Nang matapos kaming kumain ay nag si labas na kami ng restaurant.
At tulad nang sinabi ko, yung apat hindi na tumigil sa pagbabangayan tungkol sa kung anu-anong bagay. Sinali pa nila si Keiji sa kagaguhan nila.
"What do you call a magic dog?" Tanong nito kaya napailing na lang si Eoin at binuksan na ang pinto ng sasakyan niya.
"What what?" Tanong ni Astro.
"E kung what whatin ko mukha mo? Amin na susi ko." Lahad ni Stella sa palad niya kaya inis na ibinigay ni Astro sa kanya.
"Ninakaw mo pa sa bag ko ah." Dagdag pa niya bago pindutin yon at naglakad na.
"Oh edi what nga tol?"
"A labracadabrador!" Masayang sagot niya.
Natawa naman ako sa mukha nung tatlo lalo na kay Astro na nanlaki pa yung butas ng ilong tsaka umalis ng nakapamulsa habang tinitignan si Keiji ng asar.
"Una na 'ko sayo tol, napagod ako." Sabi pa niya bago siya lagpasan.
"Joke ba tawag mo dun?" Tanong ni Rigel.
"Hindi mo lang gets e kasi english."
"Oh bakit, ikaw gets mo?" Tanong ni Rigel kay Yve.
"Oo. Mga bukas siguro." Sagot niya kaya iniwan na rin siya ni Rigel ng umiiling.
"Drive safely." Keiji told Yvaine kaya napatalikod na lang ako at naglakad na para iwan na rin sila.
E sa medyo kinilig ako. Medyo lang.
Nang naka sakay na 'ko sa sasakyan ko, I received a message from an unknown number.
"Have a safe drive, beautiful."
Napatingin naman ako sa paligid ko.
Astro, Rigel and Stella are now driving away. Si Yvaine naka sakay na sa motor niya at sinimulan nang sindihan ito.
Tumingin naman ako sa sasakyan ni Eoin at pinaandar na ito habang hinihintay na sumakay si Keiji.
Who was that?
Kung magpapalit naman sila ng number, sasabihin naman nila sa akin. Atsaka, hindi uso ang text sa mg yun ano.
Ibinato ko na lang sa passenger's seat ang phone ko at pinaandar ko na ang sasakyan ko para maka uwi na rin.
Nang nasa condo na ako, naligo na lang ako para makapag pahinga na.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Genel KurguJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.