Dorado

15 0 0
                                    

Yvaine's POV

"Totoo na ba talaga 'to? Bakit naman biglaan kasi?" Sabi ni Stella habang naglalakad. Siya pa ang may hila ng maleta ni Seren.


Parang malungkot pa siya. 


"Ito, para namang hindi ako babalik. Dalawang buwan lang naman yon, mabilis ang oras." Sagot naman ni Seren sa kanya. 


Ngayon na kasi ang alis niya papunta ng Japan. Kami nga lang at wala si Eoin dahil nga sa nangyari sa kanila nung nakaraan. Hindi nga namin malalaman kung anong nangyari kung hindi nila nabanggit sa amin. Yung araw din kasi na yon bigla na lang silang nag message na uuwi na sila. 


Hindi ganon ang bonding. 


"Pwede ka naman sumama e, para na rin magkaroon kami ng pahinga sa araw-araw na nakikita ka namin." Sabi ni Rigel kay Stella.


"Ikaw na lang ang sumama tutal tanga ka kausap." Sagot ni Stella sa kanya at hindi na siya pinansin. 


"Is your relationship with Eoin really over?" Tanong ni Keiji sa kanya.


"I think everything is better of this way." Sagot ni Seren at ngumiti ng tipid.


Halata naman na nasasaktan sila pero para siguro sa kanila tama na muna. We don't have the right to make decisions for them because it is their relationship. Our roles are constrained to supporting them for doing what they believe is best for them.


Kahit na nakakapanghinayang, it is what it is.


"Hey." Bati ni Justice paglapit niya sa amin kaya binati naman namin siya. Pero hindi niya birthday ah.


"Seren, we need to go inside in a bit." Lingon niya kay Seren kaya tinanguan naman siya nito. 


"Hindi pa pwedeng sumama hanggang sa loob?" Tanong ni Stella at kumapit sa braso ni Seren.


"Hindi, wag ka ngang makulit." Hila ni Rigel sa kanya.


"Aray. Naman 'to oh."Reklamo niya.


"You're just making it hard for Seren to leave. Mamaya ka na." Saway ni Astro sa kanya at inismiran siya ni Stella.


Isa pa ang dalawang 'to e. Ewan ko ba kay kuya, minsan ang labo rin. 


"Papasok na kami." Sabi ni Seren at hinawakan na ang maleta niya.


"Bakit ba ganyan ang mga itsura niyo? Para namang hindi ako babalik."


"Yun na nga e, bakit babalik ka pa?" Sagot ni Rigel.


"Gago ka ba?" Bawi ni Seren sa kanya at akma pa siyang pipingunit pero nagtago siya sa likod ni Astro.


When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon