Chapter 7

11 3 0
                                    


Ilang linggo ng usap-usapan sa opisina ang pagpapalit ng presidente ng kumpanya pero hanggang ngayon di pa din naman dumadating yun anak ni sir Lopez so kampante pa din kami sa pagtatrabaho.

Ilang araw na lang din at ikakasal na si Ackie,buti na nga lang at di na ako kinulit nung dalawa na wag na umattend sa kasal dahil kinausap na sila nung dalawang epal na sina Jen at El. Pag gumawa daw ako ng eksena dun, pagsasampal sampalin daw nila ako at kakaladkarin palabas ng kasalan. Langhiyang mga kaibigan,mga brutal masyado.

Araw na ng kasal niya ngayon at kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse na inarkila namin papunta sa venue ng kasal at kasama ko na naman ang limang itlog. Pinagbabantaan ako ng lima na wag gagawa ng eksena sa kasalan at yari daw ako sa kanila. Tingin nila sakin eksenadora? ang tino-tino ko kaya.

Pagdating namin sa simbahan ay nasa labas pa ang lahat ng entourage pati ang groom. Unang bumungad samin ang groom na gwapong-gwapo sa araw ng kasal niya. Pagkakita ko sa kanya, parang gusto ko na naman umiyak pero nagpigil lang ako. Dahil maliban sa nakakahiyang gumawa ng eksena dito,mayayari din ako sa limang itlog kaya nginitian ko na lang tong sakit na nararamdaman ko at nilapitan siya para batiin.

"Ayos ang itsura ah mukhang tao ka ngayon. Congrats kups!"nakangiti kong bati sa kanya.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap "Panget...ikaw pala,gumanda ka ata ngayon?dati hindi eh. Hahaha"at kumalas na siya sa pagkakayakap sakin,sayang naman ganda na ng pwesto namin eh. "Buti naman at nakarating kayo,salamat sa pagpunta." Binati niya din ang mga kaibigan ko.

"Syempre naman ininvite mo kami kaya pupunta kami. Congrats pala" pagbati ni El sa kanya.

"Asan nga pala si Heart?di pa sila dumadating?"pagtatanong sa kanya ni Mj. Grabe talagang ugali neto ni Mj di man lang binati yon groom,imba talaga he he.

"Ahhh parating na sila,sige upo na muna kayo sa loob."pagkatapos batiin ng mga kaibigan ko si Ackie ay dumiretso na kami sa loob.

Maya-maya ay nagpasukan na ang entourage,magsisimula na pala ang kasal. Unang pumasok ang groom na masayang masaya, kumakaway-kaway pa sa mga bisita parang artista kasama ang parents niya at best man na nasobrahan sa pagkaserious ang face. Infairness ang ganda ng lahi talaga ng mga to pero ngayon ko lang ata nakita yun best man niya kasi kilala ko mga kapatid niyang lalaki at lahat talaga sila magandang lahi. Mga abay ang mga yun kasama na din si Heart na ngumiti samin nun napadaan sya sa pwesto namin,ganda talaga ng bata nato.

Pero ang higit na nakaagaw ng pansin saming lahat ay ang papalapit na bride,grabe ang ganda niya sa princess cut bridal gown niya. Ganyang gown ang pangarap ko na maisuot eh pero ngayon nakita ko na suot niya yun gown parang nahiya ako bigla,para kasi siyang model basta ang ganda niya lakas maka insecure.

Habang nagmomoment ang ikakasal sa harap parang gusto ko din magmoment,kitang kita na sobrang mahal nila ang isa't isa. Tama na siguro ang pagdadrama dapat ko na talagang tanggapin ang katotohanan nato at maging masaya din para sa kanila kaya habang nagpapalitan sila ng vows ay buong oras akong nakangiti at nakikisaya para sa kanila,isa pa nga ako sa malakas sumigaw ng kiss nung sinabi na ni father na you may now kiss the bride

After sa simbahan ay dumiretso na kaming lahat sa reception,ang inaabangan naming anim kahit ayaw nilang aminin. Pang mamahalin din ang venue, ang mga waiter ang mismong nagdadala ng pagkain sa mga guest buti na lang di buffet to kasi parang feeding program lang ang peg non he he. Ang dami palang dumalo sa kasal mahigit 600 ata kami. Mukhang mayayaman ang mga tao dito pero di naman nakakailang kanina nga nilapitan pa kami ni Heart at bumati samin isa-isa.

Patapos na ang kainan nun biglang pinagspeech ng host ang bagong kasal,lakas makapbb teens lang nun dalawa sa sobrang kapabebehan lalo na si Ackie sarap hagisan ng takong eh. After nun ay ang usual na program pag wedding na so dahil naumay na ako sa kasweetan ng dalawa eh nagpunta na muna ako sa rest room kasama nina Joy at Gelie.

