Chapter 4

10 3 0
                                    


Nagyaya ang magkakapatid na mag dinner to catch up daw at dahil libre nila,ang bibilis pumayag ng mga bruha except samin ni Mj. May grudge pa din ata to kina Heart and ako naman,syempre alam niyo naman ang feelings ko kay Ackie, nakakailang kaya.

At kilala ko tong mga kaibigan kong bruha. Sigurado akong may mahahot seat at mamamatay sa kahihiyan mamaya pero di ko sinasabing ako yon ah. Mambubuking ang mga bruhang yan,sigurado...tsk!

" Ma'am masaya ako na nakita namin kayo ngayon. Ang saya talaga. Kamusta na po pala kayo?"bungad na bati samin ni Heart pagkaupo pa lang namin lahat.

"Okay naman kami, kayo ba kamusta na?nagulat kami di na namin kayo macontact sa fb bigla na lang kayong missing in action." May konting pait na sabi ni Mj kina Heart.

Ako eto nasemento na ata sa inuupuan ko pano ba naman nagtulungan ang mga to na makatabi ko si Ackie. Grabe nagpapawis na ata buong pagkatao ko dito sa sobrang kaba.

"Mj bago mo ilabas ang bittersweet mo diyan,ipakilala mo muna kami kaya sa mga magagandang nilalang na nasa harap namin. Eehhhh! Eym Jeyn nge pele. Helleew!!eeehh..."ngali ngali kong batukan si Jen,  instant tunog baka ang bruha.

"Hoy Jen Ferry, umayos ka nga nakakahiya ka. May asawa't anak  na naghihinarot pa." Buti na lang andiyan si Joy na di naapektuhan kahit iharap nyo pa sa limpak limpak na poging papa.

"Oo nga pagsensyahan nyo na yan si Jen,ganyan talaga yan eh.Sila nga pala ang mga kaibigan namin ni Ange. Yang pabebe si Jen yan, wag kayo papalinlang diyan,may asawa't anak na yan pati na din tong si El. Yun dalawang tahimik naman sina Joy at Gelie."

"Deh okay lang yun, nakakatuwa ka talaga ma'am Jen kahit kailan. Sila naman ang mga kuya ko, si kuya Colton at si kuya Ackie. Mag kaibigan yan sila ni ma'am Ange. Bukang bibig nga ni kuya kie si maam eh!"pakilala ni Heart sa mga kuya nya.

"Oh!really?wow Ange narinig mo yun?bukang bibig ka daw te. Grabe kilig ang bruha. Ano na naestatwa ka na diyan. Hahaha" at nagtawanan na po silang lahat.
Takte bakit may paganun pa kasi to si Heart wala pa naman preno tong si El pag nagsalita.

"Oo nga ang daldal mo kanina,ngayon di ka na makaimik Jan te. So ano naman and pakiramdam mo ngayon na makasama at makatabi mo ulit ang pagibig mo. Ayieeee!" Ayan pang isang walang kapreno prenong si Jen. Lakas mangasar ng mga bruha.

At dito na po nagtatapos ang kwentong ito na pinamagatang "Ang Kahihiyan".Bow!

Charot lang! Kakaumpisa pa lang ng kwentong to tapos agad. Hehehe

Tuloy na natin ang kwento kahit napipilitan ako. Ayun at buti na lang pinigilan na nina Mj, Joy at Gelie ang dalawang abno kasi halata na nilang hiyang hiya na talaga ako.

Nagulat kaming lahat ng bigla na lang nagsalita so Ackie at bigla biglang nangakbay sakin. Kung kanina mukha akong nasemento,ngayon rebulto na ako.

" Ano ba kayo?masyado nyo namang inaapi ang pangit ko.  Kahit alam ko namang idol ako nyan ni pangit eh magkaibigan talaga kami nyan,diba panget? Ang tahimik mo kasi masyado Jan eh nakatabi mo lang idol mo,di kana nakapagsalita." mayabang na sabi ni Ackie. Dahil sa sinabi niyang nakakasakit eh nahanap ko din ang dila ko.

" Napakahambog talaga ng kupal na to. Walang pagbabago, kupal ka pa din talaga."

" Uyyy buhay ka pa pala?sa wakas nagsalita ka na din. Nadama na din namin Ange existence mo dito." Grabe kung di lang masama pumatay inuna ko na tong mga kaibigan ko eh.

" Oo buhay pa ako pero mamaya may mapapatay na ako dahil masyado kayong masaya,bawasan natin yang saya niyo."inikutan ko ng napakasamang tingin ang mga loka-loka, isama na natin si Ackieng hambog.

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon