Napakapit ako sa tiles ng rest room dahil sobrang nanghina bigla ang tuhod ko sa narinig kong balita mula kay Heart.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, lungkot, sakit, pait, dusa, pagkasawi at gusto ko ng iuntog ang sarili ko sa salamin ang OA ko na para naman may karapatan akong magpakabitter,kami ba...kami???lakas makapagdrama parang bagay.
Ayan nirealtalk ko na yun sarili ko pero masakit pa din kahit na wala akong karapatang masaktan kasi MAGKAIBIGAN lang naman kami (intense much diba parang damang dama ko) hindi ko mapigil ang sarili ko na di masaktan.
Akala ko limot ko na siya dahil kay Jaggy pero nasa puso ko pa din pala siya tinago ko lang at bumalik nun nagkita ulit kami ngayon.
Oo na inaamin ko na mahal ko pa din siya. Akala ko talaga wala na pero kaya nga nagmukha akong rebulto sa tabi niya kasi narealize ko na gusto ko pa din siya. Pero ano pa bang saysay nun diba ikakasal na siya alangan naman pigilan ko ang pagiisang dibdib nila sa simbahan at sumigaw ng "itigil ang kasal. Buntis ako at siya ang ama." Wala akong tibay at lakas ng loob na gawin yun. At para naman may karapatan akong gawin yun,baka ibato lang ako sa luneta ni Ackie at dun pagwelgahin.
Nagulat ako ng may malalakas na mga brasong nagyugyog sakin. "Ma'am okay ka lang ba?"nagaalalang mukha nina Heart at Gelie ang bumungad mula sa paglakbay diwa ko.
Natulala na pala ako dahil sa madamdamin kong pagmomonologue."ahh..okay lang ako. Kayo ba okay lang?ang serious nyo masyado diyan ahh" hinaluan ko na lang ng patawa pagkakasabi ko kasi halatang paiyak na ang dalawang bata, nakakakonsensya kasalanan ko ata.
"Grabe natakot kami bigla ka na lang natulala diyan. Sorry ma'am dapat pala dinahan dahan kong sinabi yun sayo." At bigla bigla akong niyakap ni Heart habang umiiyak.
" Oo nga unnie,sobra kaming nagalala sayo. Sinampal sampal ka na namin,pinalo, niyugyog walang effect nakatulala ka lang talaga. Pupuntahan ko na nga sana sina kuya Ackie para magpatulong pero pinigilan ako ni Heart.Ano okay ka na ba? Wag ka na umiyak diyan,magiging okay din ang lahat.Andito lang kami."
"Hayyy okay lang ako wag na kayo magalala diyan,nagmumukha na kayong mas matanda kesa sakin. Hahaha... Halika na balik na tayo doon baka hinahanap na nila tayo,halika na." Hatak ko bigla sa dalawang nene.
Habang pabalik kami ay masayang nagkukwentuhan sina Ackie,Ella at Jen. Feeling close ang mga bruha may pahampas hampas pang nalalaman,si kupal naman masokista ata tumatawa pa. Samantalang tahimik na nagsecellphone lang si Colton at tahimik din na naguusap sina Joy at MJ.
Nung palapit na kami sa pwesto namin ay napatingin samin si Ackie at kumaway samin na sinasabing bilisan namin kaya binilisan na namin ang paglalakad. Napatingin na din samin ang iba at sinenyasan ako ni Joy kung okay lang ako. Mukhang halata sa pagmumukha ko ang after shock kaya natanong niya yun pero tumango na lang ako sa kanya at tahimik na umupo.
Nagulat pa ako nung bigla-bigla na lang magsalita si Ackie sa tabi ko."Ahhh nga pala tutal naman naging magkakaibigan na tayo eh gusto ko sana kayong imbitahan sa kasal ko medyo matagal pa naman three months from now pa,si Heart na bahalang magpadala sanyo ng invitation ah. Dapat nga isa ka sa abay panget kaya lang bigla nawalan ako ng contact sayo." Biglang anunsiyo samin ni Ackie.
Kahit na nasabi na sakin ni Heart ang tungkol sa kasal ni Ackie,di ko pa din nagawang di masaktan sa katotohanang ikakasal na siya pero mabuti na lang nalaman ko agad baka mapahiya ko pa ang sarili ko ng wala sa oras.
Pero ang limang bruha pati na din si Heart ay biglang tumingin sakin na may pagaalala sa mukha. Takte ibubuko pa ata ako ng mga bruha kaya nagsalita na agad ako baka ano pa masabi ng mga to mahirap na. "Ohh talaga congrats kupal. Akalain mo yun may nagtyaga sayo. Hahaha... Ayy sayang naman pangarap ko pa naman maging abay pero di bale okay lang yun basta sa reception lang masaya na kami. Diba girls? Ohh payag sila sabi ko sayo eh aatend yang mga yan basta sa libreng kainan. Hehehe" OA kong sabi sa kanya,sumobra ata energy ko dun ahh.
"Grabe ka girl ah napasobra ka sa energen,ang hyper mo. Ikaw na samagot para samin,nanira ka pa ng pagkatao. Anyway Ackie best wishes pala sanyo ng future bride mo. Oo ba aatend kami sa kasal." Nakangiting sabi sa kanya ni El. Kahit pinagalitan ako niyan halata sa kanyang nagaalala siya para sakin
"Salamat El. Aasahan ko kayong lahat ah. Panget wag kang mawawala wala akong clown sa kasal ko.Hahaha... Sige mauna na kami sa inyo ah kanina pa kasi tumatawag si Chloe, ang fiancée ko. Miss na masyado ang kagwapuhan ko. Hahaha"
"Wow kaguwapuhan?san banda?oo miss ka na nun talaga, miss na niya aso nyang pittbul Hahaha... Geh layas na." Pangisi kong sabi sa kanya. Loko talaga kahit kelan ginawa pa akong clown niya.
" Ayos ahh pagkatapos ilibre, pinapalayas mo na ako pero kahit di mo na yan gawin aalis na talaga kami kasi ang panget mo naumay ako bigla. Hahaha... Sige guys mauna na kami sanyo ah! Nice meeting you all." Nakangiting sabi samin ni Ackie. Kainis dami paalam di na lang umalis na kanina pa ako nagpipigil eh.
Isa-isa naman kaming niyakap lahat ni Heart at nun ako na ay sobrang higpit na yakap ang binigay nya sakin na muntik ko ng ikaiyak pinigilan ko lang sarili ko. Ngumiti na lang kami sa isa't isa at tinanguan lang kami ni Colton habang si Ackie at ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa sakin noon.
Habang unti- unting lumalayo ang magkakapatid samin ay unti-unti ding pumapatak ang luha ko. Nakatingin lang ang mga kaibigan ko sakin,tingin na may halong awa at simpatya pero lahat sila ay nagulat nung bigla kong hinampas ang lamesa namin
"Tara mga kaibigan kong putek inuman tayo. Wooohhh..."
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...