Chapter 20

3 1 0
                                    

Napatingin kaming lahat kay Jaggy dahil sa makabagbag damdamin niyang pahayag pero mukhang nakarecover na si sir Martin dahil balik asar mode na naman siya.

"Woah woah! Nice one Jacint my boy! I'm so proud of you, Hahaha! Did you hear that Ms.Ana? don't worry i know this boy since he was a kid and I know he's someone worthy to trust. I assure you that!"

Sobrang shock pa rin ako. Hindi makagetover sa hanash ni Jaggy pero nakakahiya naman di sagutin si sir kaya kahit napipilitan, sumagot na rin ako. "Sir, I know naman po na mabait si Jaggy at mapagkakatiwalaan pero baka lang po nabibigla siya o kaya naman po isa sa mga joke time niya yung sinabi niya kanina. Diba Jaggy?wag ka nga magjoke, adik talaga toh hehehe" hiyang hiya kong sagot kina

Nakangiti pero seryoso siya ulit na nagsalita. "Im serious Anna. When we're apart and no communication at all, I always think about you. How are you? if you're okay or not? Please give me a chance to show how serious I am to you." Seryosong turan niya.

Natameme kaming lahat sa sinabi niya, ng biglang may sersyoso rin nagsalita sa tabi ko "Will you please talk about that matter after this meeting or after her work perhaps. Seperate work from business, it's annoying." Madilim ang mukhang sabi ni sir Clyde. Medyo natakot ako sa tono niya, na parang anumang oras magwawalang chimpanzee yan dito sa resto.

Nagtitigan ang dalawang lalaki. Ayaw patinag so ako na nagsalita, mga serious mode na mga tao dito at nakakahiya na rin kay sir Martin ang mga nangyayari. "Sorry po sir Clyde, maguusap na lang po kami after work na lang. Sorry po sir Martin sa nangyari."

" No it's okay! Ako naman ang nagpush ng topic. Im so sorry for what happened Clyde. Jacint, I think you should talk to Anna after the meeting. Clyde, will you let my VP talk with Anna after this meeting?"

"Im sorry about earlier Mr.Martin. About that, after this meeting we will have a company meeting so maybe they can talk some other day." Malumanay pero seryosong sagot ni Sir sungit. Gayunpaman kahit si sir Martin ang kausap niya ay kay Jaggy pa rin siya nakatingin. Di kaya nainlove na to si simang kay Jaggy? Super titig wagas eh... hehehe

" No worries, I can talk to her whenever and whatever happens. Anna, I can call you anytime right? Let's talk about it some other time." Sabay titig at ngiting makalaglag panty sakin. Grabe sya oh, naku naku naku ang puso naghihinarot. Kinilig naman ako.

" I think we need to go now Mr. Martin. We still have meeting to attend to. It's a pleasure to meet you. " seryosong sabi ni simang. Nakakagwapo ba yang sobrang kunot na noo at simangot maghapon? Grabe mukha nga syang mananapak sa itsura nya ngayon eh.

" The pleasure is mine, Clyde. Let's have a wonderful working relationship from now on. Anna, it's also nice to meet you. Hoping for a nice relationship with my vp here." Naku ayaw pa rin nyang tumigil sa pangaasar. Iba na talaga pag damatands na eh... hehehe

" Nice to meet you also sir. Magiingat po kayo sa paguwi. Oyyy Jaggy ingat kayo. Lakas mangasar ngayon ahh yari ka sakin mamaya hmpp..." pacute ko pang sabi. Cute kasi ako yaan nyo na... hahaha

" Hahaha naku nagtampo na ang bata. Pasalubungan kita ng favorite mo next time we meet promise." May kasama pang paghaplos sa ulo ko, ginawa pa akong aso neto talaga naman.

Nagulat ako ng biglang may humatak sa braso ko sabay hila sakin. " We have to go now Mr. Martin. Let's go Anna." Sabay hatak sakin palabas. Pagkaway na lang nagawa ko sa mga naiwan sa loob. Si Sir Martin, tawang tawa habang naglalakad kami palabas habang si Jaggy naman, matalim ang matang nakatingin sakin o kay Clyde siguro, di ako sure jan kasi kumakaway din naman sya sakin.

Paglabas namin ng resto ay diretso na kami sa kotse ni simang. Balak ko sanang kausapin habang siya ay nagmamaneho pero wag na lang pala, baka bigla akong bugahan ng apoy. Takot ko lang masunog dito.

Pagdating namin sa opisina ay walang nagtangkang batiin si simang sa takot ng aura na lumalabas sa kanya. Yung mga nakakasalubong pa nga nya ay tumatabi o di naman kaya lumiliko ng daan sa takot.

Ako naman eto mamadali din ng lakad syempre dakilang jululalay kaya dapat sundan ang boss amo at mahirap na masigawan nyan.

Pagpasok namin sa loob ng opisina nya ay nagulat ako ng bigla syang lumingon sakin, nauntog pa ako sa diddib nya nadale pa ilong ko. Infairness ang bango ahh... Halatang mamahalin ang perfume iba ren talaga.

" Aray ko naman sir. Bigla bigla kayong lumilingon, napipi ata ilong ko. Bakit po ba? May sasabihin po ba kayo? paguutos?"

Walang kibong nakatingin lang sya sakin. Hay naku, sinapian na naman ata yan ng masamang espirito. Pabasbasan ko nga to sa simbahan baka sakaling bumait kahit onte.

Di pa rin sya natitinag sa pagtitig sakin nahihiya na ako baka mahagip ng mata nya ang pimple ko na ilang araw ng naninirahan sa mukha ko ayaw pa lumayas kaya ako na magaadjust para sa kanya. " Sir kung wala po kayong paguutos, lalabas na po ako. Pagtitimpla ko na lang po kayo ng kape." Serious mode na sabi ko sabay talikod na sa kanya. Di na kinaya ng powers ko ang tingin nya, mahiyain naman ako sa personal kahit papano noh.

Nagulat ako ng bigla na naman nya akong hinatak sabay yakap sakin. " Don't talk to him. I don't want you to talk or meet him ever again. Stay here... with me..." Pabulong na sabi sakin ni Clyde.

Naestatwa ako sa gulat at kumabog ng malakas ang aking sa kanyang ginawa at sinabi. 

Maging ito man ata ay nagulat din sa kaniyang ginawa kaya maya maya ay bigla niyang kinalas ang pagkakayakap niya sakin sabay talikod at hilamos ng mukha.

"You can go and do your work. Just forget what I've said. Leave now." Nakatalikod niyang sabi sakin

Hindi agad ako nakasagot dahil gulantang pa rin ang sistema ko pero pinilit ko pa rin ang sarili sa pagkawindang kaya nauutal akong sumagot " Ahhh o- okay sir, t-tawagin niyo na lang po ako kung may paguutos pa po kayo. Lalabas na po ako." Seryosong tugon ko at nagmamadaling tumalikod at lumabas.

Gusto ko man tanungin kung anong ibig sabihin ng lahat ng iyon pero ang awkward, nawala ang kakapalan ng mukha ko. Kaya agad agad ay umalis na ako sa kaniyang opisina.

Pagbalik ko sa aking pwesto ay parang nagkakarerang kabayo ang dibdib sa sobrang bilis ng kabog nito. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Si Simang lang naman yun, ang boss kong masungit na laging nambibwiset ng araw ko.

Pero yung totoo? Ano bang nangyayari??? Pakiexplain naman sa maliit kong utak...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon