Chapter 15

6 1 0
                                    

Dumating ang linggo kung kelan excited na excited ang limang itlog dahil bonggang libreng kainan na pangsosyal na naman daw ang magaganap kaya ayan sila kinukulit ako na lumarga na kahit wala pa akong ayos ayos. Mga patay gutom friends bow!

"Angge ano na? ang bagal mo bilisan mo at may curfew ako, nanay at asawa duties. Buti nga napayagan ako lumakwatsa ng jusawa ko basta daw maraming take out eh. Hahaha" pakapalan ng mukha na ani ni El.

"Oo nga Angge ako nga sinama ko pa si Yohan makasama lang sa pafood ni mayor eh. Bihira lang darating sa buhay natin ang libre kaya gorabels na wag ka na magayos wala namang pagbabago eh."isa pang pakapalang mukha na sambit ni jen.

" Hoy mga shotay tomi tigilan nyo ko sa pagmamadali. Ang usapan alas tres ng hapon magkita-kita. Sa sobrang excited ala una pa lang andito agad nambibwisit. At saka American time kayo ah? Bat sobrang aga niyo ngayon? Pahalatado walang makain mga gagang toh mamaya pa ang feeding program mga teh bwahaha"

"Kapal naman kabayong baklang nanaba, ikaw ang super excited na namalita samin nung byernes tapos kami pagbibintangan mong makikifeeding. Lakas mo boy,isa pa nga" ayaw paawat ni jen,di kasi talaga nagpapatalo sa debatehan ang gagang yan.

" Oh tama na yan sige na lahat na tayo makikifeeding. Umalis na tayo at gutom na ako di ako kumain kagabi pa para dito noh. Pinaghandaan ko toh hehehe"

Lahat kami nagulat sa sinabi ni joy dahil ngayon lang nakisali sa lokohan namin yan. Di pa namin natuturuan sumagot yan eh naituro pa lang namin sa kanya tumawa  kaya nagulat kami.

"Joy ikaw ba yan? May sakit ka ata sumasagot ka na. Siguro kakasama mo yan kay Angge kaya kabaliwan nya nadadala mo. Bad influence talaga ang baklang halimaw eh hahaha"

"Jen ayaw papigil sa panlalait ikaw multong bakla ka , sumakit sana tiyan mo mamaya kakakain. Halimaw sa banga di ka mahal ng nanay mo bleh"

"Letse tumigil na nga kayo para kayong mga bata di bagay. Sige na Angge bilisan mo na para makaalis na tayo pinagiinit nyo ulo ko eh." Beast mode na sabi ni Mj

Dahil nakakatakot na ang aura ni Mj eh nagmadali na akong magayos at mahirap na baka maghame hame wave na si bakla, masunog pa kami ng wala sa oras.

Sa wakas nakaraos din ako sa pagpapaganda kahit wala naman talagang nabago,maganda pa rin ako. Ayun bumiyahe na kami papunta kina Ackie para makifeeding. Di naman masyadong kalayuan ang bahay nila at mabilis ang byahe dahil linggo, excited lang talaga ang mga gaga makikain kaya nagmamadali.

Nakarating din sa wakas sa bahay nila Ackie at si Heart ang unang una bumati samin pagkababa pa lang ng sinasakyan namin.

"Hello po buti po nakarating kayo agad dito sa bahay nina kuya. Pasok po kayo! tayo tayo lang ang inimbitahan ni ate Chloe kasi bored daw sya wala daw syang kalaro hehehe"

"Naghahanap lang ng clown yan si ate Chloe mo. Inistorbo pa kami sa siesta namin hahaha"ani ng magandang diyosa na si Angge.

" Hoy panget,narinig ko yung huling sinabi mo. Ikaw magandang diyosa, sabagay maganda ka naman... sa mata ng lasing nga lang hahaha" sabi ng bwisit sa buhay ko na si Ackie.

" Hoy kupal ka! sa sarili ko lang sinabi ko na magandang diyosa ako ahh. Kung naiingit ka eh di magpaganda ka rin Hahahah. Anyways, asan na ba ang pagkain, este yung nangimbita pala samin dito at ng mabati para maumpisahan na ang kalokohan. Hehehe"

"Adik ka talaga pangit sige na nasa loob pa asawa ko nagpapaganda, baka raw iwan ko sya pag nabawasan ganda nya bwahahaha!"
Tawang tawa sabi nya. Walang nakitawa sa kanya,wala kasing naawa para masagip sya sa kahihiyan nya Hehe.

Pagkapasok namin ay napatanga kaming lahat sa kagandahan ng ala mansyong bahay ng mag asawang Ackie at Chloe. Mayaman naman kasi talaga ang gunggong na yan, di mareach!

Habang nakatunganga kami sa kanilang mansyon ay lumabas si Chloe mula sa kusina siguro nila dahil naka apron pa ito at may hawak na sandok. Kahit simpleng- simple nakapambahay lang ito at nakapusod ang buhok ay napakaganda pa rin nya kaya siguro minahal sya ng husto ni Ackie.

Okay bawal bitter, sabi nga ni Ackie maganda rin naman daw ako sa mata ng lasing nga lang. Letse talaga!

"Hello! Welcome to our humble abode! Salamat sa pagpunta niyo ah. Upo kayo,  hinhanda ko lang ang mga pagkain sa mesa para makakain na tayo lahat." Nakangiting bati samin ni Chloe.

" Kami nga ang dapat magpasalamat kasi ininvite mo kami. Nga pala, tulungan ka na namin sa pagaayos ng mesa. Nakakahiya naman sayo"

"Sus kunwari ka pa pangit, wala ka namang hiya talaga hahaha" Nakakabwiset na pangaasar ni Ackie na sinangayunan pa ng mga bwitre kong kaibigan.

"Tumigil ka nga honey! lakas mo mangasar kay Ana. Hindi na girl,matatapos ko naman na to,upo lang kayo diyan. Halika honey, tulungan mo ko" Hila sabay pingot ni Chloe. Ayun si engot, aray ng aray. Hehe buti nga karma is real.

Habang nagkakasiyahan kami sa sala ay biglang may nagdoorbell. Nagtataka si Heart dahil wala silang inaasahan na bisita maliban samin. Tatayo na sana si Heart para tingnan kung sino ang nasa labas ng bigla ay lumabas mula sa kusina si Chloe.

"Ako na Heart ang magbubukas ng gate. Yan na ata ang hinihintay ko pang bisita." Sabay kindat samin.

Lahat kami ay nagtataka dahil akala namin kami lang ang pupunta. Parang di maganda ang kutob ko dito ah. Takte kape pa more, nagiging nerbyoso tuloy ako.

Habang nagaabang kami lahat kung sino pa ang ibang bisita na parang nanonood kami ng suspense-horror movie, pumasok na ang nakangiting pero may pangaasar na si Chloe kasunod ang super seryosong gwapong mukha ni boss busabos.

Sabi ko na nga eh may bad vibes akong dama ngayon.

Juice colored! Ang hina ko ba talaga sayo? Wala man lang ba akong pahinga sa pagmumukha ng simang na yan? Nakakaloka!!!

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon