Estella's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building nina Rigel para puntahan siya.
Bakit?
Kasi parang high school na masungit pero gusto ng atensyon na naman siya kung maka asta ngayon. May dalaw yata si tanga.
"Yes, Miss Hudson?" Tanong sa akin ng professor nila dahil naka-silip ako sa may pintuan. Tinitignan ko kasi si Rigel.
Hindi ko naman namalayan na nakikita na pala nila ako dahil naka-awang lang naman ng konti yung pinto.
Tumayo na lang ako ng maayos at tinignan siya.
Nakakahiya.
"Dismissed na po kayo." Sabi ko.
Oras na kaya. OT naman 'tong si sir.
"Tumunog na ba ang bell?"
"Opo, kanina pa." Sabi ko at tumingin sa relo ko.
"Five fifteen na po."
"Oh, I didn't notice. Okay, you can go now." Sabi niya at inayos na ang mga gamit niya.
"Stella mahal na yata kita." Sabi ng isang kaklase ni Rigel at hinawakan pa ako sa mukha ng dalawa kamay.
"Bitawan mo 'ko, tatamaan ka sa akin." Sabi ko kaya tumawa lang siya at umalis na. Lumabas naman na si Rigel habang naka sabit sa isang balikat niya ang bag niya at nakapamulsa.
"Mukha kang unggoy na naliligaw kanina. Silip ka pa ah." Sabi niya at inakbayan ako.
"Itlog ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi bugok ka." Sagot ko kaya hindi na akbay ang ginawa niya sa akin, sakal na. Siniko ko naman siya kaya siya natatawang binitawan ako at lumayo sa akin.
"Stella may ginawa ka ba talaga kahapon kaya hindi ka naka-sama?" Tanong niya sa akin nung maglakad na kami ulit.
"Oo tanga. May klase nga ako."
"Akala ko sinungaling ka e."
"May klase talaga ako kahapon pero hindi ibig sabihin non hindi ako sinungaling."
"Buti alam mo."
"Bakit ba ang tamlay mo simula pagpasok natin ng detention kahapon?"
"Wala. Gutom lang yon."
"Paanong gutom, e binigay mo sa akin yung kinakain mo? Bobo ka pala e."
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Ficção GeralJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.