Estella's POV
"Oh?! Totoo ba yan?" Masiglang sagot ni Rigel at umupo ng maayos.
Yan, yan, diyan siya magaling.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo." Sagot ni Cali na kanina pa kumakain ng ubas.
"Teka, are you really for real?" Tanong ni Astro.
"Yeah."
"Why though?" Tanong naman ni Eoin.
Dami namang tanong ng mga 'to. Tito boy?
"This situation is getting deeper and deeper. Hindi na kayo tatantanan ng mga taong sumusunod sa inyo, that's why I think this is the only thing that we can acquire right now."
"Please be more specific." Si Seren.
Slow yan?
Sabagay hindi ko rin gets.
"You will be working under the agency."
"Pumayag ba kami?" Tanong ni Yvaine.
"Yun nga ang tanong ko, papayag ba kayo sa plano?"
"Oo." Mabilis na sagot niya.
"What? Wag ka ngang mag desisyon ng padalos dalos Yve." Saway ni Astro sa kanya.
"Pero sige, ako payag din ako." Sabi niya kaya binatukan siya ni Yvaine habang tumatawa siya.
Tinignan naman kami ni Aiden na naghihintay ng sagot namin.
"Tell us every details, even the smallest and nonsense one before we decide." Sabi Eoin.
"Dahil kayo ang sinusundan, we will have to make a move para malaman kung sino ba talaga ang mga taong 'to. First thing, the son of the mob hierarchy that I told you is here in the country. We will have to get information and other details from him without him knowing. So, one of you should be a spy and you'll have to have a conversation with him this Monday."
"May medal ba kapag nagawa lahat ng dapat gawin?"
"Oo, tapos isasakal sa leeg mo." Sagot ni Astro kay Rigel kaya inismiran siya nito.
"We'll work on that."
"I'm in." Sagot niya.
"Me too." Sabi ni Eoin kaya napa-ngisi ako.
Guess Seren doesn't have a choice.
Tumango na lang siya nang tignan siya ni Aiden which means, wala na talaga siyang choice dahil pumayag na siya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.