"Ang tagal niyo namang lumabas." Reklamo ni Stella pagdating ko ng parking.
"Para namang kasalanan ko kung maaga kayong pinapalabas. Tabi." Sagot ko at tinulak siya paalis sa pagkakaupo niya sa motor ko.
Inayos ko na ang suot ko at inilagay na rin ang helmet bago sumakay at painitin ang motor.
"Sabi sa inyo dapat nauna na tayo e. Iiwan lang tayo ng pangit na to e."
"Edi sana nauna ka na." Sagot naman ni Rigel.
"E kung ikaw ang mauna sa impyerno?"
"Sarado. Wala si Satanas, naglilibot."
"Oo, kaya ka nga nandito e."
Nirebolusyon ko na lang ang motor ko at iniwan na sila.
Hindi na titigil ang mga yon at maririndi lang ako sa away nilang walang kwenta.
Pagdating ko sa parking ng mall ay sakto lang din na nakahabol sila. Kasama na rin nila si Keiji na galing training.
"Hey." Bati niya sakin kaya ngumiti ako ng tipid bago naglakad papasok kasabay sina Seren.
When we arrived at the arcade, there were people everywhere. Hindi naman ganon kapuno pero hindi rin konti ang tao.
Normal for a weekday since may pasok ang mga estudyante.
"Let's go to the photo booth first." Hila bigla ni Rigel sa akin kaya nagpatianod na lang ako.
Nilingon ko pa sina Stella na nakasunod naman. But Keiji is talking to someone I am not familiar with.
Nakakunot ang noo niya at halatang seryoso ang pinaguusapan nila.
When Eoin noticed it, nilapitan niya si Keiji pero iniwan lang nito ang kausap para salubungin lang niya si Eoin at may sinabi kaya tinanguan na lang siya nito.
"Eoin, let's go inside na. Oh, nasaan si Kei?" Tanong ni Stella nang makalapit na si Eoin.
"Ah, he's with his friend. May titignan lang daw, pero babalik siya." He said kaya pumasok na lang kami sa loob ng booth.
We took a lot of pictures with a lot of different poses, but goofiness will always be there. Wala nga yatang maayos e.
Nang matapos na mag develop ang mga pictures namin ay kinuha na namin ang mga 'to.
Lahat kami may kanya-kanyang strip dahil nga sa ang dami naming kinuha. Ayaw talagang malamangan ng mag kingdom animalia na 'to e.
"Tignan mo si Astro parang lolong uugod-ugod na." Pangaasar ni Rigel.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Ficção GeralJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.