Apus

30 0 0
                                    

"Ano ba? Ang aga pa, Astro." Maktol ko sa kanya na kausap ko sa phone. 


Mamaya pa ang klase ko at kanina pa siya tumatawag. Ang sabi niya kaninang ala siete bumaba na raw ako kasi nasa labas na siya. 


Tangang 'to. Sinabi na ngang mamaya pang alas diyes ang pasok ko.


"Gaano kaaga sa tingin mo?"


"Astro, sabi ko naman sayo pumasok ka na kasi mamaya pang alas-"


"It's already 9:45, Ella." Pag putol niya sa akin. 


Napa tayo naman ako sa sinabi niya sabay tingin sa orasan ko sa phone. Kakapikit ko lang kaning 7:15 ah.


"Shit." I murmured.


"Yeah. Shit happens, Ella. Pumasok ka na." He said and hang up. 


Tumayo na ako agad para makapag ayos na at umalis. 


Anong ligo? Naligo naman na ako kagabi kaya okay na yon.


Nang makarating ako sa parking ng school, bumaba agad ako ng kotse at tumakbo papunta sa unang klase ko. 


Late na 'ko pero baka pwede ko pa namang ipilit.


"Pwede pa ba?" Tanong ko ng walang boses sa kaklase kong naka-upo sa tabi ng bintana. Umiling naman siya kaya nag make face na lang ako at nag lakad paalis. 


Ano namang gagawin ko doon? Alangan naman tumunganga ako. 


Pumunta na lang ako sa cafeteria para kumain dahil hindi pa ako kumakain. 


Nang makapasok na ako sa loob, hinintay kong matapos mag order ang nasa tabi ko dahil namimili pa ako ng pwede pang kainin.


"What's your best seller?" Asked the student.


"Everything is our best seller. Tinanggal na po namin ang mga ayaw ng students kaya lahat po ng nasa menu ay okay orderin." Sagot naman ng staff sa kanya. Mukha namang hindi niya gaanong na gets yung sinabi sa kanya kaya nakakunot ang noo niya.


"Sorry?"


"A-ah ano po..."


"Do you eat waffle?" I asked him. 


Maybe he's new here so I'll help him out. 


Tumango naman siya kaya tinuro ko ang mga waffle sa menu. 


"You can choose your own filling. What do you want?"


"Which one do you prefer?"

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon