Yvaine's POV
"Hoy Rigel, humanda ka sakin." Sabi ko habang nilalagay ang pin ko sa pinto.
Kinuha na naman niya ang susi ko sa front desk.
Isa pa yang si kuya Astro, isusumbong ko na talaga yan kay mama palaging wala.
Tinanggal ko ang sapatos ko at dire-diretso nang pumunta sa kusina dahil wala siya sa sala.
"Hoy, hayop ka tala-"
Natigil ako nang hindi ko siya nakita.
Akala ko bang nandito ang hayop?
Binuksan ko na lang ang ref para kumuha ng tubig dahil napagod ako sa pagmamadali ko.
"Hoy."
"Tangina mo naman." Sabi ko nang malunod ako sa iniinom ko dahil bigla siyang nagsalita. Galing pala siya ng banyo.
"Parang kasalanan ko pang magugulatin ka." Sagot niya.
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"Hihingi nga sana ng kanin. Paulit-ulit?"
"Oh." Abot ko sa kanya ng rice cooker.
"Wag na." Sabi niya.
Sira ulo ba siya.
"Ang gulo mo naman."
"Nalipasan na ako ng gutom. Ang tagal mo e."
"Edi sana kinuha mo na tsaka ka na kumain. Hindi ko naman dala 'tong kanin."
"Ikaw nga ang hinihintay ko e, dami mo namang inaano. Wag na, uuwi na ko." Sagot niya at naglakad na papunta sa may pintuan.
Nagtampo pa ang unggoy.
E sa kumain na ako. Bawi na lang siya next life.
"Bukas na lang."
"Utot. Wag na, kay Seren na lang ako makikikain sa susunod." Sagot niya habang sinusuot ang sapatos.
"Edi mabuti."
"Oo, ikaw lang naman ang masama dito e."
Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya at tumayo na siya ng maayos.
"Sige na, mauuna na ako."
"Sure? Gusto mo na palang mauna dapat sinabi mo kaagad at natawagan ko na sana si satanas."
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.