Umaga na naman at kahit nakakatamad pumasok sa trabaho ng maaga ay kelangan para sa pagunlad ng ekonomiya hmmpp.Antok na antok pa ako dahil sa nangyaring kasalan kahapon,di ako makatulog ng maaga kagabi dahil pagkauwi ay saka ko narealize lahat ng kabalbalan na ginawa ko. Grabe nakakahiya talaga ang pageeksena ko dun.
Kung di pa kay Ackie baka matagal bago ako makawala sa pagkakakapit ko.Yun simang naman akala ko susuntukin na ako eh buti na lang nagwalk out na lang sya pero pinagbantaan ako bago umalis as if naman natakot ako.
Pilit na bumangon na ako sa higaan at nagayos ng sarili, ang usual routine na ginagawa ng babae sa umaga,di ko na iisa isahin nakakatamad. Hahaha
Nagulat ang aking ina nung nakitang pababa na ako na nakaayos na samantalang 6:30 pa lang ng umaga. Ang alis ko kasi talaga ng bahay ay alas otso dahil alas nueve pa ang pasok namin pero dahil kelangan pumasok kami na maaga at nandun na kami lahat para batiin ang anak ng presidente na darating ngayon so wala kaming choice kundi imaging dakilang empleyado.
Actually hindi naman nirequired ni sir Lopez ang ganung set up pero dahil dakilang sipsip ang head ng department namin kaya may nalalaman pa syang bati-bati. Dami alam talaga nun masyado tsk.
"Oh anak ang aga mo naman ata. Anong klaseng paghihimala ang naganap ngayon at mukhang sinipag ka ata pumasok ng maaga?"
"Ma,walang himala,ang patuloy kong pag ganda na nakakahalina lang ang himala. Di ko pa inaalagaan ang sarili ko sa lagay na yan eh lam mo na busy much pero ewan ko ba hehehe."
"Ahhh grabe kunwari na lang wala akong narinig,aga aga nanaginip ng gising tulog ka pa ata nak." Grabe savage din si ina lakas makaalis ng pantasya.
"Ano ba yan di na lang sumangayon sa maganda niyang anak. Maaga kasi kami pinapapasok ng head namin dahil darating daw yun anak ng presidente."sabi ko habang tinitingnan ang mga pagkain sa lamesa.
Grabe dami foods at favorite almusal ko ang nakahain. Fried rice,sunny side egg, hatdog at fried bangus ang pagkain yummy...
"Ahhh ganun pala sige na kumain ka na diyan para makaalis ka ng maaga. Puntahan ko lang si Marco baka gising na yun bata" si Marco ang anak ng kapatid kong si Nathaniel na kasalukuyang nasa abroad ngayon pati ang asawa neto kaya kaming tatlo lang ang magkakasama sa bahay pati pala yun nagaalaga kay Marco.
Pagkatapos kong lantakan ang mga pagkain ay nagpaalam na akong aalis na. Dali dali na din akong sumakay ng fx dahil mahigit isang oras din ang biyahe.
Pagkababa ko ay halos takbuhin ko na papasok ang opisina dahil medyo natagalan ako sa biyahe kasi naipit kami sa kalye,may nagkabungguan daw kasing sasakyan sa unahan. Hindi pa naman ako late talaga pero dahil maaga nga daw pumasok eh feeling ko mapapagalitan ako pagkadating ko.
Pagkapasok ko sa department namin ay saktong makakasalubong ko sina Joy at Mj"ohhh morning,ano balita? huli na ba ako?anjan na yun anak ni sir?"
"Actually kami rin naman huli na di lang ikaw, maaga daw dumating dito yun anak ni sir pero wala din daw sa mood magpakilala sa lahat yun tao. Sa susunod na lang daw kikilalanin yun ibang empleyado,sayang pasok natin maaga nakakainis." Gigil na sabi ni Mj.
"Nakita na nga daw nun ibang kasama natin dito si sir pero mukha daw masungit at suplado. Di nga lang daw sila binati at nilingon dire diretso lang daw pumasok sa office niya. Naku buti na lang at malayo ang department natin sa matataas tapos medyo tago pa pwesto natin nakakatakot mapaginitan."sabi naman ni Joy.
"Ahh ganun ano ba yan sayang pasok natin ng maaga nag effort pa akong gumising ng very early kainis naman,teka nga magta time in muna ako baka makalimutan ko mamaya."
"Geh punta lang kaming cafeteria sa sobrang pagmamadali kasi di na ako nakapagalmusal pati si Joy,sunod ka na lang may time pa naman tayo."at umalis na nga ang dalawa.
Habang nagtatime in ay bigla lumapit sa Dessa sa akin. Sana naalala niyo pa sya ang dakilang tsismosa "girl nakita mo ba yun anak ni sir?ang gwapo diba. Grabe natulala na lang ako nung dumaan siya sa pwesto namin eh. Kaya lang suplado eh di man lang ngumiti nun binati namin dire diretso lang sa office ni sir pero para sakin mas nakadagdag pa nga sa appeal niya ang pagsusuplado haaayyyy kahit anakan niya lang ako gorabels na choosy pa ba hahaha"pagpapantasya ni ate girl. Grabe ang daldal talaga ng babaeng to dami agad hanash di ako makasingit.
"Hay naku dapat tinanong mo muna siya kung gusto ka niyang anakan bago ka nagpantasya jan hahaha charot! Di ko siya nakita late na ako sa maaga niyang pagpasok sayang naman gusto ko din makakita ng papable. Pero kung suplado naman naku wag na lang din at saka malabo pa sa tubig imburnal na pansinin ka niyan tapos masungit pa nakow pasalamat nga siya binati pa siya di man lang kayo pinansin kahit paplastik na tango lang walang appreciation sa katawan naman yan. Wag mo na pantasyahin yan sasaktan mo lang sarili mo friend."pagtapat ko sa daldal niya habang tinatapik tapik ko pa ang loka sa balikat.
Nakakaawa ang itsura niya kasi mukhang nasobrahan ko sa real talk dahil tulala lang at nakanganga pa siya sa makabagbag damdamin kong speech, speechless ang loka. Dapat pala dinahan dahan ko ang pagsasabi ng katotohanan dahil mukhang malalim na sa hukay ang pagsinta niya sa anak ni sir pero syempre importante na magising din siya sa katotohanan.
Pero ako ata ang dapat magising sa katotohanan dahil bigla-biglang may nagsalitang tunog gwapo na lalaki sa likod ko" I think I'm right, it's you again. Do you remember what I said to you yesterday that you should not wish to cross our path again right?but why are you here? Do you really want to live your life a living hell?"may diin at nakakatakot na sabi ng lalaki sa likuran ko.
Hindi ko alam kung haharap ba sa nagsalitang lalaki sa likod ko dahil parang kilala ko ang boses niya dahil kahapon ko lang nakaaway at ganyan na ganyan pa ang pananakot niya sakin pero wala akong choice kundi harapin ang lalaking boses gwapo.
"Nice to see you again miss crazy war freak."Sabay smirk pa ni tukmol. Aba... aba... aba... nanghahamon pa ata ang lalaki nato huh dapat di papadadaig wag aayaw.
"It's not nice to see you again Mr. Simang,miss me much?kahapon lang tayo nagkita ah grabe ang effort mo hinanap mo pa talaga ako."dapat tapatan ang lalaki nato kahit nakakakaba ang presence niya talaga.
Bigla na lang siyang tumawa ng malakas may kasamang panguyam dahil siguro sa huling sinabi ko.Grabe first time ko lang ata nakitang tumawa ang lalaki na to. Mas lalo siyang gumawapo sa paningin ko. Ayyy erase erase wag dapat pantasyahin ang enemy. Panget siya tumawa, panget...
Bigla biglang sumingit aa usapan namin si Dessa "Sorry po sir sa sinabi ng friend ko ganyan lang po talaga siya. I'm Dessa po pala sir,nice meeting you po" may papikit pikit pa ang bruha habang nagpapakilala. Tumango lang si simang at biglang umalis na lang. Grabe talaga sa ugali yun may pagkabastos talaga kausap.
Nagulat ako ng bigla akong hampasin ng malakas ni Dessa "magkakilala ba kayong dalawa?gaga ka kung ano-ano sinabi mo dun kanina ako ang natakot para sayo babae ka umayos ka nga."may kasama pang nginig ang boses niya.
"Ohhh Dessa buti naman nawala na ang sakit mong pikit-pikit, kala ko napano kana eh. Ano ka ba takot na takot ka naman don eh si simang lang naman yun noh. Paano mo nga pala siya nakilala?client siguro ni sir o bagong employee dito."ang bilis naman kami pagkitain ni author agad-agad he he.
Bumuntong hininga pa muna sya bago magsalita"oo bagong employee sya dito. Siya ang anak ni Sir Lopez na papalit sa kanya bilang bagong presidente natin, si sir Clyde Jake Lopez."
Takte nabingi ata ako sa lakas ng pagkakasabi ni Dessa sakin. Pero ano daw?si simang na nakabungguan ko,naging partner ko sa garter, nakasagutan ko at dinambahan sa likod habang sinasabunutan ang magiging presidente ng pinapasukan Kong trabaho?
Lupa please lang kainin mo na ako!
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...