Chapter 6

10 3 0
                                    


Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nun nakita namin sina Ackie at imbitahan kaming magkakaibigan sa kasal nila. Pagkatapos kong magdrama sa kinainan naming resto ay dumiretso kami sa lugar na madalas naming paggimikan ay nagwalwal at nagdrama ako ng sobra.

Nagalit sina Joy at MJ kay Ackie dahil napaka insensitive daw nun pero sinabihan ko na lang sila na hayaan na lang nila at magmove on. Lagi na lang move on,ang saya ng love life ko laging sawi. Hahahayyy....

Patuloy pa din naman kaming naguusap ni Heart pero si Ackie bihira lang kasi busy much para sa kasal nila so di ko na din kinukulit unlike noon na lagi akong nakikipagasaran sa kanya.

Di naman laging malas ako kasi isang buwan na din ako sa work ko,office staff pa din so nadidivert sa work ang mga kasawian ko sa love. At magkakasama naman kami nina Joy at Mj sa work,buti na nga lang may mga tiga aliw ako. Hahaha char lang pero thankful talaga ako na andiyan sila lagi para sakin.

So I decided na wag na muna magisip about love life and  iprioritize ang work kasi nakakaurat na ang pagiging friend zone ko,Nana naruto ako eh times two,times two... Hahaha pero seriously speaking nakakaloko ang love sakin nakakadalawang strike na agad pag pumangatlo pa ayawan na talaga. Tsk

Breaktime namin ngayon at kasama ko ang dalawang itlog na sina Joy at Mj,pinaguusapan namin ang nalalapit na kasal ni Ackie. Ayaw kasi nilang dalawa umattend kami sa kasal at pinipilit nila ako ngayon na wag na pumunta.

"Girl ano ba masokista ka ba?aatend ka pa sa kasal na yun di naman na kailangan,sasaktan mo lang sarili mo dun eh."pagaatungal ni Mj na sinang ayunan naman ni Joy,madrama talaga tong mga to kahit kailan.

" Ano ba kayo?dinaig nyo pa ako sa pagdadrama eh,naging kaibigan ko naman yun tao at personal niya tayong ininvite so ano tayo artista para tumanggi? At saka libre kain yun,ayaw nyo ba ng libre? Hahaha"

"Letse ka Ange ano tingin mo samin patay gutom sa libre? Tama naman si Mj,masasaktan ka lang baka umatungal ka pa dun habang nasa simbahan tayo. Ang iniisip lang naman namin  eh yung kahihiyan habang kasama ka namin. Hahaha"

" Takte akala ko mga concern kayo sa feelings ko yun pala kinakahiya nyo lang ako, mga walang kwentang kaibigan. Taksil sa ating sinumpaan na di magiiwanan sa hirap at ginhawa, sa buhay man at kamatayan niyo... araaayyyy...."putakte binatukan ako ng dalawang bruha.

"Baliw ka talaga Ange,yang kabaliwan na yan ang inaalala namin. Baka kung ano pang gawin mo dun,madamay pa kami."

"Grabe kayo sakin, tingin nyo talaga ipapahiya ko yun sarili ko don? Syempre hindi noh chillax nga lang kayo diyan. Mukha lang ako wala sa katinuan pero alam ko naman ang ginagawa ko. Matino po ako,di ako baliw... Wag niyo po akong ipasok diyan ano ba wag niyo akong hawakan nasasaktan ako."Nakahawak pa ako sa buhok ko na tila nasasaktan talaga.Yun mukha naman ng dalawa nakasimangot na sakin pati mga officemates namin napapatingin sakin kaya umayos na ako baka mapagkamalan talaga ako.He he!

" Oh sige na magtitino na,baka magsuper sayan na kayo diyan eh.Wag kayo magalala ayos lang ako at aayusin ko din sarili ko don okay. Aatend tayo lahat sa kasal ni Ackie,period bawal na tumanggi."

"Hayyy naku bahala ka na nga Ange malaki kana kaya mo na yan, basta pinagsabihan ka na namin ah walang sisihan pag may umiyak" pagpayag na sabi ni Joy pero halata pa din sa kanila ang pagaalala.

Habang nagkukwentuhan kami at bigla na lang kaming napahinto sa pagsasalita nun biglang lumapit sa pwesto namin si Dessa,kaofficemate naming tsismosa. Dami kasi yan balita sa office araw-araw daig ang newscaster sa pagbobroadcast.

" Uyyy guys nabalitaan niyo ba na magretetire na daw si sir Lopez at  ang anak niyang galing America ang papalit sa kanya bilang President ng company. Ang balita ko ang gwapo daw ng anak ni Sir, sabagay gwapo naman si sir kahit matanda na so saan pa ba magmamana ang anak niya kaya lang serious much daw yun anak,parang galit sa mundo. Ewan ko lang kung bakit nakakacurious tuloy."tuloy tuloy na balita samin ni Dessa.

"Grabe Dessa ilang bigas ba ang nakain mo?dami mo energy eh. Saan lupalop mo naman narinig ang balita na yan? Pero useful naman so pagbibigyan ka namin ngayon. Okay lang naman na nasa serious mode si future boss wag nga lang masungit at antipatiko unlike ng father niya na super bait satin."sagot ko naman.Infairness kinabahan din ako sa balitang pagpapalit ng president kasi bago lang kami dito. Nagaadjust pa kami baka masita kami lalo na at mukhang laging galit daw yun anak ni sir Lopez.

"Diyan sa kabilang department,lam niyo na mga katsikanes ko mga people don. Abangers nga din sila kay sir pogi eh. Pero yun nga din inaalala ko. Matarantahin pa naman ako pag masungit ang naguutos sakin baka mamali mali pa ako sa trabaho ko,naku baka mag goodbye work ako niyan." Napangalumbaba na sabi ni Dessa. Mukhang natakot ata sa sinabi ko.

"Ano ba kayo,wala pa nga yun tao dami niyo na iniisip diyan. Nagaalala kayo masyado,kung masungit eh di masungit kung mabait eh di mabait."sabay sabay kaming napatulala sa sinabi ni Joy dahil sa walang kakwenta kwentang payo niya.

" Haayyy naku Joy sana di ka na lang nagsalita kasi muntikan na kitang sipain sa ganda at may katuturan na advice mo samin. Nangaano ka eh noh! Pero wag na nga muna natin alalahanin yun anak ni sir kasi wala pa naman siya,saka na pag andyan na siya. Hahaha"

" Isa ka pa Ange, makaalis na nga dito mangangalap muna ako ng impormasyon sa anak ng presidente natin,diyan na kayo ciao!"at umalis na nga ang tsismosa ng bayan.

" Wag mo kaming kakalimutang balitaan ahh andito lang kami Dessa maghihintay sa pagbalik mo,sumulat ka ha. Magpapackage ka na din. Chocolates at sapatos size six ako color black. Hahaha" pahabol sigaw ko sa kanya. Napatakip tuloy ng tenga ang dalawa sa ingay ko.

" Hayyy naku Ange sumigaw ka pa talaga dito sa cafeteria ang dami-daming tao nakakahiya ka talaga. May papackage ka pang nalalaman di naman magaabroad yun tao."inis na sabi sakin ni Mj. Kahit kelan talaga magagalitin ang isang to.

"Oo na galit ka na niyan joke lang naman eh hahaha. Pero curious talaga ako sa binalita satin ni Dessa tsismosa tungkol sa papalit kay sir, kinakabahan ako. Sana wag talaga masungit at makasundo din natin katulad ng tatay nya. Baka mapaginitan tayo bago pa lang naman pa tayo."

"Ikaw lang pagiinitan non wag mo kami idamay. Sa dami ba naman ng kalokohan na ginagawa mo kahit ako kakabahan eh. Magtino ka na kasi para makampante ka diyan."irita na talaga to si Mj sakin buti na lang sanay na ako diyan,masama talaga magsalita yan eh pag wala sa mood.hehehe!

"Oh tama na yan baka magkainisan pa kayo buti pa lumarga na tayo sa loob kasi five minutes na lang tapos na ang break time." Yaya na samin ni Joy.

Habang papasok kami ay di pa rin matanggal sa isip ko ang binalita samin ni Dessa. Sana maging ayos naman lahat. Pero bakit parang kinakabahan ako? Hayyy ewan makapagtrabaho na nga.

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon