Chapter 2

15 3 0
                                    


Hay naku nakakainis namang araw to walang swerte,di ako tanggap sa work kasi kulang daw sa height. Hello! kung sinabi nilang kulang sa utak okay fine baka matanggap ko pa pero height talaga? Di naman tagasalansan ng libro sa library o ng mga produkto sa grocery ang inaplayan ko, office staff po...sa office... Kaimbyerna!

Anyway ang dami ko ng hugot dito di pa pala ako nagpapakilala. My name is Anastasia Emily Dimanlangit Ange for short.My best friends called me Ange pero mas bet ko ang Ana kasi pang susyal pero pag tinamad A na lang.

Habang umaatungal at nagmomoment ako dito sa bahay namin yung mga friends kung putek andito na naman para pangaliw daw sa dinaranas kong kamalasan. Sila na thoughtful nakakaiyak....

" Ano ba girl,anong ganap na sayo olats pa din ba" tanong ng nagmamaganda kong friend na si Mj.

"Nakakaloka ka Ange lahat sayo wala ah! work, career pati love life nganga. Ikaw na ang reyna, sayo na ang korona"umakto pa na may ilalagay na korona sa ulo ko si Josefa, Joy for short daw.

" Eh kung ipakain ko kaya sayo yan korona na sinasabi mo noh,letse to lakas mangasar kitang badtrip eh." Iritableng sagot ko naman.

"Unnie naman may pagdadrama? Marami pa naman ibang maaplayan diyan,mataas lang talaga yun standards nun naaplayan mo but I'm sure may mahahanap ka na para sayo." Positive na sabi naman ni Gelie, bunso saming magbabarkada.

"Oo nga naman Angee malay mo dun sa work na maaplayan mo dun mo pa mahanap si forever mo diba, may career ka na may love life ka pa." sabat naman ng isa ko pang kaibigan na si Jen.

"Sus,maniniwala pa ako na makakahanap ng career yan si Ange but love life nakoww malabo pa sa tubig imburnal yon,napakachoosy ganda eh noh" pangeepal na sabat naman ng pinakasupportive best friend  ko na si El.

"Ang epal mo best,salamat sa support ah boto mo naman ako sa susunod na halalan." Nakasimangot na sagot ko.

"Oo ba,kaw pa ba malakas ka samin, may limang votes ka na...naks..." pangeepal pa ni El.

Sila ang mga friends ko na nakakapagtyaga sa kin. Need ko pa ba ipakilala sila isa isa?wag na lang kaya sayang time.hahaha

(Oyyy ipakilala mo naman sila wala kang kwentang kaibigan!)

Sino naman epal yon??

(Ako ang iyong konsensya. Pag di mo ginawa yan di ka magkakaroon ng love life forever. Bwahahaha)

Hala sinumpa pa ako. Sige na nga takot ko lang maging single forever. So anyways sila nga yun mga friends ko unahin na natin yun pinakasupportive na si Stella or El. Siya ang pinakabwistest ko sa lahat(bwiset + bestest) ng friend ko.

Since elementary siya na ang kasangga ko at kasa kasama sa lahat ng bagay kaya kilalang kilala na ako niyan. But maaga kasi niya naexperience ang family life,may asawa't anak na siya so bihira lang namin siya makasama sa gala at bihira nyo din sya mababasa sa story na to.

Mj or Maria Janina, Josefa or Joy and Jen Ferry or Jen are my college friends. Kami-kami lang ang madalas na magkakasama sa gala outside school. May sumasama sama naman din but mostly di nakakasundo ni Mj kasi may pagka sensitive ang babae na yan mahirap makisama sa iba but we accepted each other flaws naman so di na yun big deal. Okay na din yon pare parehas kasi namin ayaw sa big circle of friends buti na nga lang nakasundo nila sina El at Gelie.

Si Joy naman idol ako niyan sa bagay bagay lalo na sa kalokohan sila ni Gelie ewan ko ba tuwang tuwa sakin. Pati pang babara ko nakuha na sakin. Parehas mababaw ang kaligayahan konting salita ko lang,tawa agad yan sila. Mas mababaw nga lang si Joy,lakas makaligaya niyan. Joy nga kasi...

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon