Estella's POV
"Ano ba yan, istorbo."
Lumabas ako ng banyo kahit na kakapasok ko lang para sagutin ang tawag.
"Ano?" Inis na tanong ko kay Rigel.
Ano na naman bang kailangan ng hayop na 'to.
"Nakauwi na raw ba si Yvaine?" Tanong niya.
"Hindi. Kumain yata sa labas kasama si Kei. Bakit ba?"
"Ganon? Bakit hindi nila tayo iniya? Balak ko pa naman sanang manlib-"
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya.
Bukod sa may nag d'doorbell, alam ko naman na nagsisinungaling siya.
"He! Ang dami mong sinasabi. Sige na, maliligo ako e istorbo ka." Sagot ko sa kanya.
"Uy, naliligo ka pal-"
Hindi ko na siya pinatapos at binabaan ko na siya ng tawag. Wala na naman siyang magawa.
Binato ko sa kama ang phone ko at tumakbo palabas ng kwarto para tignan kung sinong tao.
"Dinner." Taas ni Astro sa hawak niyang plastic pagbukas ko ng pinto.
"Why are you here?" Tanong ko bago bitawan ang doorknob at naglakad papuntang kusina.
"Sungit mo naman. Ikaw na nga nililibre ng pagkain."
"Hindi naman ako nagsungit, nagtanong lang ako. Ano ba yang dala mo?" Tanong ko bago uminom ng tubig.
"Baked mac and ice cream. Here." He said and pulled them out of the plastic.
May silbe naman pala siya at alam niya kung anong gusto ko.
"I'll take a shower first."
"Wala naman mababago yon, pero sige." Sagot niya kaya hinampas ko sa kanya yung twalyang kanina pa nakasabit sa balikat ko.
"Maghintay ka na nga lang diyan, ikaw na nga lang nakikibisita e." Sagot ko at lumakad na ulit para pumasok sa kwarto ko.
"Ilagay mo muna sa freezer yung ice cream." Habol ko.
"Bisita ba ako non, e inuutusan niya ako?" Dinig ko pang tanong niya.
Bahala na siya don, kaya naman niya sarili niya at makapal ang mukha niya kaya gagawin niya kung anong gusto niya.
Nang matapos akong maligo, nagpatuyo muna ako ng buhok. Ayaw ko kasi ng basa dahil nalalagkitan ako.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.