Estella's POV
"Yve?!" I shouted as I'm being pushed outside the lobby.
"Excuse me." Dagdag ko pa sa tuwing may mabubunggo ako sa pagsiksik ng katawan ko pabalik.
People are now back on chitchatting with each other and I can't still see Yve.
Maya-maya pa ay nag-iba na ang tugtog at may nakita akong dalawang taong pilit na hinihila ang babaeng naka puti papasok sa isang pasilyo.
Pinilit kong lapitan yon para mas makita ko ng maayos but I can't. Masyadong maraming tao at malabo ang mata ko.
"Bullshit!" I exhaled with a cursed. That's Yvaine. I know that's Yve, dahil kahit malabo ang mata ko kabisado ko na silang lima kahit nakapikit pa.
Taranta kong kinapa ang cellphone ko habang lumalakad papunta sa parteng hindi gaanong maingay. Nanginginig pa ang kamay ko sa kaba at hindi ko na nakuhang pindutin ang speed dial at kung sino na lang ang nasa recent ang natawagan ko.
"H-Hello?"
"Hello, who's this?" Tanong ni Keiji.
"Keiji, it's me, Stella."
"Hey, Stella. Anything wrong?"
"I'm at the Linen Hotel, the new hotel that is opening right now. I-I... I'm with-"
"Stella, relax. Relax first please and then tell me."
"How can I relax , Kei?!" Sigaw ko sa taranta ko, buti na lang at walang nakarinig.
"Someone took her when there's a quick black out and I don't know how to go after her."
Actually I know. I just can't dahil alam kong nasa likuran pa rin ang mga kumuha sa kanya. Baka imbes na makuha namin siya isama rin ako sa kanya.
"I'll be there. Share your location." He said, so I did.
Lakad takbo akong lumabas ng hotel para pumunta sa may bandang likuran nito at makita ang mga kumuha kay Yve.
There I saw four armed men and they're obviously waiting for someone.
Tulad ng mala Johnny Bravo na lalaki kanina sa labas, may mga earpiece din sila.
"Shit." Mahinang mura ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Ano ba naman yan Keiji? Akala ko matutulungan mo 'ko, ikaw pa pala magpapahamak sakin.
I ran as I saw two men coming after me.
"Hello? Keiji, I'm going back inside. Nakita nila ako." I said bago patayin ang tawag at tumakbo ng mas mabilis.
Mas mahihirapan silang hanapin ako kapag pumasok ulit ako sa loob dahil maraming tao.
Nang maka pasok na ako, lakad takbo na lang ang ginawa ko dahil baka maka halata ang mga tao. Alam ko rin na mahihirapang pumasok yung mga humahabol sa akin dahil iba na ang mga nagbabantay.
Pagbalik ko sa loob iba na ulit ang kanta at sumasayaw na ang mga tao.
"The fuck? Right now? At this freaking moment?" Inis na bulong ko sa sarili ko bago ko hilain sa balikat ang lalaking nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.