Seren's POV
"Okay, I'll see you later."
Sagot ko kay Justice dahil inaaya niya ako na bisitahin ang booth nila mamaya at isama ko raw sina Stella.
Ngayon na ang triangular meet kaya buong linggong busy ang lahat sa academy, lalo na at may mga bisitang darating.
"Hey." Bati sa akin ni Eoin pagbaba ko ng lobby.
Ilang linggo na rin niya akong hinatid sundo, but I still don't understand what is going between us. Hindi ko pa nahahanap ang boses ko para tanungin siya.
Ngumiti naman ako ng tipid at pumunta na kami sa parking para makaalis na.
May laban ngayong hapon sina Keiji kaya maaga kami para makakuha kami ng maayos na pwesto para panoorin sila.
"Can you reach for my bag and answer the call, please?" Eoin said habang nagmamaneho dahil may tumatawag sa kanya sa phone niya. Inabot ko naman ang bag niya at kinalkal sa loob ang phone.
"It's your mom." I said and showed it to him.
"Paki connect naman ako." Sabi niya kinonekta ko sa system ng sasakyan niya and answered it so he can talk to tita.
"Hello anak, how are you?" Tanong ni tita na nasa kabilang linya.
"I'm good, mom. I'm with Seren right now." Sagot naman ni Eoin sa kanya.
"Oh really? How are you hija? It's been a long time."
"I'm good naman po tita, still the same. Kayo po?" Sagot ko naman sa kanya.
"Heto, okay naman din. I'm looking forward to seeing you guys again. I really miss you."
"We'll see each other very soon, when I visit Japan tita."
Mabilis na lingon naman ako ni Eoin kaya nag-iwas ako ng tingin. Tumingin naman na ulit sa daan dahil nagmamaneho siya.
"Oh you'll come here?" Tanong ni tita sa akin.
"I think so po." Alanganing sagot ko.
Hindi pa ako sigurado dahil hindi ko pa nasasabihan sina Yve, but I guess, at this very moment, I have already decided.
"Okay then, I'm looking forward to that." Sagot niya bago tanungin si Eoin kung hindi siya sasama, kaya hinayaan ko na muna silang makapag-usap.
Balak ko na sanang ibalik sa likuran ang bag niya nang may bigla akong mapansin sa loob.
It's his kunai knife.
I held it in my hands and checked for the badge.
He still have it.
"I see that you still have your special kunai." I told him nang patayin na ni tita ang tawag.
"Yeah, I use it sa training." Sagot niya.
That's odd.
Bakit naman ito ang gagamitin niya sa training, e iba ang blade na meron silang dalawa ni Stella. Yun ang ginagamit nila sa mga misyon.
"Is there something wrong?" He asked kaya natauhan ako.
"Ah, wala naman." Sagot ko bago ibinalik na sa bag niya ang patalim at nilagay na ulit sa likuran ang bag niya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
BeletrieJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.