Nasa mall na kami ngayon at ang mga bruha dumiretso agad sa kainan gutom lang ang peg. Habang naghihintay kami sa order namin ay hindi pa din nila tinatantanan pagusapan at pagkatuwaan ang tungkol sa love life ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito sa ingay nila."Nakakaloka ka! pang friends lang ata ang beauty mo kung meron ngang beauty... Hahaha kota ka na sa pagiging friend zone hahaha!"
"Jen ang saya mo masyado lakas makatawa nabunot ka ba sa paraffle ni mayor?"pambawi onti ko sa pangaasar niya. Ibang klase talaga mangsavage ang isang to.
"Pero mas nakakatawa talaga yung nagawa mong makipag sagutan sa girlfriend ni Jaggy kahit nakaharap siya. Walang hiya ka talaga kahit kailan. Hahaha"
"Grabe El throwback na naman?eh sa nabigla ako na magbibitbit pala siya ng demonyita kung kailan ko naisipan magconfess sa kanya. Hindi pa naman ako nakapagdala ng bawang at asin.
" Huh? para saan naman yun bawang at asin? Para sa manananggal yun diba?"inosenteng tanong ni Mj.
"Ahh napagkamalan ko kasing nagkocosplay na mananaggal yun jowa niya. Ikli kasi ng suot haba pa ng buhok sarap ibitin patiwarik eh!hahaha"
"Baliw ka talaga Ange,dami mo ng tawag sa babae na yun. Kawawa na sayo dami mo nickname sa kanya"
" Support ka na lang diyan Joy. Dapat nga matuwa pa siya, kuhang kuha niya ang atensiyon ko.Bwahahaha..." Pang brurang tawa ko pa.
" Pero yun napatid mo kuno yun waiter kaya natapon sa ulo ng jowa nya yun mga pagkain, sinadya mo talaga yun. Kunwari ka pa Jan kilala ka na namin kaya iba na lang."
" Grabe judgemental talaga kayo. Paano ko ba kayo naging kaibigan? Napakatino ko namang tao kaya nagtataka ako,san ko ba kayo nadampot?" Nagtataka kong tanong sa mga bruha ng buhay ko.
Nagulat na lang ako,may nagliliparan ng tissue sa harapan ko. Pinagbabato na pala nila sakin yon."Kuya,sinasayang nila yung tissue nyo oh! Pabayaran nyo nga sa kanila yan." Pagsusumbong ko dun sa crew na dumaan.
Ngumiti lang naman sya tapos umalis na din. Nagpacute lang si kuya, walang dulot. Tsk...
"Letse ka!kami nga dapat ang magtaka san ka namin nadampot. Pagiisip mo wala sa katinuan kaya pati tong sina Joy at Gelie,nahawa na sa kaabnormalan mo".
"Ganun siguro talaga idol nila ako masyado eh,wag nyo sakin isisi yan siguro may angking kaabnormal talaga mga yan nakatago lang. Ngayon pa lang nagevolve nun nakasama nila ako". nakangisi ko namang sagot.
"Grabe unnie evolve talaga ginawa mo naman kaming pokemon niyan." Nakanguso na sabat ni Gelie,si Joy ayun mamamatay na sa kakatawa sa pwesto niya. May kasama pa nga atang pagutot eh. Hehehe
Dumating na din sa wakas ang nga order namin kaya galit galit muna walang pansinan pagdating sa pagkain pero sinisingit pa din nila paunti unti ang pang aasar. Di na ata mabubuo araw ng mga to pag di nakapambwiset eh.
After namin kumain at magkulitan ay dumiretso na kami sa arcade. Nagkayayaan mag videoke ang mga bruha.
Wala pang bakanteng booth,kalahating oras pa kami maghihintay so namili na lang muna kami ng kanta.Pinilit ko talagang matapos agad sa pagpili kasi maglalaro pa ako ng car racing at basketball. Paminsan minsan masarap din magpaka immature lalo na pag stress diba so arcade muna ako.he he he
Inuna ko munang laruin ang basketball at dahil di talaga ako magaling diyan,lumipat na ako sa car racing. Sa sobrang serious ko sa paglalaro, di ko namalayan na nabeat ko na pala ang top score.
" Wooohh ang galing mo unnie,nabeat mo yun highest score" manghang mangha na sabi Gelie.
" Ohh andiyan ka pala di kita napansin . Syempre ako pa ba!talented yata to its. hahaha."pagyayabang ko naman,minsan lang to walang kokontra.
" Ange at Gelie samahan niyo ako sa cr. Mabilis lang to sige na." Biglang lapit samin ni Mj, najejebs na ata iba na ang hilatsa ng mukha.
"Sige na nga baka dito ka pa magkalat eh.hahaha" pangaasar ko pa.
Dumiretso na agad kami sa cr at after magjebs ni Mj na tinatanggi pa ay bigla na lang ako pinalo ni Gelie sa balikat.
" Unnie, parang nakita ko sina kuya Ackie,kasama sina Heart. Pumasok sila dun sa coffee shop."
" Pwede ba Gelie,wag mo paasahin si Ange. Baka nasa abroad na mga yun,kaya imposible yang sinasabi mo."
"Hindi talaga mga unnie parang siya talaga yun nakita ko. Sundan natin, Tara!"
Hinawakan ko sa balikat si Gelie at malungkot na nginitian siya. " Tama si Mj,baka nga namalikmata ka lang. Halika na Baka may slot na tayo sa videoke."at di na hinintay na mag react pa ang dalawa.
Naalala ko na naman si Ackie,ang isa sa nagbigay ng malaking impact sa puso ko.Ackie is my friend when I was in college, I met him through Heart,she's our student when we are their student teachers back then. She is Ackies's little sister.
Mj and I are closed to Heart and dahil don nakipagfeeling close na din samin si Ackie. He added us on Facebook and we started to chat about anything and everything. Pero mas naging close kami ni Ackie kesa sila ni Mj,medyo suplada kasi yan sa personal.
He knows a lot about me and he's kinda sweet and caring. He even offered me a job na nakaka tempt igrab which is to be his make up artist because he's a model. But I refused kasi nakakaintimidate ang dating niya. Lakas makagwapo kaya ako na si mahina ang loob at takot ayun tinanggihan ang grasya. At saka baka mas lalo akong mafall then hindi nya naman ako sasaluhin but in the end nafall pa din.
Little by little di na kami masyadong nakakapagusap dahil busy na nga sya sa modelling career nya ako naman busy na din that time kasi may work na ako non which is part time teacher. At saka ginagawa kong busy sarili ko non para kahit papano mauntog na onte.
I also heard that Ackie courted someone, so nun nalaman ko yun grabe ang sakit eh!asa much pa kasi ayan nasawi kala ko may something samin but akala ko lang pala yon.
So ayun nawala na talaga ang communication naming dalawa kasi syempre may nililigawan na yung tao,ayoko makasagabal but pati communication namin kay Heart nawala na din.
Sobra naming lungkot non ni Mj lalo na nung pilit namin kinocontact sina Heart at Ackie if they're attending the funeral of one of our mutual friend but we didn't got any response from them. Simula non nainis na si Mj sa kanila pero ako feeling nabutas ang puso ko at dahil dun ko narealize kung gaano ko pala talaga kamahal si Ackie noon.
Minsan nagsisisi din ako kung bakit hindi ako pumayag sa mga inaalok niya at bakit hindi ko nagawang umamin ng feelings ko sa kanya.
Kay John ko lang din kasi naamin na gusto ko si Ackie noon which is yung friend nga namin na sumakabilang buhay na at dahil close sila so I think nasabi na nga nya yun. But no response naman Kay Ackie yun, dinedma na nga ako after non. Pero mas okay na dedma kesa mawala ng parang bula.
Naaalala ko na naman tagal na din pala yon nangyari,almost 3 years na din pala ang nakakalipas. Mga to kasi eh!pinaalala pa move on na nga eh.hayyy...
Anyway after mag ingay sa videoke na napaos lang ako puro matataas na kanta ba naman tinira ko,ayun nagkayayaan ng umuwi ang mga dalana samin. Lam niyo na family first.
Habang naglalakad kami ay biglang tumili si Joy ng napakalakas."Mga tehhh, diba si Ackie yun? Ayun oh,kasama sina Colton at Heart. Ange makakasalubong natin sila!!!" Si Colton ang isa pang kapatid nina Ackie.
Bigla para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Di ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang gulat at kaba ko. Shocks!sila nga yung makakasalubong namin, eottoke!
Pati ang mga kaibigan ko ay napahinto rin sa paglalakad. Siguro nagulat at nabigla din sila na makakasalubong namin ang magkakapatid dito sa mall.
Nagulat na lang kami na tumatakbong lumapit samin si Heart at niyakap kami ni Mj "mga ma'am, kamusta na kayo?miss ko na kayo,miss ko na din si sir John." At bigla na lang siyang umiyak sa harap namin.
Hinagod ko na lang ang likod niya "ako din miss ko na kayo." At biglang napatingin sa harap ko. Nakatingin pala sakin si Ackie, tinging di pa din nagbabago.
Nakakatagos pa din sa puso.
BINABASA MO ANG
Hate More, Love More
HumorSi Angelique Mauricio o Ange ay ang makulit pero palabang babae na laging napi friendzone. Si Clyde Jake Lopez ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob dahil sa pagiging masungit at suplado na tila kulang sa aruga, kulang sa pagmamahal, kulang sa vita...