Yvaine's POV
"Where the fuck are you? Kanina pa ako nandito sa labas." Inis na tanong ko kay Stella na nasa kabilang linya.
Kung nasa akin lang yung invitation e pumasok na ako kanina pa.
"You can't wait, can you? Sinabi ko naman kasi sayo kanina na hindi pa ako paalis. Atsaka, bakit ba ang bilis mo?"
Ako pa talaga ang hindi makapaghintay, e kanina pa ako nandito.
"I'm here... Sabi na e, tanga ka talaga." Dagdag pa niya bago ako babaan ng telepono. Nakita ko na rin naman ang sasakyan niya kaya umayos na ako ng tayo.
Bumaba na siya sa sasakyan niya and she's wearing this black sheath one shoulder evening dress with her midnight blue hair tied up in a messy bun.
Bihis na bihis?
"Are you serious right now, Yve?" Pasigaw na bulong niya sa akin habang papalapit siya. Gets niyo na yon. Unless tanga rin kayo.
"What?" Inis na tanong ko sa kanya. Kung maka tignan naman niya kasi ako, para akong alien na sobrang pangit.
I mean, pangit ako pero hindi sobra. At mas lalong hindi ako alien.
"Kaya pala ang bilis mo dahil naka motor ka at ganyan ang suot mo. I knew you'll wear that motorcycle suit. Anong akala mo sa pupuntahan natin, track? You can't wear that, Yve."
"E ano pa bang magagawa ko, ito na 'to? Bakit ba kasi hindi mo sinabi? Edi sana nag wedding gown ako."
"Anong yan na yon? Hindi ka makakapasok. Nasa invitation ang dapat suotin." She answered and pulled me.
Lumapit kami s Valet na pinag-abutan niya ng susi kanina.
"I'm sorry, but can I have my car back? I forgot something." She said kaya tumango naman ang Valet. "We'll just follow you."
Nang makarating kami sa parking, iniwan na kami ng Valet and Stella opened her trunk.
"What the hell, dude? Do you actually bring those around?" Tanong ko sa kanya nang makita ko ang mga dresses na nasa trunk niya.
"Ganyan ka na ba ka professional na gate crasher?"
"We'll never know when we'll need it. Anyway, choose." She said at tinulak pa ako para mas lumapit.
"Ano bang kulay dapat?"
"Just black and white." She said and shrugged.
Tinignan ko naman ang mga long dresses niya at isa lang ang puti, so I didn't have the choice but to pick it up.
It's an A-line long dress with slit in it. Great, how can I even ride my bike with this?
"Yan na lang, let's go." She said and dragged me again with her at pinasok ako sa sasakyan niya with her holding my head. "Make it quick."
"Can you wait? Ano ba kasi 'tong sasakyan mo e mas masikip pa sa public restroom." Reklamo ko dahil hirap akong tanggalin ang black fitted jeans ko.
Nang matapos na akong magbihis lumabas na ako ng sasakyan niya.
"Don't tell me I'll wear this with my heeled boots?"
"Kung gusto mo pwede naman." She replied tinulak ko siya. Na out of balance naman siya at napakapit sa sasakyan niya bago tuluyang maglakad papunta sa likuran.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Aktuelle LiteraturJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.