Chapter 12

9 3 0
                                    


    Dedicated this chapter to my no.1 super fan, my freny Mary Joy Tuballas. Dahil sa pagmamakaawa with matching pagiyak at pagluhod na Ipublished ko na tong ginawa ko para lang may mapagtawanan at mapintasan ka ay naglakas loob ako ipublished to Hahaha. Salamat sa support kahit di mo pa to naadd sa library mo. Hindi bale magkakadata ka din tiwala lang hehehe...

   Good luck sa apply ah, ang unlimited samgyupsal nagaabang na...hohoho

_________________________________

Maaga akong pumasok ng opisina dahil ngayon na ang araw ng giyera este araw na magiging assistant ako ng assistant ni simang.

Sobra ang kaba ko ngayon dahil maliban sa wala talaga akong idea sa bagong trabaho ko eh yung idea na si simang ang boss ko ay sobrang malaking dagok para sakin.

Pagpasok ko sa office ay nabungaran ko na agad si ma'am Vicky na nagkukutingting ng computer. "Good morning ma'am!I'm Angelique Mauricio, ang magiging assistant niyo. Nice meeting you po. The truth is, I don't have any idea being an assistant, but I will do my best po to exceed your expectation. Kayo na po ang bahala sakin ma'am." Tuloy tuloy ba pagpapakilala ko sa kanya. Di naman halatang kabado ako diba? napa english pa ako, at ang dami ko pang po. Ang galang ko talaga. Hehehe

She was shocked at first, nabigla ata sa parang militar na pagsasalita ko. Pero pagkatapos nun ay bigla na lang siyang natawa na may poise. "Hahaha nakakatuwa ka naman Ana, you can call me Miss Vicky. Hindi naman ganun kahirap ang magiging trabaho mo dito at saka ititrain naman kita. Ang pinaka importante lang ay sundin ang mga inuutos ni sir Clyde. Don't worry, mabait naman yun di ka nun papahirapan." Mabait niyang turan sakin pero yun huling sinabi niya sakin ang talagang tumatak sa isip ko.

Si simang na masungit, di ako papahirapan? talaga lang huh. Nagsimula na nga sya nun kunin nya akong assistant dito sa office niya eh.

Yun ang gusto kong isagot kay Miss Vicky, pero syempre alangan naman sabihin ko yan eh di bad vibes agad. Kelangan magpakabait bagong environment to bes.

Tinuro niya sakin ang mga office tools na bago sa paningin ko at pinagawa ang ilang reports na kelangan tapusin na may assistance pa din naman niya. Pinakita din niya sakin ang planner ni sir simang kung saan nakalagay ang ilang schedules niya. Kelangan daw kasi yun dahil ako ang sasama sa ibang meeting ng boss busabos pag di niya kayang sumama sa malayo gawa nga ng buntis siya.

Nakaschedule pala si simang ngayon sa isang conference somewhere I'm not interested, at bukas pa ang balik niya. Kaya pala di ko madama ang presence niyang masungit dito sa opisina. Buti naman at ayoko pang makita ang maasim at laging nakasimangot na pagmumukha niya dahil mahirap na ano na naman kahantungan nun.

Napagisipan ko na kelangan kong magtiis at maging mabait sa kanya kahit na anong mangyari. Pinagisipan ko pa yan kaya maswerte sya dahil nagpasya akong pagtyagaan siya.

Pag dating ng lunch break ay sabay sabay pa din naman kami nina Joy at Mj naglunch. Last weekend ay nagkita kita ulit kaming anim at tawa ng tawa ang mga bruha nung nalaman nila na magiging assistant ako ni simang. Tiyak daw papahirapan at maghihiganti yun sakin dahil sa pagpapahiyang ginawa ko sa kanya nun kasal nina Ackie at Chloe.

Sinabi pa nila na baka dito na daw magsisimula ang love life na hinihintay ko, baka destiny daw kami na kamuntikan ko ng ikasuka. Pasmado talaga mga bunganga ng mga dalahirang babae.

Ayoko ng isipin ang ibang pangaasar na sinabi nila sakin, kumakain pa naman ako ngayon baka mawalan ako ng gana bigla. Sayang naman ang masarap na food na nagaabang makain ng mga bulate ko sa tiyan he he he.

Si MJ ang next topic namin dahil sa isa naming officemate na trip na trip siyang asarin. Katulad ngayon, habang kumakain kami ay binibigyan ba naman ni Dave, isa sa mga officemate namin si Mj ng tira niyang ulam. Gigil mode tuloy si accla.

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon