CHAPTER XXI

367 14 0
                                    

Renalee's POV

"Lady Resha. Gumising na po kayo."

"Hmmm...ano ba! Natutulog ang tao eh."atungal ko saka nagtalukbong ng kumot. Agang aga binubwisit ako.

"Binibini, bumangon na po kayo. Hinihintay na kayo ni Duke Vale."

Mumukat mukat akong bumangon habang kinukusot ang aking mata. Nasa bahay na ba ako? Tumingin ako sa paligid and as I expected. Nandito pa din ako.

"Lady Resha. Kanina pa kayo hinihintay ng Mahal na Duke."bungad ka agad sakin ni Esdel.

"Huh? Bakit naman?"

"Sabi po niya ay mamamasyal po kayo."tumaas ang kilay ko at inisip ang sinasabi niya.

Eh??

"Bukas. Mamamasyal tayo"

Napatakip ako sa bibig nang maalala yung sinabi niya. Letche naman kasi di mawala sa isip ko kagabi yung sinabi niya kaya halos di na ako makatulog.

"Esdel. Tapos na ba kayo mag-ayos?"napatingin kami parehas ni Esdel sa biglang pagpasok ni Duke Vale.

"Mahal na Duke."kaagad na yumuko si Esdel at si Duke Vale naman ay seryoso akong tiningnan habang nakakrus ang mga braso.

"Kay tagal kong naghintay at akala ko ay nakapag-ayos kana."sabi nito. Napakamot ako sa aking pisngi.

"Hindi ko kasi naalala na mamamasyal pala tayo. Tinanghali ako ng gising. Hehe. Sorry."sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Siguro matagal talaga siyang naghintay. Halatang pinipigilan lang niya ang kaniyang pasensya.

"Maghihintay ako sa labas. Dapat bihis kana at maayos na kung hindi......"bigla itong ngumisi.

"Magkatabi tayong matutulog sa aking silid."sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. What the?!

"No way! Ayoko nga! Lumabas ka na nga! Chupe!"taboy ko sa kanya at nakangiti itong lumabas ng kwarto.

Kaagad ay tinulungan ako ni Esdel na magbihis ng mabilis. Syempre mas binibilisan ko. Ayoko kayang makatabi ang Duke na iyon. Baka kung ano pang gawin sa akin.

"Nakakatuwa at nagiging malapit kayo sa isa't isa ng Duke, Lady Resha."napatingin ako saglit kay Esdel habang inaayos ang tali sa aking likod.

"Bakit? Hindi ba magkasundo kami noon?"

"Magkasundo naman po pero iba yung pagiging malapit niyo sa isa't isa kesa dati. Halos nakikita ko na masaya ang Duke Vale ngayon pag kasama kayo. Noon po kasi ay mas malapit kayo sa Prinsipe."sabi niya. Eh??

"Eh?? Diba magkakilala na sila nung bata pa lang?"

"Opo. Magkaibigan kasi mga magulang niyo pero hindi kayo nagkakausap maski ako ay minsan ko lang kayo makausap. Magkasabay kayong nag-aral dito sa Larke at nung naging Duke ng Sumer si Duke Vale ay dito niyo napag-isipan na ikasal kaso nahimlay lang kayo ng matagal."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Esdel. Akala ko mas close si Resha kay Duke Vale kasi lagi sila ang magkasama pero yung Prinsipe ang mas close. Pero si Duke Vale ang nagwagi HAHAHA. At ako ang sawi dahil ako ang ikakasal sa kanya hindi ang tunay na Resha.

"Akala ko pa nga po na may namamagitan sa inyo ng Prinsipe kasi kayo ang nakikita na magkasama pero nang malaman namin na magpapakasal kayo ni Duke Vale ay doon kami naliwanagan na kahit hindi kayo gaanong malapit at nag uusap ng Mahal na Duke ay may namamagitan na pala sa inyo."sabi pa niya na parang kinikilig.

Ay may ganun? Parang lowkey lang relationship nila ah.

"Sa tagal ko na kayong inaalagaan ay ngayon ko lang kayo nakita na sobrang malapit ni Duke Vale. Bihira lang kayo kung mag-usap. Kaya natutuwa ako at balak niyong magpakasal."sabi niya.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon