Seren's POV
"Wag na, mamaya sunugin mo pa." Si stella. Nasa may hallway kami ngayon at papunta sa hall. May announcement daw kasi.
"Tanga ka ba?"
"Ako hindi, ikaw oo. Amin na." Agaw ni Stella sa libro niya.
Pinapasuyo kasi niya na ilagay ko muna sa bag ko dahil ayaw niyang bitbitin. Iwanan ba naman niya sa classroom nila yung bag niya.
"Amin na nga, napaka ingay ninyo e, ito lang pinag aawayan niyo. Wala ngang isang kilo 'to." Sagot ko at inilagay sa bag ko yung libro.
Manipis lang naman yon kaya hindi naman mabigat.
"Nasaan pala si Keiji, Eoin?" Tanong ni Stella na sinulyapan pa si Yvaine.
May sapak talaga sa ulo ang isang 'to.
"E bakit mo hinahanap?" Si Rigel.
"E bakit ka nakikialam?"
"Chill." Natatawang awat ni Eoin sa dalawa.
"Alam ko nasa office, inaayos ang schedule niya kasi nga magkakaroon na siya ng training."
"Ah... May girlfriend ba yun?" Tanong pa niya ulit habang nasa likuran mga kamay niya.
Ano siya presidente ng academy?
"I don't think he's into commitments. But women do really chase him."
"So he's a womanizer?" Tanong ni Yve.
"No, not that. Girls do go after him, I just don't know if he entertains them. But one thing's for sure. He's not yet ready for a commitment."
"Why naman ganon?" Tanong ni ulit ni Stella.
"Ito, bakit hindi mo kaya hayaan? Hindi naman ikaw siya e." Sagot ko, dahil alam kong mangungulit na naman siya.
"Hahayaan naman, Seren. Tinatanong ko lang. So, bakit nga, Eoin?" Harap niya ulit kay Eoin na napapailing na lang sa kanya habang natatawa.
"I don't know. Maybe because he got rejected before?" Kibit balikat na sagot nito.
"He did?!" Gulat na tanong ni Yve kaya tinulak siya ng kaunti ni Rigel dahil nagulat siya at tinignan naman siya ni Yve ng masama.
"I mean... With that looks? Sino namang hihindi sa kanya?"
"Hindi naman siguro ikaw. Mukha ngang type mo e." Si Rigel na nagp'phone habang nakapamulsa.
"Sinong nagsabing type ko? Tanga ka ba? Hindi ganon ang mga tipo ko 'no."
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionJust like how the souls became one when the fate worked, Just like how the moon meets its sun, I hope our stars will align.