Duke Vale's Pov
Matapos ng mga pangyayari kay Resha, napag isipan na naming umuwi. Habang sakay kami sa karwahe pauwi ng Sumer, pinagmamasdan ko siyang natutulog sa aking tabi habang ang ulo niya ay nakapatong sa aking balikat.
"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo ngayon. Nais ko lang na sana ay mas maging matibay ang loob mo sa lahat ng bagay."bigkas ko habang hinahawi ang mga buhok niya na nakataklob sa mukha niya.
Ayokong maranasan mo ulit ang paghihirap nitong nakaraan. Paghihirap noong nawala ang iyong mga magulang. Paghihirap dito sa loob ng kastilyo. At paghihirap sa isang bagay na hindi mo na dapat ninais pa.
Sobrang natatakot ako sa mga bagay na baka bumalik na naman sa dati ang lahat. Mga bagay na hindi tayo palagi nag-uusap. Mga bagay na hindi tayo lagi magkasama. Nakatingin lamang ako sa malayo para bantayan ka dahil iyon ang bilin ng iyong ama. Mga panahon na hindi ka ngumingiti. Mga panahon na hindi ka masaya. At mga panahon na hindi mo.....
"Mahal na Duke, nandito na po tayo."tumingin ako sa labas at nakauwi na nga kami sa Sumer. Tiningnan ko si Resha na mahimbing pa din na natutulog.
"Para kang isang sanggol kapag natutulog."sabi ko saka napangiti habang pinagmamasdan siya. Sinubukan kong tapikin ang kanyang pisngi upang magising.
"Resha. Nandito na tayo."
"Hmm..."sabi nito na parang ayaw magising at imulat ang kanyang mata.
"Resha? Gising na."
"Inaantok pa ako eh. Huwag ka ngang maingay."malumanay nitong sabi saka humikab. Mahina kong pinitik ang noo niya.
"Aray naman!"ngumiti lang ako sa kanya.
"Mapanakit ka ha."
"Ginigising kita ayaw mo magising. Balak mo pa atang matulog dito."sabi ko. Sumimangot lang siya habang hawak hawak ang noo niya.
"Tss. Eh masarap ang tulog ko. Nananaginip pa naman ako."sabi niya.
"Bakit? Ano ba pinaginipan mo? Ako ba?"asar ko sa kanya. Mas lalong sumama ang tingin niya sakin. Nakakatuwa talaga siya asarin.
"Heh! Assuming ka. Hindi ikaw no! Makababa na nga."sabi niya saka siya lumabas ng karwahe. Bumaba na din ako at paglabas ko ay nakasalubong na sina Ministro Feron at Si Dama Esdel.
"Esdel, ihatid mo na sa kanyang silid ang binibini. Napagod siya sa aming pamamasyal."sabi ko kay Esdel. Tumingin saglit sa akin si Resha saka tinarayan ako.
"Halika na,Esdel. Baka lalo akong maimbyerna."yaya ni Resha saka kumapit sa braso ni Esdel at naglakad na papasok ng kastilyo.
"Mukang galit ang binibini sa inyo, Duke Vale."sabi ni Ministro Feron. Ngumiti ako at napabuntong hininga.
"Wala lang iyon. Lalapit din siya sakin mamaya."sabi ko.
"Nakakatuwa at mas naging malapit na kayo ni Lady Resha."sabi niya.
"Oo. Hindi ko inaasahan na magiging malapit kami ng ganito."
"Mahal na Duke, may akong sasabihin sa inyo."natuon ang pansin ko sa sinabi ng Ministro. Mukhang mahalaga ang kanyang sasabihin dahil seryoso ang mukha at tono ng boses nito.
"Ano iyon,Ministro?"
"Nandito po kanina si Prinsipe Clovis."kumunot ang aking noo ng marinig ang sinabi niya.
"Anong ginagawa niya dito? Anong nais niya?"
"Nais lang daw niyang bisitahin ang kastilyo at para makausap ka ngunit wala kayo. Hindi naman siya nagtagal at umalis din agad."
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...