Habang papunta kami ng restroom ay masaya kaming naghaharutang tatlo at dahil di ako nakatingin sa dinaraan ko at nasa gilid pa ako ay ako ang tanga na nakabunggo ng taong may hawak na juice kaya yun tumapon lang naman samin pareho ang hawak niya.

"Hala! sorry po. Sorry di ko sinasadya di ako tumitingin sa dinadaan ko. Sorry!" Tarantang sabi ko habang pinupunasan ko siya gamit ang panyo ko.

"You better be sorry miss, you ruin my coat." Walang kaemo emosyon na sabi ng isang lalaki pero nakakagwapo ang boses nya at dahil curious ako sa itsura ng nakabungguan ko ay saka lang ako tumingin sa mukha niya.

Gosh di lang boses niya ang gwapo pati ang mukha sobrang gwapo. Grabe natulala ako sa mukha niyang feeling ko nasa langit ako dahil sobrang amo ng fes niya na kahit ang sama ng tingin niya sakin ngayon feeling ko pa din anghel siya at nandito sa harap ko para bigyan ng kapayapaan at kagandahan ang mundo ko. Matangkad at maputi din siya nahiya pa nga kutis ko sa kanya, kutis yayamanin at gosh di ata tinutubuan ng tigyawat at blockheads ang lalaki na to.

Pero nun nagsalita ulit sya ay biglang parang may nilagareng yero ang umagaw sa pagpapantasya ko."Miss next time don't be soo stupid not to look infront or maybe it's your way to know me. Sorry miss but I'm not interested,you're even not my type."

Aba grabe den magsalita ang lalaki na to sayang ang pagpapantasya ko sa kanya sinadya ko daw abat feeler din. "Excuse me lang mister,di lang naman ako ang tanga noh kasi kung tumitingin ka din sa dinadaan mo eh di sana di tayo nagkabungguan so wag sakin lang dapat ang sisi dito at hindi ako nagpapapansin sayo no di ka naman kapansin pansin kasi."ayaw ko tapatan ang English niya baka mamali ang grammar mahirap mas mapahiya.

Tiningnan lang ako ng masama ng lalaking iyon sabay nilayasan kami. Naalala ko na siya pala ang best man ni Ackie. Kaano-ano kaya niya ang lalaking supladong hambog na yan hmmp.

Dumiretso na kaming tatlo restroom at nilinis ang mantsa sa dress ko buti na lang natanggal din agad. Tong mga kasama ko naman lakas makaasar samin kaya bago pa ako mabwiset ng tuluyan sa kanila ay niyaya ko na agad sila sa upuan namin.

Pagkaupo namin ay pinatayo din kaming mga dalaga agad dahil agawan na daw ng sumpa ayy... ihahagis na pala ang bulaklak pati na din ang garter sa mga binata. Tong mga babae naman na to kung makapag abang parang di pa nakakahawak ng bulaklak buong buhay nila pati nga yun mga kaibigan ko abangers din eh. Ako dito lang sa likod ayoko nga makiagaw ng sumpa noh.

Pero mukhang naparami ata ng kain ng cake ang jusawa ni Ackie at napasobra ang hagis nya para mapapunta yun sa likod at sa mismong harap ko pa so ako na walang choice eh sinambot ko na lang yun bulaklak.

Pagkatapos namin ay ang mga lalaki naman ang pinapunta sa harap para sa garter. Ang sasaya ng mga hinayupak parang pera naman yun papaagaw at ayun na nga di na ako tumingin kung sino nakakuha kasi umupo na ako sa upuan ko. Pero may mga pauso pa pala ang mga to at pinapapapunta sa stage ang nakakuha ng bouquet at garter.

Nangunguna sa pangaasar ang limang itlog kasama pa nila si Heart sa pwesto namin,nagtitilian pa talaga feeling naman nila nasa concert sila para tumili kinakaladkad pa ako papunta sa harap. Putek diyahe ang daming tao nakatingin sakin pinapasikat naman ako ng kasalan na to masyado.

Habang papalapit ay may naaaninag akong lalaking may malapad na likod at makinis na batok nakatalikod samin at nasa gilid niya lang ang garter na hawak niya so tingin ko siya nakadampot nun garter. Then biglang humarap samin ang lalaking may makinis na batok at agad ko siyang namukhaan.

Ang best man ni Ackie at ang mukhang anghel na tinapon sa lupa para insultuhin ang kagandahan ko,ang nakabungguan ko kanina pala ang makakapartner ko daw sa kaekeekan nila.

Shit! I'm doomed

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon