CHAPTER XI

586 21 1
                                    

Duke Vale's Pov

Nagngingit-ngit ang aking mga ngipin dahil sa aking nararamdaman. Sa tuwing nakikita ko siya ay palaging nabalik sa aking mga alala, ang mga dapat ay kinalimutan ko na. Ang pag-iwan niya samin, sa akin.

Limang taong gulang pa ako noon nang iwan kami ni Ina dito mismo sa Sumer. Isa pa noong Konde si Ama noon.

"Triana! Bakit mo ito ginagawa?! Iiwan mo kami ng ganun na lamang?!"sabi ni Ama habang piniligilan si Ina sa kanyang pag-alis.

Saksing saksi ko ang mga nangyayaring pagmamakaawa ni Ama para huwag lamang umalis ito. Mabigat para sa akin na makita ang ganun bagay. Makitang umalis ang isa sa mahal mo. Iyak lang ang aking nagawa. Hindi ako makapagsalita.

"Bitawan mo ako,Rego! Ayoko na! Pagod na ako! Lagi na lamang akong nakatago dito! Habang naririnig ko ang mga taong minamaliit ako! Kilala mo ako. Ayokong ginaganun ako ng mga tao dito! Sa atin! Kung ikaw nakakaya mo, ako hindi!"sabi ni Ina. Isa kami sa mahirap na tao dito sa Sumer. Kinukutsa at sinasabihan ng masasakit na salita dahil isang mahirap na tulad ni Ama ay naging Konde.

"Nagmamakaawa ako. Ayusin natin ang mga ganitong bagay! Huwag sa ganitong iiwan mo ako!"pagmamakaawa ni Ama. Malakas na hinila ni Ina ang kanyang mga kamay kay Ama at binuhat lahat ng kanyang mga gamit.

"Hindi na mababago ang isip ko. Ayoko na sa buhay na itong naghihirap lamang at nakatago."sabi ni Ina at akmang aalis palabas ng bahay. Tumingin ito sa akin. Kita ko ang mukha nitong walang pag-aalinlangan. Mukhang walang pinagsisisihan sa kanyang gagawin.

"Triana!"

Sa pag-alis niyang iyon ay siyang pag-alis na din ng karapatan niya sa akin. Pati ang karapatan ko sa kanya. Ang maging Ina at ang maging isang anak.

Hanggang sa dalawang taon ang lumipas ay lahat nagbago sa amin. Ako ay nag-aral tungkol sa labas ng Emperyo upang maglakbay para makaalis sa lugar na ito. Makalimutan ang lahat. Si Ama ay mas pinagbutihan ang kanyang tungkulin bilang Konde ng lugar. Hanggang sa tumaas ang ranggo nito sa pagiging Duke.

Hanggang sa akoy naging labing limang taong gulang ay namulat ako sa lahat ng mga bagay.

At isang araw ay nagbigay ng isang malaking  anunsyo. Anunsyo ng panibagong Reyna ng Larke. Nagulat kami na malaman na si Ina ang Reyna.

Sobrang nagulat ako noon na malaman ko yun. Madaming pumasok sa utak ko kung bakit at paano. Iyon ba ang dahilan kung bakit siya umalis? Iniwan niya kami na mahirap lang para sa isang taong maharlika at nakakaangat sa lahat.

Kaya lalong nag-isip si Ama. Halos mabaliw siya sa mga nangyayari. Sa pinag-awayan namin ni Ama tungkol sa pagiging Duke ko na hindi kami nag-usap sa kagustuhan kong maging manlalakbay. Makaalis sa lugar na ito. Sa lupit ng mundo sa nangyayari sa akin. Lahat pumasok sa isip ko tungkol sa aking Ina. Ang kaniyang pag-iwan at pagtaksil sa amin.

Simula noon, mas pinalakas at pinatapang ko ang aking sarili. Para ipakita ko sa kanya na ang kaniyang iniwan ay malakas at matatag.

"Mahal na Duke. Ayos lang po ba kayo?"tanong sa akin ni Ministro Feron. 

"Oo. Hindi ko lang inaasahan ang pagdating ng Reyna."sabi ko dito. Tumayo ako saka lumapit sa aking lamesa.

"Ako din. Nakakagulat ang kaniyang pagbisita. Iyon na ba ang iyong desisyon? Ang hindi pagdalo sa nakakabata mong kapatid na naging kaibigan mo rin."napapikit ako ng marinig ko ang kaniyang huling sinabi.

"Hindi ko siya kapatid, Ministro. Kahit kelan hindi ko siya ituturing na kapatid o kaibigan."giit ko sa kanya. Parehas silang taksil.

"Alam ko ang hinanakit mo ngunit paano yung plano mong kasal?"

"Huwag kang mag-alala. Matutuloy iyon. Tinatapos ko lang ang mga dapat unah----"

"Ahhh!"

"Binibini!"

Nagulat kami ng makarinig kami ng isang malakas na kalabog galing sa labas. Nagkatinginan muna kami ni Ministro.

"Ano iyon?"

Kaagad akong nagtungo sa bintana na nasa likod ng aking lamesa dahil doon nagtungo ang malakas na kalabog.

Nanlaki ang aking mata ng makita na nakahandusay si Lady Resha at walang malay.

"Resha!"tinanggal ko ang suot kong kapa saka sumampa sa bintana para tumalon.

Bigla akong kinabahan ng makita ko siyang walang malay. Anong ginagawa niya dito sa likod ng kastilyo? Bumuwelo muna ako saka tumalon sa matarik na pader.

"Mahal na Duke!"

"Anong ginagawa niya dito?! Anong nangyari sa kanya?"sabi ko kay Esdel. Kita sa mukha niya ang pag-aalala at halatang mangiyak ngiyak.

"Hindi ko po alam. Hinahanap ko po siya sa pasilyo dahil bigla po siyang tumakbo para habulin kayo."sabi niya. Kumunot ang aking noo.

"Ano?!"kaagad kong binuhat si Resha at mabilis na pumasok sa loob para dalhin siya sa kaniyang silid.

"Esdel, tawagin mo ang doktor."sabi ko sa kanya na tulala pa din.

"Esdel! Doktor!"

"O-opo."tugon niya at kaagad na lumabas ng silid. Marahan kong hiniga si Resha sa kaniyang kama.

Ano bang nangyari sa iyo at nagkaganito ka?

Renalee's POV

"Hmm...."

"Resha?"minulat ko ang aking mata ng marinig ko ang boses na pamilyar.

"A-anong nangya-----AH!"napadaing ako ng biglang sumakit ang aking puwetan.

"Bakit? Anong masakit sa iyo?"napatingin ako kay Duke Vale na alalang alala ang mukha. Wow. Concern yan?

"Masakit ang aking puwetan."sabi ko sa kanya. Napatitig siya sa akin.

"Ano? Puwetan?"takang tanong niya.

"Ano bang nangyari sa iyo? Nakita na lamang kita na nakahandusay sa lupa."sabi niya kaya napaisip ako sa kanyang sinabi. Nakahandusay? Ah!

"Ah! Umakyat kasi ako sa puno kanina eh hindi ako makababa kaya mahulog ako. Hehe."paliwanag ka. Kita ko ang pag- iba ng itsura niya. Parang may halong galit ang kaniyang pag-aalala ah.

"Sabi sa akin ni Esdel na gusto mo daw ako sundan. Ano ang iyong dahilan?"seryosong sabi niya. Napalunok naman ako bigla. Grabe ang pagkaseryoso niya. Lalong nakakatakot.

"Ah....eh.....Hehehehe."lalong sumingkit ang mga mata niya.

"Tsk! Gusto ko kasi makita ang Reyna niyo eh kabilis mo maglakad para kang kabayo tapos ayaw ako papasukin ng guard kanina kaya gumawa ako ng paraan na makita siya at naisipan kong umakyat sa puno. Tapos nang makita ko na paalis na ang Reyna, balak kong bumaba. Nagsala ang hakbang ko kaya nahulog ako. End of story."kwento ko sa kanya. Hindi pa din nagbago ang mukha nito at seryoso pa din. Galit ba siya?

"Ganun ba ang sabik mo para makita ang Reyna?"sabi niya. Medyo nag-aalinlangan akong sumagot dahil sa seryoso niyang tono at mukha.

"O-oo. Hindi pa kasi ako nakakakita ng Reyna sa malapitan."sabi ko sa kanya habang nakayuko. Ano ba yan! Ang hiral humarap sa kanya.

Napatingin ako sa kanya ng bigla itong tumayo at tumalikod sa akin.

"Dapat sinabi mo agad sa akin kanina na gusto mo makita ang Reyna."sabi niya.

Paano ko nga sasabihin eh mabilis kang maglakad.

"Hindi iyong gagawa ka ng bagay na ikakapahamak mo."sabi pa niya. Naglakad ito sa may pintuan.

"S-sorry."sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Sa susunod, huwag kang masyadong pasaway. Masyado mo akong pinag-aalala."sabi nito saka binuksan ang pinto at lumabas. Natulala naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung mapaflutter ako sa sinabi niya o hindi. May kasamang pasaway eh. Pero natuwa ako dahil nag-aalala din pala siya sakin. Concern ang Duke! 

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon