Yvaine's POV
Nagsimula nang tumugtog yung isang banda na kasabay ng pagtakbo ni Stella at hinila si kuya Astro.
Siya yung guard kanina na nagpalabas sa amin.
Nahawakan niya si Stella pero inapakan siya nito ng may pwersa at binato niya yung mansanas sa kanya sabay takbo.
Hinila naman din ako ni Keiji kaya hinila ko si Seren at nagkahilaan na nga, oo.
Kung sinu-sino na lang ang nabubunggo namin para lang hindi nila mahabol. Nagsi-ikot pa kami sa field hanggang sa makalapit kami sa mga fence at doon kami umakyat para makalabas.
Naka-abang pa si kuya kay Stella na nasa labas na pero nakalipat naman ng maayos si Stella.
Anong expect niya, e unggoy yan.
Lumingon ako saglit at nakita ko si Aiden na napansin kami kaya tinuro niya kami kay Cali at lumapit na rin sila sa amin.
"Bilis gago!" Sigaw ni Eoin habang tumatawa bago itulak si Rigel para maka-akyat.
"Go." Sabi ni kuya kay Seren na inalalayan naman ni Eoin.
Aakyat na sana ako pero bigla akong binuhat ni Keiji kaya napakapit ako sa leeg niya.
"Dude." Sabi niya kay Rigel.
Naka mini skirt pala ako. Great.
Sinalo naman ako ni Rigel bago siya umakyat at lumipat.
"Heavy ha." Sabi ni Rigel sabay bitaw sa akin kaya babatukan ko sana siya pero hinila nila akong dalawa ni Keiji sa magkabilang kamay para tumakbo na ulit.
Sa may malapit na building kami tumakbo at umakyat, pero sinusundan pa rin nila kami.
Natanggal pa ang isang sapatos ni Seren kaya tumawa kami nina Stella. Cinderella si tanga.
Nang lumingon kami sa likuran namin, ang dami nang humahabol na guard sa amin at pumipito pa habang yung iba may kinakausap sa earpiece nila.
"Go straight." Sabi ni Keiji kaya sumunod naman kami at bumaba kami sa kabilang dulo. Dalawa kasi ang hagdan bawat building at sa magkabilang dulo yon. Hindi kami pwedeng umakyat hanggang taas dahil mahuhuli lang kami, kaya tama lang.
Pagbaba namin may mga paakyat sana at muntik pang mahuli si Stella pero umiwas lang siya.
"Cross over." Sabi niya habang tumatawa.
Bahala na sa detention next week.
"Parking!" Sabi ni Rigel kaya lumiko kami pakaliwa dahil doon ang parking.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.