Pinuntahan agad ni Chloe ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nito ang pagaalala sa kalagayan ni Ackie ganun din si Heart na parang maiiyak na. Inalalayan naman ito ni Clyde sa sofa at inihiga doon.Ang mga putek friends ko naman, ang sama ng tingin sakin dahil sa hirit ko. Dedmakels na lang ako. Nagulat lang naman ako eh!
Maya-maya ay namulat din ang mahal na prinsipe mula sa kanyang pagkakahimatay. Nakakaloka kalaking tao at hambog pa minsan, himatayin naman pala. Tsk!
At ayun na nga, nagdrama na nga ang mag-asawa. Nagyakapan at nagiyakan na po sila. Si boss sungit naumay ata,tumalikod na at bumalik sa inuupuan.
Ako? Eto masaya para sa kanila lalong lalo na kay kupal. Nakita kong mahal na mahal niya talaga ang kanyang asawa. Pero syempre tumalikod na rin ako at umupo na rin katabi ni Clyde, nakakaumay kasi sila panoorin.
Nagulat ako ng pagkaupo ko ay nagkatinginan kami ni boss kaya ayun nagkagulatan effect pa kaming dalawa. Syempre wala na kong masabi, ngumiti na lang ako sa kanya at ang loko nagulat ata, napatitig sakin na parang ewan.
"Bakit sir? May problema po ba?
"What are you talking about?"takang taka na tanong niya.
" Wala naman sir, nashookt lang ako kasi natulala lang kayo kanina. Kala ko may problema kayo. Kung meron man sir,sabihin mo lang baka makatulong ako kahit papano."
" You don't need to care about that. I know you can't help me if I have a problem, you make it worse instead. That's what you're good at anyways."
" Ayyy grabe ka sakin sir! Ako na nga tong may mabuting loob na willing tumulong eh,nalait pa ako. Sige bahala ka sir,bihira lang to. Ayaw mo ba talaga? Last chance na to, bawal na bawi."
Nagulat ako ng ngumiti ang poker face ni sir sungit, pinitik pa ang noo ko. " You are crazy brat. I don't know what to do with you anymore." Nakangiti na may kasama pang pag-iling na sabi niya.
Grabe shookt talaga ako sa smiling face ni sungit natulalaley ako ang gwapo niya. Hindi pala mas lalo siyang gumawapo.
" Sir, sana lagi kang ngingiti kasi mas gwapo ka pag nakangiti ka. Mas bagay sayo kesa sa nakasimangot ka." Sabay biglang takip ng bibig ko namumula sa hiya. Takte nasabi ko nasa isip ko? Angge, daldal mo talaga, bawasan mo yan.
Pero si Clyde,ayun natulala lang na nakatitig sakin. Grabe yung tingin parang kinabahan ako bigla. Takte ninyerbyos ako sa tingin niya, kape pa more. Di ko rin tuloy maialis tingin ko sa kanya dahil sa kaba at ang sarap din kasi titigan ng mukha niya,sobrang kinis at amo. Ngayon ko lang to nagawa kaya lulubus lubusin ko na,baka may bayad na to sa susunod. Ano ba yan adik na ko,woohhh!
Hindi pa rin namin maalis ang pagkakatitigan namin sa isa't isa ng may biglang umuubo sa gigilid.
" Ehem!hmmm mike test, nakikita mo ba ang nakikita ko B1?" Pang-eepal na sambit ni Jen kay El.
"Ehem! Mukhang iisa lang ang nakikita natin B2. Hindi naman tayo namamalikmata diba?"
" Ako hindi ah, ayos pa ang grado ng salamin ko. Baka mata mo ang may problema. Hehehe"
" Ako pa ba, sobrang linaw ng mata ko. Kahit mga langgam nakikita ko naglilipana dito ohh. Hahaha!" Tawang tawa na sabi ni El.
"Anong pinagsasabi niyong dalawa diyan? Tumigil nga kayo para kayong tanga. May langgam langgam pa kayong sinasabi jan,wala naman akong nakikita. Hoy! Ackie maglinis ka nga ng bahay mo, may langgam daw dito sa inyo."Iritang sabi ko sa mga ugok,medyo slow ata ako sa part na yun.
"Hahaha! Nakakashunga talaga pag matagal kang loveless tapos natitigan ka ng lalaki, nakakaubos ng utak talaga yan eh. Hahahaha" pangaasar ni Jen sakin.
" Ganun ba yun Jen, naku panget baka matuluyan ka mashunga nyan,mag boyfriend kana kasi. Napagiiwanan ka na ng panahon. Malay natin anjan lang ang kaforever mo sa gigilid, tinitingnan ka hahaha!" Pati ang nahimatay na si Ackie,nakiisa na rin sa pangaasar.
At nagtawanan na po sila pati ang mag-asawang nagmomoment kanina nangaasar na rin. Pwera lang syempre sa mga batang squad na sina Gelie at Heart, kakampi ko yan eh!
"Kuya,wag ka naman ganyan kay ma'am Angge. Hindi naman nakakatawa yang sinasabi mo."
" Oo nga ate Jen, wag naman kayong ganyan kay unnie. Magboboyfriend din yan,tiwala lang. Hehehe" Sabi naman ni Gelie. Ewan ko kung dapat ba ako matuwa o maasar sa sinabi niya eh.
"Buti pa tong dalawang nene naiintindihan ako eh. Hay naku bahala na nga kayo diyan, gutom na ako. Halika na Chloe sa kusina at lafang na lafang na ako. Iwan mo na muna yang asawa mong ang laking tao, himatayin naman." Asar na sabi ko sa kanila.
"Hahaha sige na, sige na. Kumain na tayong lahat at gutom lang ang nararamdaman at nakikita nating ito. Hayaan natin ang panahon ang magsabi ng mga dapat mangyari, wag natin pangunahan ang lahat. Hindi ba Angge? Clyde?" Hindi ko alam kung kinakampihan ba kami neto ni Chloe o nangaasar din eh. Nakakaloka sila ah.
"I don't know what you're talking about. Stop talking nonsense Chloe."
" Kung ano-ano sinasabi mo gorl. Ganyan ba pag jontis, ang daming nalalaman." Nagkasabay pa kami ni boss sungit sitahin si Chloe. Balik beast mode na naman po siya. Nagkatinginan pa kami kaya ang mga miron nangasar na naman.
"Naku ganyan na ganyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko eh"ayaw papigil na sabi ni Ackie.
"Nanay at tatay ko ganyan din sila noon."
"Mga aso ng kapitbahay namin ganyan din laging nagbabangayan tapos ayun,hindi man lang namin namalayan jontis na.
" Mga ipis sa bahay namin ganyan din." Sabi naman ni Joy,minsan na nga lang magsalita wala pang dulot.
" Letse ewan ko sanyo,di sana kayo tunawan."
At nagtawanan na po silang lahat. Pagkatapos ay nagpunta na kami ng kusina para kumain at magkwentuhan pati na rin asaran.
Kahit kami ang naging sentro ng kantyawan, masasabi ko na masaya ang naging pagsasalo namin. Dahil na rin sa magandang balita tungkol sa pagbubuntis ni Chloe. Sana palaging ganito,
Masaya lang!
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...