Andromeda

36 0 0
                                    

"So what am I suppose to do then?" Rigel asked Yvaine and she just shrugged. "Oh yeah, nothing? Ano ba naman yung tulungan mo akong ilipat itong mga 'to sa kabilang shelf?"


"Rigel, train those muscles. Ano? Isa ka sa pinaka maingay tapos wala kang ambag? Kapal mo naman." Sagot ni Yvaine habang naka upo sa isa sa mga upuan dito sa library ng Moirai Academy. 


Kung hindi naman kasi dahil sa dalawang 'to, hindi kami mabibigyan ng task e. 


Task nga ba? Baka parusa tanga.


"Haven't I told you? Sinabi ko naman kasi sa inyo na tumigil na kayo kadadaldal e, ayaw niyo pa ring tumigil." Sagot ko. 


It's actually getting late at wala ng tao rito sa loob kung hindi kami na lang kaya nakakapag ingay kami.


"Wow! Wow, Stella. Ikaw nga 'tong nag k'kwento kanina tungkol sa mga bampira e." Sabi ni Rigel habang bitbit yung mga libro na parang masama pa ang loob niya sa akin.


"Sabihin mo na lang na natatakot ka. Ano? Sasamahan pa kita mag lagay niyan sa kabilang aisle?"


"Ayaw kitang pakasalan, Stella. No, thank you." Sagot pa niya bago naglakad paalis kaya binato ko siya ng sapatos. 


I'm so sure that it will hit him. Pero kapag nga naman talaga si satanas tropa mo, sa iba tumama ang sapatos ko dahil may biglang sumulpot.


"What the-" He said habang binababa niya ang kamay niyang pinang sangga niya at tumingin sa amin ni Yvaine. 


Umupo ako ng maayos and cleared my throat before looking at the other direction.


"What are you suppose to say?" He asked. Tinignan ko lang siya patagilid at tumingin ulit sa kabilang gilid.


"Hindi naman ikaw ang pinapatamaan ko." I answered as I play the book pages na nasa lamesa sa harapan ko.


"But you hit me."


"Then should I say sorry to you?" I asked. 


"Hindi naman ikaw si Rigel." Bulong ko pa at sinilip siya saglit na parang asong napapagalitan. 


He's always like this. Telling me what I am suppose to do. It's not like I don't know.


Alam ko naman ang dapat kong gawin, but when it comes to him, I don't know, I don't like him but I don't hate him either. 


Siguro nagsawa na lang ako sa kanya dahil simula nung musmos pa lang ako na naglalaro ng kung ano sa labas, e sila na ang mga kasama ko.


I heard him took a deep breath before putting his hand inside his pockets. 


"I can't with you, Stella." He said and turned his back to us. 


"I'm outside." Dagdag pa niya bago tuluyang lumabas.


"Outside raw pero nandito sa loob." Sabi ni Yvaine habang binabalik yung librong binabasa niya kanina. 


Umiling na lang ako at tumayo para ligpitin pa yung mga nasa lamesa at lumabas na kami ni Yvaine. We even turned the lights off and someone screamed.


When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon