I dedicate this chapter naman sa nakikipagunahan sa no 1 spot ng pagiging super fan ko, Queen Angelie Infante. Full name yan te para wasak...hehehe. Salamat sa motivation at naniniwala sakin as a writer kahit lagi kong sinasabi puro kabalvalan lang naman mga yan... Hahaha
At dahil naguunahan kayo ni Joy sa pagiging fan ko,bakit di ka na din magpaunli samgyupsal bakla...hahaha peace yow!!!
________ __________________
Ang aga aga pero hagardo versoza agad ang beauty ko mga day! Grabe maghiganti sakin ang hari ng kasimangutan at kasamaan. Akala ko di tototohanin ang pagbabanta niya sakin pero ang hudyo di mabiro. Dakilang all around ang gawain ko dito sa opisina niya. Sige isa isahin natin para kayo din dama niyo ang feels ko at may karamay ako sa kapighatian.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina di pa ako nakakaupo sa upuan ko ay pinatawag na niya ako agad at ang gara,pinalinis niya sakin ang buong opisina niya dahil di daw naayos ang paglilinis ng aming janitor so dahil isa akong dakilang empleyado eh sinunod ko siya kahit di ko naman yun trabaho.
Habang naglilinis ako ay chinicheck niya pa lahat ng nalinis ko kung naalis talaga ang alikabok at dalawang beses pa kelangan ialcohol ang buong office niya iba den ginagalingan ang pagpapahirap.
After sa Linis duty,inutusan naman niya akong lumabas para ibili siya ng sandwich at salad sa katapat ng building namin. Nagsuggest pa nga ako na bakit di na lang siya magpadeliver pero grabe nagalit pa ayaw daw nya ng ganun. Grabe siya buti nga nagsuggest pa ako pero at least inisip niya din naman kami ni ma'am Vicky bilhan din so pumayag na ako libre pagkain din yun.
Pagkabalik ko galing sa labas ay inutusan niya akong ipagtimpla siya ng kape. Hindi ako nagtanong kung anong timpla ng kape ang gusto niya so nagbigay ako sa kanya ng usual na kapeng tinitimpla ko. Pero gusto pala niya ay black coffee na may onting asukal. Eh di timpla ulit ako. Pagkabigay ko inamoy lang ng hudyo sabay balik sakin nung kape di daw siya umiinom ng instant coffee, brewed ang gusto niya so kahit iritang irita na ako nagtimpla na lang ulit ako at dahil brewed nga medyo matagal.
Palapit pa lang ako sa pwesto niya ay sobrang sama na ng hilatsa ng mukha ni bosaboss. Pinagalitan ako dahil ang tagal ko daw gawin ang inuutos niya kaya nagbago na daw isip niya orange juice na lang daw ang itimpla ko.
Nung natimpla ko na ang juice na hiningi niya sakin ay pinapalitan niya ulit sakin at matamis daw, nung nagtimpla na ulit ako ng panibago buti naman at wala na siyang reklamo pero ako naman sa sobrang sama ng loob ko ay ininom ko lahat ng kapeng pinagtitimpla ko pati yung juice kaya ayan mulat na adik na parang sabog ako ngayon.
Gusto ko man umiyak at magreklamo sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay niya ay pinigilan ko ang sarili ko at pinakita sa kanya na okay ako at di magtatagumpay ang kasamaan sa kabutihan.
Feeling ko buong araw akong nagpaalila at nagpaalipin pero bakit nakikita ko pa din ang araw, tirik na tirik ang init niya. Ayaw niya pang umalis sa harap ko uwian na diba?dapat wala na yan. Pati ba naman ikaw galit na galit sakin? Oh yun ibon naman hinahampas ang sarili niya sa bintana ng opisina namin,wag yan di lalaban ang bintana namin pre.
Parang ako lang,di na lalaban.
Sobrang lakas ng pagigtad ko may kasama pang pagtayo at pagtili nung biglang nagring ng malakas ang telephone na nasa harap ko "President's office good evening, may I help you?"kung ano ano na lang sinasabi ko,lutang ata ako.
"Anong goodevening? alas dos pa lang ng hapon sabog ka ba???nalipasan ka na naman noh?kumain ka kasi di yun masyado mong dinidibdib yan trabaho mo jan wag mo pahirapan sarili mo kasi wala ka non hahaha... Nga pala,nagtext sina Jen nagyayaya kita kits daw mamaya chill chill you know magunwind lang. Tinitext ka daw nila pero no response kaya kami na daw magsabi sayo,bawal tumanggi wala kang marireason out dahil wala kang jowa hahaha." Tuloy tuloy na pagbabalita ni Joy. Parang nabuhay tuloy katawan lupa ko sa mga sinabi niya. May sanib ata ngayon si Joy, biglang dumaldal. Mamaya nga ipapatawas ko to.
"Wow daldal mo ngayon ah lakas pa makatawa parang may jowa din naman siya,may sinabi ba akong tatanggi ako?advance ka talaga magisip. Geh mamaya sabay sabay na tayo pumunta nina Mj san daw ba venue? Ay wag ka na din magisip kung saan dahil wala ka rin non. Hahaha"
"Tse ewan ko sayo, nababaliw ka na naman. Basta mamaya sabihin ko sayo saan sabay sabay naman tayo aalis eh,tinatamad na akong kausap ka."
"Hahaha pikon, Geh bahala na kayo nakakatamad ka din kausap xiao!" Di ko na hinayaan magsalita pa si ligaya,wala naman ako mapapala doon.
Wag kayo maculture shock mga bhe ganyan lang talaga kami magmahalan magkakaibigan, mapikon iyak hehehe.
Dumating na ang oras ng uwian at agad agad ay nagpaalam na ako kay miss Vicky kahit may ginagawa pa siya, gustong gusto ko na talaga maglabas ng stress at sama ng loob sa mga ginawang pagpapahirap sakin nung hari ng kasungitan.
Pinayagan naman niya ako wag na mag overtime pero kelangan ko pa din magpaalam daw kay sir sungit so wala akong choice kundi lumapit sa kanya "sir, mauuna na po ako sa inyo umuwi, uwian na din po kasi."
Tiningnan ako ni sunget na parang tinubuan ako ng siyam na ulo,natanga ata sa sinabi ko " it's already five o'clock means off to work so you don't need to state the obvious. If you want to go, go as if I care about your existence. " umiirap pang sabi niya sakin.
"Baklang bakla sa pagirap sir ah, baka lang kasi mamiss niyo ang presence ko dito. Alam niyo naman naniniwala kasi ako sa kasabihang "the family that prays together,stays together" at saka "don't eat when your mouth is full" and "keep out the grass" at "wag tumawid dito may namatay na" lalong lalo na sa " bawal ihi, putol t...."
Di ko pa natatapos sabihin ang educational speech ko ay napatayo ako nang bigla niyang dinampot ang mabigat na template sa takot na ibato sakin ang hawak niyang yan.
"Labas o tatadyakan kita palabas sa opisinang to o ihahagis sa bintana ng building na to, pili???" G na G na pagbabanta niya sakin.
"Sir naman di mabiro,kaya mukha ka ng matanda eh. Tanong ko lang sir, nung ba nagpaulan ang diyos ng kasungitan at lukot na mukha sa pagsimangot, may insomnia kayo? Naku! curious lang sir ah, maaalalahanin akong tao eh baka masolusyunan natin yan...nagaalala lang ako."
Grabe na ang titig sakin ni simang,may black aura na din na lumalabas sa katawan niya mamaya mag hahame hame wave na yan.
Nagulat ako sa nakakatakot na sigaw niya sakin. "GET OUT NOW!" Caps lock para intense kasing intense ng galit niyang mukhang asong pagmumukha. Tumakbo na ako palabas ng opisina niya,mahirap na baka machop chop lady pa ako jan, mukhang gusto na akong hatiin sa pito eh.
Pero pagkasarang pagkasara ko ng pintuan niya ay bumelat belat ako at nagmimake face pa sabay pinalo palo at winagwag wagwag ko pa ang puwet ko. Kahit alam kong nakikita niya ako sa cctv ay wala akong pake. Gusto ko talaga yun mabwibwiset siya ng todo.
Nakaganti din sa pagpapahirap na ginawa niya sakin buong araw, kulang pa nga yun sa totoo lang higanti lang yan sa hari ng pikon at kasungitan. Hindi pwedeng siya lang ang masaya...
Sana all ginagawa yan para everybody happy diba???
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...