Chapter 11

10 3 0
                                    

Sorry guys,inayos ko yun chapter 10 to 13 may something wrong kasi. Please wag niyo skip chapter 9 kasi may magandang scene naman din don kahit papano...hahaha Geh enjoy reading!

___________________________________

Kahit Simula na ng trabaho namin ay lutang pa din ako dito sa pwesto ko,nakatitig sa papel habang kagat kagat ang ballpen. Buti na lang wala ang supervisor namin may meeting sila dun kay simang kundi sigurado memo ako neto.

Nakwento ko na din kanina kina Mj at Joy na boss namin ang nakasagutan at nakaaway ko sa kasalan nina Ackie na si simang kaya ang dalawang bruha sobrang nagulat at nagalala para sakin. Baka tanggalin daw ako dito dahil sa ginawa kong kabaliwan. Kaya mas lalo tuloy akong nagalala, ang hirap kaya maghanap ng bagong trabaho.

Kasi naman sa milyon milyong tao sa mundo bakit si simang pa ang naging anak ni sir Lopez, pwede namang si baldong magbabalot o yun janitor na si kipyong.

Paano kung di man nya ako tanggalin eh totohanin niya yung banta niya sakin? Paano kung pahirapan niya ako dito at tambakan ng trabaho,gawing utusan niya o kaya alalay, tsimay, katulong,alila,yaya, kusinera,plantsadora,labandera,hardinera, basurera, sabungera, bungangera "ayyyy....bungangera" sa sobrang gulat ko ay bigla akong napasigaw nun may pumokpok ng desk ko.

"Anong bungangera pinagsasasabi mo diyan?lutang lang te,di ka na naman naturukan ng pampakalma delikado yan girl."sa sobrang pagiisip ko di ko napansin isang kaworkmate kong nasa harap ko na pala napasigaw tuloy ako bigla.

"Grabe yun bunganga mo girl pasmado masyado, nagulat lang ako mukha ka kasing multo bigla biglang sumusulpot. Ano ba yun?"ganting pangaasar ko. Sanay na kami dito sa office magasaran kaya mapikon iyak.

"Tse!!! Yung utak mo ang pasmado, pinapatawag ka ni sir Malvs may ipapagawa ata sayo. Gumora ka na dun baka mayari ka nyan mukhang may sanib pa naman."

"Oo wag ka na manakot diyan eto na gogora na."

Di ko maiwasang di kabahan habang papalapit ako sa table ng aming department head na si Sir Malvs at napansin kong mukhang mainit nga ang ulo neto. " Sir,pinapatawag niyo daw po ako. Ano pong problema sir?"

Tiningnan ako neto ng pataray sabay tingin mula ulo hanggang paa na parang inuuri nya ako kung tao ba talaga ako o isang endangered species.

"Alam mo nagtataka ako bakit ikaw ang gagawing assistant's assistant ni Sir Clyde samantalang mukhang wala namang espesyal sayo?bakit hindi na lang ako diba?pagsisilbihan ko siya maghapon magdamag handa akong magpaalipin sa kanya at ihandog ang aking puso, katawan at kaluluwa para lang sa ikaliligaya nya." Pageemote pa neto. Kung di po niyo naitatanong may pusong babae yan na nasa katawan ng lalaki.

Pero parang mas dapat kong intindihin ang dahilan ng pageemote niya kasi may narinig akong gagawing assistant's assistant? Ano naman yun? At saka kanino daw? Ngayon ko lang ata narinig yun ah. Nakakadistract kasi yun pageemote ni sir kaya di ko magets sinabi niya?

"Sir sorry po di ko po kasi naintindihan yun sinasabi niyo sakin,pwede pong paulit?"

"Sabi ko ikaw na ang bagong assistant's assistant ni Sir Clyde dahil buntis si Maam Vicky na assistant nya at malapit ng manganak kaya naghanap siya ng maaring makatulong sa kanya at pansamantalang papalit sa kanya pag nag maternal leave na siya so ikaw ang sinabi ni sir na kunin nya na nakapagtataka kung bakit ka nya kilala at lalong nakapagtataka bakit ikaw ang pinili nyang maging assistant samantalang bago ka lang dito at wala namang espesyal sayo. Intiendes?"tuloy tuloy na pagbubunganga may kasama pang sama ng loob na pagsasalita niya.

"Eh sir sino pong sir Clyde yung kinukuha akong assistant at bakit daw po ako?wala po akong alam sa ganun." Wala akong alam sa pag assistant ,marami bang pakain don? kung madami abay gora aarte pa.

"Loka ka si Sir Clyde di mo kilala?yun anak ni sir Lopez na may ari ng kumpanya super hunk lovable at papable na anak niya. Nakakaloka ka bhe!" Patili pang pagsabi nya sakin.

Ay putek yan!ngayon ko lang narealize na si Sir Clyde at si simang pala ayy iisa nakalimutan ko pangalan nya dahil nasanay akong simang ang tinatawag ko sa kanya. Pero bakit ako ang napili nyang maging assistant nya?

Ayyy shete... Eto na ba yun revenge nya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya nung kasal nina Ackie at Chloe. Yung pagbabanta nyang gagawin nyang impyerno ang beautiful life ko na gagawin nya akong utusan niya o kaya alalay, tsimay, katulong,alila,yaya, kusinera,plantsadora,labandera,hardinera, basurera, sabungera, bungangera at iba pa. Eto na ba yun? Please langit sumagot ka.

"dapat bukas tapos mo na ang lahat ng reports mo o ibigay mo na yun kay Mj mga di mo pa tapos dahil magsisimula ka ng magtraining kay Ma'am Vicky next ano ba Ange nakikinig ka ba?" Di ko napansin na dumadaldal pa pala siya kaya nagulat ako nun bigla nyang pinukpok yong desk nya sa harap ko. Bakit ba hilig nila pukpukin yun desk?

"Sir sorry po di ko masyado narinig ibang sinabi niyo. Nagulat lang po talaga ako na magiging assistant ako ng president kasi tingin ko di po yun sakin bagay at saka mas marami naman po ditong deserving maging assistant niya. Baka naman sir pwede nyong ipakiusap sa kanila na iba na lang po ang kunin nila." At maawa sa kaluluwa kong gugutay gutayin nung lalaking pinaglihi sa galit at sama ng loob. Sigurado namang hindi assistant ang hanap non kundi paghihiganti lang. Tapos ano daw assistant's assistant pa masyadong pauso naman.

" Nah! I already say that but it's their final decision so you don't have a choice but to obey and transfer in president's office. Kung ako lang sarili ko ang ipiprisinta ko pero sila ang nagdecide so wala na tayong magagawa. Kelangan mo ng tapusin lahat ng reports mo dito this week o kung di mo matapos ipasa mo kay Mj dahil magsisimula ka na doon next week by hook or by crook. Yan ang instruction nila satin so sumunod na lang tayo. Masama man sa loob kong sabihin to pero congrats at goodluck sa promotion mo. Enjoyin mo don and do your job well at mag behave ka okay. Mababait sila don so don't worry. Sige na makakabalik ka na sa pwesto mo."

Kahit binigyan nya ako ng assurance sa bago kong makakasama ay di ko pa din mapigilang di kabahan sa papasukin kong siguradong gulo lang naman. Pero nagpasalamat na lang akong tumango sa kanya at lumakad na lutang kaya di ko napansin na nasa harap ko na pala sina Mj at Joy.

"Uyyy girl anong nangyari pinatawag ka daw ni sir ah. Sinabihan nya akong tulungan ka daw sa iba mong reports kaya lumapit na kami sayo"

"Girl,tatanggalin ka na ba sa trabaho dahil utos ng bagong presidente?bakla di ka namin makakalimutan sumulat ka huh wag ka makakalimot san ka man mapunta"may paiyak iyak pang sabi ni Joy,nahawa na talaga sakin to samantalang noon pahirapan makipagusap sa tao ang bruha pero ngayon baliw na din.

"Deh baliw sinabihan lang ako ni sir Malvs na magiging assistant's assistant ako ni sir Clyde, magiging assistant ako ni simang mga bakla anong gagawin ko???

" Whaatttt???" Nahawa na din sa shockness ko ang mga bruha.

"Gosh totoo ba yan?mas malala pa yan sa iniisip neto ni Joy eh. Siguradong gagantihan ka non kaya kinuha ka nyang assistant nya."

"Advance mo naman magisip Mj at saka assistant's assistant daw  girl,mukhang iba naman yun sa assistant kakaiba ngayon ko lang narinig yan. Mukhang masaya ang bago mong work. Goodluck bakla kaya mo yan fighting!

"Anong masaya sa makakasama mo ang taong kinaiinisan mo na may masamang paguugali at pasmadong bunganga at may malaking inis sa existence mo? Sige nga paki explain lang asan ang saya don." Buong pait kong nasabi sa kanila.

"Hopeless ka na girl, ewan namin jan. Kaya mo na yan malaki ka na."

"Oo nga bakla malaki kana basta para sakin masaya talaga yan. Hahaha!"puro saya to si Joy feeling ata niya nasa amusement park sya.

Hayyy naku wala naman naitulong mga to sakin. Bahala na nga basta walang aayaw,walang magpapa api.

Makibaka! Wag matakot!

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon