Chapter 1

22 4 0
                                    

"Gusto kita!"

Nakakagat labi habang nakayuko kong sinabi sa aking kaibigan na si Jaggy. Habang siya ay nakanganga at nakakatitig sa nakayukong si ako. Mukhang nashock ata sa madamdamin kong pahayag.

Ngunit maya-maya nagulat na lang ako na biglang may malakas na tumawa sa aking likuran na tila naghahanap ng atensyon sa mga taong nandito sa restaurant.

Nakita ko ang isang babae na tila kinulang sa tela ang damit at mukhang sinampal ng sampung make-up kit sa kapal ng makeup, nagmumukha na siyang clown sa paningin ko.

Lumapit ang babae kay Jaggy at walang pakundangang hinalikan ang lalaki sa mismong harapan ko. Mukhang nakaget over na din ata si Jaggy sa shockness kaya nakangiti nyang inakbayan ang babae at hinarap ang gulat na epic face ko. Anong kataksilan to? pakiexplain pleaseee...

"Hi! Glad you came honey. Denise, I want you to meet my girl bestfried Ana. And Ana, she's Denise my girlfriend." nakangiti pang pakilala samin ni Jaggy sa isa't isa.

Putakte naman may girlfriend na pala ang hudyo, nkakahiya umamin pa ako ng pagsinta ko tapos... Kainis kainis....

"Nice to finally meet you Ana. I heard a lot about you from my honey, but well kaibigan lang ba ang turing mo dito sa honey ko kasi iba ang pagkakarinig ko sa sinabi mo sa kanya kanina eh" pangaasar nito.

Nagpanting ang tenga ko sa sarkasmong pananalita niya kaya sinantabi ko muna ang pagkapahiya at pag emote. "Nice to meet you too Denise. Wala naman akong sinabi baka nabingi ka lang, ang kapal kasi ng make-up mo natabunan ang pandinig mo."

Nakangiti ko pang sabi sa kanya. Wala akong balak aminin sa harap ng girlfriend niya yung feelings ko. Pero syempre di ako papatalo sa sarcasm niya. Asarin mo na ang bagong gising wag lang ang babaeng bigo sa pagibig. Grrrr.....

"Huh! What did you say? ikaw pa ang may ganang mambastos at megdeny pagkatapos ng narinig ko na sinabi mo sa boyfriend ko. Pasalamat ka nga natawa pa ako imbes na nagalit sayo. Well I'm sure na di naman niya ako ipapagpapalit sa isang..." sabay tingin sakin na nangmamata "katulad mo lang na cheap" irap pa ng babaeng hinugot sa tadyang ng kabayo.

"Eh mas nagtataka nga ako na pumatol sayo yang kaibigan ko eh. Alam ko takot sa kabayo yan. Anyare friend? bagong buhay ka na?" Kunwari na nagtataka pa ako na hinarap si Jaggy sabay irap din sa babaeng buhay na make-up.

"That's enough ladies. Ano ba pinagtitingin na tayo ng mga tao konting hiya naman. And Ana please, respect my girlfriend" Iritableng sinaway kami ni Jaggy.

"Wala talagang respeto yang pseudo best friend mo, because she's just... bitter. "

" I said enough Denise,wala naman kahihinatnan yang pagtatalo niyo"

"Yan! eepal pa eh di na lang manahimik kasi, mahilig talaga maghanap ng atensiyon" bulong ko pa sabay nginisian siya. I know naman narinig niya yon and sinadya ko naman talaga.

"Saying something bitch?"

"Oh! you're asking yourself? because bitch it's not my name, it's Ana. Sinabi na ni Jaggy sayo ang name ko kanina huh? nabingi ka na talaga kapal kasi ng make-up mo teh" pangaasar ko pa.

Ewan ko ba lakas ng galit ko sa babae na to kahit ngayon lang kami nagkita. Nakurot niya inis ko, lakas mangasar.

Ayun na eh! nagtapat na ako ng pagsinta ko kay Jaggy after so many years, tapos bigla biglang paningit mukhang singit, Kainis...

Eto namang Jaggy na to, di naman sinabi na ipapakilala pala niya ako sa jowa niyang kampon ng demonyo. Eh di sana nagdala ako ng holy water, di ako prepared. At tinapat pa talaga kung kelan ako naglakas ng loob na aminin ang aking pagsinta sa kanya. May nagwala tuloy na jowa tsk...

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon