CHAPTER XXIV

247 16 0
                                    

Renalee's POV

"Sa iyong pagtagal ay siyang pagkawala ng paunti unti ng iyong katawan sa sarili mong mundo."

Anong sinasabi niya? Yung boses ng nakausap ko kanina. Napasok sa utak ko. Naguguluhan ako.

"Kahit mamili ay wala kang mapupuntahan. Mananatili kang si Resha."

A-ano?? Hindi na ako makakabalik? Habang buhay na ako sa mundong ito? Bilang Resha?

"Resha? Resha."

Parang naging blangko ang utak ko. Walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Renalee. Ikaw na ang bahala sa buhay ko. May dahilan ang lahat."

Huh? S-sino yun? Nag-iba bigla ang boses sa isipan ko.

"Sa iyo nakasalalay lahat,Renalee. Ikaw si Resha."

Teka. What's the meaning of this? Wala akong ideya sa mga nangyayari. Ano bang sinasabi nila? Ako....

"Resha? May bumabagabag ba sa iyo?"

"Resha."napalingon ako sa humawak sa balikat ko. Si Duke Vale.

"Anong nangyari kanina nang wala ako?"tanong niya.

Bakit ba ako nandito sa lugar na ito?

"H-hindi.......hindi ko alam. Y-yung sinabi niya."sabi ko. Sobrang nalilito na ako. Ang daming pumapasok sa isipan ko at wala akong maintindihan sa nangyayari.

"Anong sinabi? May ginawa bang masama ang tao sa iyo? Sabihin mo. Sabihin mo sa akin."

"G-gusto..... gusto ko ng bumalik."

Gusto ko ng umuwi. Kay Daddy. Sa bahay. Mommy.

"Hangga't hindi mo nasusulosyunan ang lahat. Mananatili ka kung ano ka. Hangga't walang nangyayari, hindi ka makakabalik. Kahit mamili, hindi ka makakaalis."

"Bumalik? Gusto mo na bang umuwi?"naririnig ko ang mga sinasabi ni Duke Vale.

Bakit nangyari sa akin ito? Wala akong maintindihan. Ito ba ang parusa sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Daddy?

"Gusto ko ng b-bumalik sa dati. Gusto ko.....n-ng umuwi kay........Daddy."bigkas ko. Ramdam ko ang mga luha na tumutulo sa aking pisngi.

"Resha. Anong bumabagabag sa iyo? Anong sinasabi mo?"tanong niya sa akin.

"Mananatili kang si Resha."

"H-hindi.....hindi ako si Resha."sabi ko.

"Ikaw si Resha."

"Anong...? Ikaw si Resha. Ano bang nangyayari sa iyo? Ha? Resha?"

"Ang buhay ni Resha ay buhay mo na ngayon. Gawin mo ang dapat gawin."

"Hindi sabi ako si Resha!!!"sigaw ko. Napatingin ako kay Duke Vale na halatang nagulat sa sinabi ko.

"Ako si Renalee!!! Hindi ako si Resha! Renalee ang pangalan ko!! RENALEE!"sigaw ko saka tumalikod sa kanya at tumakbo ng mabilis. Ang sikip ng dibdib ko ngayon. Parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko alam bakit ko ginagawa ito at bakit nangyayari sakin ito. Hindi ko lang matanggap na hindi ko alam kung paano makabalik sa dati. Wala akong kaalam alam sa mundong ito. Wala akong kilala. Wala akong maintindihan sa lugar na ito.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad habang tumatakbo ako. Gusto ko ng umuwi. Natatakot ako. Natatakot na hindi na makauwi. Hindi na makabalik. Wala akong pakialam sa mga dahilan at dapat kong gawin. Natatakot ako.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon