Grabe ang kaba ko papalapit kina Ackie pati sa supladong bestman nya na may hawak ng garter ngayon lalo na at ang lalakas ng hiyawan ng mga tao dito. Yun mga taksil ko naman na mga kaibigan tinulak pa ako sa kanya, buti na lang nasapo nya ako agad kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao. Ano feeling nila mall show to kami ang loveteam at sila ang fans? Imbyerna!Pati sina Ackie at Chloe sumisigaw din ng "best friend ko yan!"so ngayon ko lang napagtanto na best friend pala ni Chloe tong si simang, from the word simangot. Pano ba naman kasi nakasimangot na agad nun nakita ako papalapit. Pero imba din tong si Ackie eh feeler din, kelan pa kami naging magbestfriend?di ako nainform matanong nga mamaya.
Pinaupo nila ako sa isang upuan dahil isusuot daw ni simang sa isa kong hita ang garter na hawak niya. Putek talaga bakit ko pa naisipan magdress maikli pa naman to, gitna ng hita lang at ang masaklap hindi ako nagsoshort o cycling pag nagdedress ako eh ipapatong pa naman daw sa tuhod ni simang yun legs ko sabi nung host pauso din ang putek.
Paano na to letse masisilipan ako kaya di ko pa ginagawa yun sinabi ng host. Ang sama na nga lalo ng tingin sakin ni simang eh kala mo naman may pagkakautang ako sa kanya kung makatingin. Di na nakapapigil ng inis ang bruho at bigla syang nagsalita"bilisan mo na, tama ng pagiinarte yan at ng matapos na to." Grabe sarap patulan nagpigil lang ako baka magsuper sayan pa ako sa harap ng madla.
Buti na lang may nagmagandang loob magbigay ng malaking towel sakin kasi magwawala na talaga ako dito sa pagkabadtrip sa pagmumukha ng lalaking kaharap ko.Wooohh ligtas sa libre pasilip program.
At ayun nga pinatong ko na yung paa ko at pinasok niya na ang garter,yung mga tao naman sa pangunguna ng limang itlog at Heart pati ng newlyweds lakas makasigaw ng "higher".
Hala bakit parang may dumaloy na kuryente sa hita ko nun dumikit yun kamay niya sa tuhod ko? Ang tindi ng feels...
At dahil lutang pa ako sa mga kaganapan ay ngayon ko lang napansin na nasa gitna na pala ng hita ko ang garter at kamay niya kaya sa sobrang pagkataranta ko ay napasigaw ako bigla "tama na yan!" ayun tinanggal na niya yun kamay niya at nagpalakpakan na lang mga tao.Pero yun mga baliw sa gigilid sumisigaw ng kj,may mayayari talaga sakin mamaya eh.
After ng makapigil hiningang tagpo na yun ay lumapit samin ang bagong kasal." Panget kinikilig ka halata hahaha! Anyway wife best friend ko pala si panget ayy Ana pala.hehehe" letse panget pa din pakilala sakin nabatukan ko tuloy.
"Nice meeting you Ana. Thank you for coming ah at sa pagiging good sport mo kanina dun sa garter. Kala ko mapipikon ka dun sa sinabi ni Clyde. Ganun lang yun pero mabait yun. Ayyy wait papakilala kita sa kanya,asan na ba ang ugok na yun?honey pahanap nga si Clyde palapitin mo dito"utos ni Chloe kay kupal.
"Nice meeting you din at congrats sa kasal at best wishes sanyo pero di naman na siguro kailangan yung pakilala pa sa best friend mo. Okay na ako busog ako ayaw ko maumay hehehe." pero di talaga papigil si girl pinahanap talaga.
At maya maya kasama na ni kupal si simang papalapit samin. Kahit irita ako diyan yun presence niya sapat na para kabahan ako ewan ko ba.
Nung magkaharapan kaming dalawa ay di ko mapigilan mairita sa sama ng titig na bigay niya sakin kaya yun kaba ko kanina nawala napalitan ng pagkabwiset. Ano kaya problema neto sakin sama makatingin ang liit na bagay lang naman nun nagkabungguan kami kanina.
"Oyyy ano ba kayong dalawa,kanina pa kayo nagsasamaan ng tingin ah, magkakilala ba kayong dalawa?may past ba kayo na di mo lang sinasabi sakin Clyde? Naku ha sino ang nag third party sanyo,sino nagloko at sino nakipaghiwalay?"
Sabay at gulat na napatingin kami kay Chloe dahil sa out of this world na sinabi niya. Kakaiba din ang imahinasyon ng babae na to,ang lawak.
"Talking nonsense again Chloe? I don't know that woman and I'm not interested so stop talking or better stop thinking at all."
Grabe ang harsh ng hudyo sa sariling kaibigan. Oo nga at kabaliwan ang sinabi ni Chloe pero grabe talaga siya magsalita.
"Ang sakit mo talaga magsalita kahit kelan. Pano ba kita naging bestfriend?ang bait ko naman hmmpp.Kung di kayo magkakilala pala bakit daig niyo pa ang mortal na magkaaway kung magtinginan?"walang sumagot samin.
"Anyway Ana this is my sungit bestfriend Clyde and best she is Ana, Ackie's best friend so dahil bestfriends namin kayo gusto ko din maging friends kayo ah. Tama na ang deadly look sa isa't isa,baka sa malagkit na pagtitinginan mapunta yan ayieee..."
Nakakatulala magsalita tong asawa ni Ackie,na speechless ako eh kakaiba magisip. Pero kelan ko ba talaga naging bestfriend si Ackie?dun talaga ako nagtataka eh he he
"Ahhh Chloe nakakakilabot ang mga sinasabi mo wag mo na kaming pagisipan ng issue netong bestfriend mo kasi walang kami at di magkakaroon." Nakangiwi kong sabi sa kanya.
"Tsk!can't believe it was coming from you. Not suit in your looks. Anyways Chloe and Ackie, I have to go now. Congratulations to the both of you." At nagbatian na silang tatlo pero ako naestatwa na lang dahil sa sinabi niya tungkol sakin.
Nung patalikod na siya samin ay hinila ko ang coat niya para bumalik ang tingin niya sakin."Alam mo naiinis na talaga ako sayo. Ayoko na nga sana patulan ka sa mga hirit mo pero sumusobra ka na kasi. Matanong ko lang,ano ba problema mo sakin? kung tungkol yun sa pagkakabanggan natin kanina, nagsorry na ako don kahit may kasalanan ka din naman dahil di ka din tumitingin sa dinadaan mo. Pero dahil hiyang-hiya ako sayo ay sinolo ko na ang sisi. Oh ayan sorry kanina dahil nabunggo kita,okay na ba?masaya ka na?tapos ka na ba sa paghahanap ng atensiyon?"may kasama pang hingal yang speech ko. Yong bagong kasal na best friend daw namin nakatulala lang,naloka ata dahil triggered ako.
"Stop pulling me,don't you dare touch my clothes." may diin at nanlilisik na matang sabi niya may kasama pang pagpag ng damit,ang arte putek. "Your not just stupid, you also just talking nonsense. I'm not the one here who wants to get attention,but you are. I really need to get out of this place,what an eyesore."
"Anong sinabi mo?pakitagalog dahil wala ka sa America, Pilipinas to kaya kausapin mo ko sa wikang Pilipino hambog ka wag mo ko mainglis inglis."naintindihan ko naman siya syempre pero sabi ko nga diba nagpipigil ako ng galit baka sakaling mawala pag nanahimik ang hudyo. San ba neto hinihugot galit niya sakin?sa tadyang ni satanas?
"Di lang pala stupid,ang bobo pa. Ang sabi ko hindi ako ang naghahanap ng atensiyon dito kundi ikaw at ang ingay mo wala namang sense ang mga sinasabi mo. Get it? Can I leave now? Okay good." Sabay talikod sa kin.
Sa sobrang gigil at inis ko at di ko napigil ang sarili ko na di magisip na gumanti,nangati ang kamay ko. Kaya nung di pa siya masyado nakakalayo ay bigla bigla akong dumamba sa kanya at binigay ko ang full power ko na sabunutan ang hudyo to the highest level. Kaya ayun mukhang gorilla and monkey to the zoo ang peg namin...
Makibaka wag matakot,ipaglaban and naaapi. "Yaaaahhhh....!!!"
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...