?"sabi ko sa kanya at bigla itong nagtaka sa sinabi ko.
"Ah! Lady Resha. Ano bang sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan."takang sabi niya. Napataas ang kilay ko. Hindi nila maintindihan ang english ko? Hindi ba sila nag- aral ng English?
"I mean, Anong lugar ito? Anong ginagawa ko dito?"tanong ko sa kanya. Humagikgik ito kaya napakunot ang noo ko.
"Ano ba kayo,Binibini. Matagal na kayong nakatira dito. Nandito kayo sa Emperyo ng Larke."mas lalong akong nagtaka sa sinabi niya.
Larke? Ano yun?
"Huh? Emperyo ng Larke? Ano yun pangalan ng alak?"sabi ko kaya mas natawa ito. Tumigil ito ng nakita niyang naging seryoso ang mukha ko.
"Paumanhin po. Siguro dahil sa matagal na pagkakahimlay ay kaya ganyan ang kinikilos niyo. Kaya kayo nandito ay papakasalan niyo ang Duke ng Emperyo ng Larke. Si Duke Vale."sabi niya.
"Ahhhh! Bakit ba lahat na lang ay mapapakasalan ko ang Duke na yan!"sabi ko at umalis sa lugar na iyon. Kailangan kong malaman kung paano ako napunta dito at bakit ganto ang itsura ko.
Ang pagkakatanda ko ay lumayas ako sa bahay namin pagkatapos kong makipag-away kay Daddy. Tapos may isang truck na papalapit sa akin at matapos nun ay di ko na alam ang nangyari. And then, paggising ko nandito ako sa lugar na hindi ko alam, ang mga tao dito ay kakaiba ang suot atsaka ang itsura ko nag iba.
"Hay naku. Anong mangyayari sakin dito?"
Tapos wala pang cellphone or telepono dito. Ano bang klaseng lugar ito?
"Napakasimple ng pinapagawa ko sa iyo! Hindi mo pa nagawa! Wala kang kwenta!"natigilan ako sa paglalakad ng makarinig ako ng sigaw sa isang kwarto sa hallway.
Dahil may pa ka curious ako ay lumapit ako sa boses na iyon at sinilip kung ano ang nangyayari.
"Paumanhin,Duke. Wala po akong nakuhang impormasyon sa nangyari. Nakawala din po yung taong nakakaalam sa nangyari."
Nakita ko ang isang lalaking nakaluhod. Atsaka yung tinatawag nilang Duke na papakasalan 'kuno' ko daw. Anong pinag uusapan nila?
"Isa kang inutil!"
"AH!"napatakip ang bibig ko sa aking nakita. Pinatay niya yung lalaking nakaluhod gamit ang espada niya.
"Hindi maaaring hindi ko malaman kung sino ang gumawa ng ganung bagay kay Resha."rinig kong sabi niya. Tumago ako sa likod ng pinto at rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nakakatakot ang lalaking yun. Ngayon lang ako nakakita ng taong pinatay. Sino ang lalaking yun? Hindi ako makapaniwalang papakasalan ng babaeng ito ang nakakatakot na Dukeng iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
Roman d'amourRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...