Chapter 18

8 2 0
                                    


Lunes na naman at kelangan na naman pumasok para sa ekonomiya. Bakit ba tuwing lunes,parang lagi akong napipilitan bumangon? Siguro kasi masarap lang tumambay sa bahay nood nood ng videos mga ganurn o kaya naman dahil makikita ko na naman ang aming dakilang amo na gwapo pero sobrang sungit na pinaglihi ata sa sama ng loob hehehe!

Okay bakit ba pinupuri ko na naman ang taong pahirap na yun,kahapon pa ako ganito ah. Makapag ayos na nga need na maghanda at siguradong mamaya papahirapan na naman ni sungit boss ang buo kong pagkatao.

Pagkatapos magayos ay umalis at bumiyahe na ako papuntang opisina. Nakasabay ko pa pagpasok sina Joy at Jane na mukhang inaantok pa.

"Mga bakla,puyat kayo? Sabay sabay naman tayong nakauwi kahapon galing kina Ackie ah,wag niyo sabihin gumimik pa kayo niyan. Naku ah,daya di kayo nagyayaya."

"Gaga! Nagbasa lang kami ng story sa wattpad yung Hate More, Love More. Nakakatawa daw kasi story nun eh at saka maganda ang author, sabi lang naman yun ng friend ko. Alam mo naman ako, funnywalain sa mga chismis na ganyan. Hahaha" sabi naman ni Joy.

"Dami mo energy ngayon bakla ah, mga ilang kilong bigas ba nakain mo? Pero nakakatawa nga yung kwento nun nasa chapter 17 na ako eh, sana naman wag na tamarin author nun at tuloy tuloy na nya pag update. Baka bigwasan ko na siya sa pag nainip ako kakahintay hahaha "

"Cobra nilaklak ko para walang tulugan hahaha. Baliw na Angge, aga-aga kung ano-ano sinasabi mo. Halika na nga baka malate pa tayo yari tayo niyan lalo ka na mapapagalitan ka na naman ni sir Clyde niyan." Tawang tawa pa na sabi ni Joy. Ayun si Jane tahimik lang mukhang antok pa talaga,wala sa mood.

"Miss lang non kagandahan ko kaya lagi ako pinagiinitan. Tingnan mo balang araw, babagsak din yan sa alindog kong nakamamatay bwahahaha."

"Ewan ko sayo Angge,daldal mo sakit sa ulo ng boses mo. Pumasok na tayo sa loob Joy,wala tayong mapapala sa babaeng yan." Galit na sabi ni Jane. Magkapatid ata yan sila ni boss sungit, mga menopausal babies.

Di na ako nagsalita dahil malilate na nga kami kaya naghiwa-hiwalay na rin kami after naming mag time-in. Dumiretso na ako agad sa opisina ng president. Baka nakalimutan niyo na papaalala ko na lang ulit na assistant ako ng assistant ni sir sungit. Di man halata sakin pero hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung anong ginagawa ko dito eh. Feeling ko wala naman silang napapala sakin hahaha!

At nagsimula na nga ang araw ko sa pagrerevise ng kung ano anong reports na nakatambak sa desk ko. Pero  parang there's something wrong here. Something peaceful na ewan ata ang paligid,parang may kulang. Nagiisip pa ako ng biglang lumapit sakin si Ms. Vicky para manghingi ng updates tungkol sa mga reports ko. Pero dahil curiousity will kill, nagtanong na ako sa bumagabag... bumabagaga... bumabagagab... ahh basta ewan nababaliw na ako.

"Ms.Vicky, wala ba kayong napapansin ngayong araw na to? Mga bagong ganap ganun?"

"Huh? Wala namang bagong ganap. Bakit ano bang nangyayari sayo Ana? kanina ko pa napapansin na di ka mapakali."

" Para kasing ang tahimik, ang peaceful ng umaga ngayon parang relax lang ang araw. Di niyo napapansin Ma'am?"

" Ahh siguro kasi di ka inuutusan ngayon ni Sir Clyde. Nasa loob siya ng office niya ayaw paistorbo, maaga siya pumasok kanina kaya di natin siya napansin. Pero para ngang di ka niya pinagiinitan ngayon ah,ayos yun. Mabuti pa Ana pumunta ka  na sa loob at dalhan si sir ng kape at sandwich baka gutom na yun kawawa naman subsub na naman sa trabaho."

"Sige Ms. Vicky,para naman maenergize siya pag nakita niya ang idol at inspirasyon niya. Hahaha!" Natawa ako sa idol,kung maririnig ni sungit sinabi ko naku yari ako.

At ayun na nga, pagkatapos ko iprepare mga dadalhin ko sa loob ay pumasok na ako at nakita ko ang super busy na serious boss namin. Nakatutok sa computer habang nagpipirma ng ano anong documents.

"Good morning sir! Here's your coffee and sandwich. Kain muna kayo sir bago niyo ituloy yang ginagawa niyo." Nakangiti kong sabi sabay lapag sa mesa ng dala ko.

"Ah yeah! It's good that you have initiative now. I don't need to shout at you and make orders." Sabi niya sabay inom ng kape.

"Kayo lang sir eh,wala kayong katiwa-tiwala sakin. Kaya lang nakakapanibago,di ata kayo high blood ngayon? Bagong buhay na ba kayo sir?"

" What are you talking about? I'm just tired shouting and all. Ang dami mong napapansin Ana."

"Hehehe sorry naman agad sir,pero mas okay yang ganyan ka na lang. Peaceful lang diba, mas masarap mabuhay pag ganun."

" Yeah right,you can go back to your seat now. We have lots of work need to do. Anyways, thanks for this Ana." Malumanay na sabi ni sir Clyde habang tinuturo ang coffee and sandwich na gawa ko.

"Welcome sir, kung may papagawa po kayo tawagin nyo lang po ako I'm always available anytime anywhere." Sabay saludo pa. Napangiti naman siya dahil sa ginawi ko. Namula na naman ako sa pagngiti niya kaya tumalikod na agad ako sa hiya baka mapansin pa niya namumula ako, ano pa  maisip niya dahil doon.

Nakakapanibago takte, anyare kaya sa kanya medyo bumait ata siya ngayon. Pero mas ayos yan, baka dumating din ang araw na magkasundo na kami at hindi na ako maiinis sa lunes dahil war free na dito sa opisina.

Naks gumaganun pa ako. Mga padali ko rin eh noh,di maarok. Makabalik na nga sa trabaho, dami ko na namang dama kasi, baka di ko pa matapos mga dapat tapusin kakaisip ng kung ano-ano hehehe.

Back to work... work... work...

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon