Chapter 19

11 2 0
                                    


Naging maganda ang working environment namin ng mga sumunod na araw. Hindi na toxic katulad noon na laging naguutos at halatang gustong pahirapan ang buong pagkatao ko ni sir Clyde. Ngayon, medyo suplado at seryoso pa rin naman sya,well di naman na ata mababago sa kanya iyon pero bihira na lang kami magtalo at magsigawan.

Madalas na rin ang pagsasama namin outside office dahil ako na ang sinasama ni simang for business meetings instead kay ma'am Vicky na di na masyado nagsasama at malaki na ang kanyang tiyan sa pagbubuntis. Next month ay pansamantala muna siyang maglileave at ako na muna ang papalit sa kanya bilang sexytary ni simang. Sexytary naks lakas. Hehehe!

Katulad ngayon, after lunch ay aalis na naman kami para makipagbusiness meeting sa isa sa mga client ng company.

Kasalukuyan kaming papasok sa isang restaurant na pagaari ng client ni sir Clyde. Seryoso niyang tinitigan ito dahil maganda naman talaga ang resto, pangyayamanin ang dating. Siguro kung ako lang di ako papasok dito, saka na pag galit na ako sa pera hehehe.

Ako naman ay chinicheck ang mga paraphernalia sa pagtitake down notes mamaya. Baka kasi kulang ng ballpen o yung note pad di ko nadala yari ako later.

Maya-maya lang ay may dalawang lalaki at isang babaeng lumapit samin at nakipagkamay kay sir Clyde."Good day Mr.Lopez, I'm John Martin from Martin group and this is Jacint Smith our Chief Vice President and my secretary Dana Reyes. Nice to meet you." Pormal na bati samin ni Mr.Martin. Dahil nasa likod ako ni sir Clyde ay di ko masyado naaninag ang kanilang mga mukha.

" Nice to meet you too sir. I'm Clyde Lopez and this is Ana Dimanlangit, my secretary." Pormal na sagot naman ni Sir Clyde.

"I reserved a seat for us, please follow me." May ngiti sa mukha na sabi ni Sir Martin, At sumunod na nga ako sa likod ni sir, bahala na siya jan kaya na nya yan malaki na siya hehehe!

Paupo na kaming lahat sa reserved seat na inukupa ni Mr.Martin syempre nasa hulihan pa rin ako kasunod ang secretary na si Dana na
ng biglang magsalita si Sir Martin.

" How's your father anyway? He's the one who took care of our business transactions, a great friend in this industry. I hope we also have a great business relationship like what your father and I had."

" It's nice to hear that. I'm hoping that as well sir. My father's fine right now, enjoying his retirement." Pormal na sagot na naman ni Sir Clyde. Grabe sarap banatin ng mukha neto baka sakaling magkaroon ng variant ang pagmumukha di yung laging serious mode.

Habang nakaupo na kaming lahat ay pansamantala ko munang hinalungkat ang bag ko para kunin ang notepad at ballpen para sa meeting na to.

Pag angat ko ng tingin ay nagulat ako ng may gwapong lalaking nakatitig na nakangiti sakin na sobrang pamilyar sakin. Napatulala na lang ako sa gulat with matching pagnganga at panlalaki ng mata.

" Hi Ana! Sabi ko na nga ba ikaw yan eh. Buti naman napansin mo na ako. Don't tell me you already forget about me? We just don't talk to each other just months ago." Nakangiting bati sakin ni Jaggy with matching hawak pa ng kamay ko.

Sa sobrang gulat ko ay di ako agad nakapag react, nagmumukha na tuloy akong ewan dito. Kung di pa may sumipa sakin na ewan kung sino ang salarin na iyon,di pa ako matatauhan.

"Jaggy is that you? Oh my! Sorry di kita agad napansin ikaw pala yan. Nashock lang ako pero kilala pa rin kita noh,adik to. Kamusta ka naman?busy ka masyado eh di ka na mareach hehehe" Natauhan na sabi ko sabay hampas sa kamay niya. Yan hirap jan eh,masyadong sweet pafall much. Takte daldal ko lumalabas dyahe naman.

"So you knew each other? How come?"seryosong tanong ni Sir Clyde. Shokot ang aura niya ah, di ako komportable sa tingin niya sakin parang may nagawa na naman akong masama.

Sa shockness ko si Jaggy na ang sumagot sa tanong niya. "Yes, we knew each other. A very good friend of mine, I hope she feel the same way. Am I right Ana?"

"Huh!oo naman we're friends po, Sir Clyde." Parang ewan na sagot ko na may pagkamot pa ng ulo, takte wala na naman ako sa sarili kainis.

"Aba nakakatuwa naman magkaibigan pala kayo ni Jacint. Sa tagal ko ng kilala ang batang to, bihira lang yan magkaroon ng kaibigan na babae. So I think you're special Ms.Ana." nakangiting sabi sakin ni Mr.Martin.

" Hehe hindi naman po sir, special child po mas pwede pa po. Magkaibigan lang po talaga kami ni Jaggy sir." Takte yung special, nireject na nga ako niyan eh. Nakow kung di lang nakakahiya magdadaldal na ako dito sa nakaraan namin masalimuot hehehe.

"If you say so miss Ana but still don't believe that. Anyways let's talk about your "friendship" later. Let's have our order first." Pang aalaska samin ni Mr. Martin. Grabe lakas mangasar neto parang di CEO ng kumpanya,halatang mabait at masayahin unlike sa katabi ko na laging nakasimangot at high blood. Goodluck talaga sa blood pressure ng taong to eh.

At ayun na nga,after naming umorder ay nagusap usap na sila tungkol sa business syempre dakilang tiga notes lang ako dito noh. Silang tatlong lalaki lang ang naguusap usap then pag nagkakatinginan kami ni Jaggy ay nagngingitian kami. Putek ang gwapo talaga ng taong to,mukhang anghel sa amo ng mukha. Pero syempre move on na ako sa taong yan,dapat lang naman diba hehe.

Ayun si simang, pinanindigan ang pagkasimangot. Di na talaga ngumiti,ewan ko ba sa taong yan napakamoody. Hirap ispilengin,daig pa babae.

Maya-maya ay naiba na ang topic nila at napunta na naman samin sa pangunguna ni sir Martin." Maiba ako,talaga bang magkaibigan lang kayo nito ni Jacint? Iba kasi ang tinginan niyo eh may spark. Baka may di kayo sinasabi samin ah.Well, you two are good match. Di naman siguro magagalit etong boss mo Ana kung may lovelife ang kanyang secretary hindi ba Clyde?" Grabe lakas ng pangaasar samin ni Sir Martin. Si simang ay nagkibit balikat lang sabay sinamaan ako ng tingin.

Tumawa lang si Jaggy syempre shut up lang ako nakakahiya naman kung sasabihin ko na once a upon a time,nagtapat ako ng pagibig ko sa taong yan diba. Kaya lang ang daldal talaga ni Jaggy ayaw paawat "We're friends but we have feelings for each other. And now that I'm not committed to anyone again, maybe it's a right time to pursue her and make our relationship to higher level. What do you think Ana?" Sabay may pakindat pang ganap sakin.

Ako eto nasemento na sa mga narinig ko ngayon. Ano daw sabe????

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon