Shock ang mga tao sa eksena naming dalawa na parang unggoy akong nakakapit sa buhok niya may kasama ba naman pagsigaw yun eh.Yung ibang bisita sa kasal lalo na ang mga kamag-anak ni kupal at Chloe ay pinipigilan at inaawat kami pero nagulat ang lahat nung nagsalita sa kanila si Ackie."Wag po kayong magalala sa kanila kasama po yan sa program, regalo nila saming dalawa. Ang sweet po diba?mabuhay ang susunod na ikakasal."
Nakamike niya pang sinabi yan kaya rinig ng lahat ang nakakasukang sinabi niya kaya di na sila umawat at nanood na lang samin. Dahil doon ay tinigil ko na ang ginagawa ko pero sinigurado ko muna na may nalagas akong buhok sa kanya bago ko siya bitawan.
Buti na lang at mataba ang utak neto ni Ackie at napahupa niya ang tensyon kanina sa mga bisita dahil samin kundi mas nakakahiya kung may pagawat pa silang ganap. Pero nakakasuka pa din yung sinabi niyang susunod na kakasalin. Kung di lang ako nanghinayang sa mga masarap na kinain ko kanina,susuka na sana ako right here right now...
Biglang humarap sakin ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob at kung kanina nanlilisik lang mga mata niya habang nagtatalo pa kami, ngayon nagaapoy na ang mga ito kulang na lang magbuga siya ng apoy at sunugin ako natakot nga ako ng slight pero kailangan fierce look wag padadaig.
Naririnig ko pa yung limang itlog na nasa gilid na pinaguusapan ang eksenang naganap kahit masama ang titigan namin ng lalaking ito sa harap ko.
" Sabi ko na nga ba di matatapos ang araw na to na di yan aagaw ng eksena dito pangkahihiyan, galing ko talaga woohh Joy at Gellie akin na pera nyo talo kayo sa pusta."
"Oyy Jen wag ka nga kasama mo kaya akong pumusta na may gagawin kababalaghan yan dito si Ange. Nirecord ko pa nga sa cp ko para ebidensiya eh. Hahaha!" Letseng Joy to isa pang pinagkanulo ako.
Abnormal talaga tong mga to pinagkatuwaan pa ako ng mga lukaret, pinagpustahan pala ako. Hayy naku mamaya may mayayari sakin pero sa ngayon may kelangan pa akong tapusin.
" You crazy woman, how dare you. Pasalamat ka di ako pumapatol sa baliw kundi nasapak na kita. Ackie pagsabihan mo tong best friend mo o mas mabuti ipasok mo na sa mental yan magkakalat pa ng kabaliwan dito."halatang nagpipigil siyang sigawan ako dahil na rin sa mga taong nakapaligid samin.
"Sumusobra ka na kasi napakainsensitive mo masyado. Feeling mo manhid ako walang puso na di masasaktan sa mga sinasabi mo. Napupuno din ang babae akala mo diyan." With fiercely eyes ko pang sinabi ang mga yan pero sa totoo lang sobrang nasaktan din ako sa mga sinabi niya.
Halo halo na kasi ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kasal na naganap tapos galit na galit siya sakin hindi ko naman alam kung bakit napakabababaw naman kasi talaga kung sa juice lang yun.
Ayoko pa naman sa pakiramdam na may galit sakin ang tao lalo at hindi ko alam ang kinagagalit nila kaya sumabog na talaga ako walang pakialam sa mga taong nakakakita.
"I will never forget this woman. You wish that our path never ever cross again or else... I will make your life a living hell Always remember that."
Binigyan niya muna ako ng nakamamatay at nakakatakot na tingin bago tumalikod. "Lakas mo magbanta ah parang pinapangarap ko naman na makita ka ulit. Kung sa bangungot pa baka magkita tayo o pwede den sa impyerno." Dagdag pahabol kong speech kahit nakatalikod na siya.
Pero eto naman si Chloe ayaw paawat may pahabol pa talaga saming pangaasar."Hahaha ang cute niyong dalawa bagay na bagay kayo may spark talaga kayo ayieee..."
"Shut up Chloe or else..."humarap ulit si simang para awayin naman best friend nya,iba den wala talagang kaamo-amo ang tao na to.
"Or else what Clyde?as if you scare me. Well sa tingin ko magkikita pa kayong dalawa." Nakangiting parang may balak pa na sabi niya samin. Parang natakot ako bigla sa ngiti nyang yan ah,naku wag naman sana akong mabiktima.
"I know you Chloe,don't plan anything stupid or you'll never see me again ever."may diin na sabi niya.
"Huh?ang paranoid mo naman best wala naman akong pinaplano ah. Ano to inaanticipate mo na ba ngayon pa lang ang pagkikita niyo someday. Naku baka iba na talaga yan hmmm..."grabe ang lakas din mangasar neto ni Chloe kaya yung isa wala ng nasabi umalis na lang napikon na ata sa best friend niya.
Ako naman humarap sa newlyweds, ngayon lang pumasok sa sistema ko ang ginawa kong kahihiyan kanina."Ackie at Chloe sobrang sorry sa ginawa ko kanina. Sobrang nakakahiya sa inyo at sa lahat ng bisita niyo ang nangyari. Sobra na kasi ang pagkapikon ko sa best friend mo Chloe sana pala di ko na lang pinatulan." Hiyang hiya akong nakayuko na humihingi ng tawad.
"Ano ka ba panget,ayos ngang entertainment ang eksena niyo eh. Kanina pa kami nagaabang ng kakaibang aliw dito,buti na lang anjan ka hahaha" nakaakbay pa niyan si Ackie sakin habang sinasabi niya ang kalokohan na yan.
"Oo nga sobrang laughtrip kaya yun nasa likod ka niya habang sinasabunutan mo siya woohh sobrang epic. First time may gumawa sa kanya ng ganyan may kilig talaga eh hahaha. Bagay talaga kayo ni sungit kong best friend. Sayo nga lang yun nagbigay ng iba't ibang reaksiyon eh. Serious much kaya yun kaya sa tingin ko ikaw na ang taong makakapagbago sa mundo niyang boring."haba ng sinabi ni Chloe naparami ata ng kinaing cake.
"Hay juice colored wag niyo na kaming gawan ng issue ng masungit na yun. Sana lang talaga di na magkrus ang landas namin kasi baka magka world war III na lang bigla dahil sa laki ng pinaghuhugutang galit niya sakin. Ayoko naman talaga sana siyang maging kaaway pero ewan ko ba siguro naisip niya nung past life naming dalawa ako ang kaagaw niya sa lover niya."nagiisip pa ako kunwari matalino talaga.
"Lukaret ka girl ginawa mo naman bakla best friend ko but I really like you. I hope we'll also become friends like you and Ackie pwede naman diba?" Nagpapuppy eyes pa siya habang sinasabi niya sakin yan.
"Oo naman lets be friends syempre bakit hindi. Add kita sa facebook,IG,twitter,whatsapp, skype,tinder,tantan,we chat,badoo...."
"Huh?dating sites na yung mga huli mong binanggit,di ako pwede dun baka magwarla si hubby. Hahaha!"natatawang sabi ni Chloe.
"Ayyy oo nga noh kasali kasi ako diyan ngayon para matigil na ang sumpang single forever hahaha"
"Hahaha malay mo di mo na kelangan sumali sa mga dating sites na yan kasi may guy na darating na perfect for you,tiwala lang darating yan." Lakas makapag encourage ngumiti na lang ako baka ano pa masabi ko maisipan ko pang magdasal sa harap niya.
Habang naguusap kami ni Chloe ay lumapit na samin ang mga kaibigan ko mukhang tapos na ata magbayaran sa pustahan tsk!
"Sorry sa pangiistorbo sa inyo pero kelangan na kasi naming umuwi. Congrats nga pala sa kasal niyo at best wishes sa inyo. Sorry nga pala sa nagawa ni Ange sa bestman nyo."nakangiting bati ni El Kay Chloe.
"Salamat! Naku wala yun sobra pa nga kaming natawa sa nangyari sa kanilang dalawa kanina eh. Salamat din sa pagpunta. Teka tatawagin ko muna si hubby"at nilapitan niya na nga si Ackie para siguro sabihin na uuwi kami.
Habang lumalapit silang dalawa papunta samin ay magkikita mo talaga sa kanila ang pagmamahal nila sa isa't isa. Sobrang bagay na bagay talaga sila at nakakatuwa lang na mabilis kong nakasundo ang asawa ni Ackie dahil mabait ito.
Kahit may kakahihiyan akong nagawa ngayon dito ay tama lang ang desisyon ko na pumunta sa kasal dahil tuluyan ng naghilom ang sakit na naramdaman ko ng marinig ko mismo kay Ackie na magkaibigan lang talaga kami at ikakasal na siya.
Masasabi kong isa ang araw na to sa pinakamasaya at memorable na nangyari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...