Crater

31 0 0
                                    

Stella's POV

Nandito ako ngayon sa condo building nina Yvaine dahil gusto sa unit niya ako mag-ayos. Wala lang, trip ko lang. 


Paglabas ko ng elevator dumiretso ako sa harapan ng unit niya at nag doorbell na. 


"Hell-- the hell?" Gulat na sabi ko pagbukas ng pinto. 


"Stella." Keiji said and opened the door even more para makapasok ako.  He's wearing a white long sleeves habang nakataas ang mga manggas.


Sinilip ko muna ulit ang unit number, baka kasi mali ako ng napuntahan. Nang makita ko naman na tama, makahulugan kong tinignan si Keiji habang papasok ng unit ni Yvaine. 


Sabi na e, fishy talaga. 


"Kei who's tha-"


"Hello po~" Sabi ko bago ko kay Yvaine na kakalabas lang ng kwarto bago ko siya irapan at nag-lakad papunta sa kusina niya. 


Nakabihis na siya and she's wearing a white cropped corset top and white slacks with her untied jet black hair. Hawak pa niya ang puti niyang concise double strap heeled sandals.


"Bakit ka nandito?" Lapit niya sa akin. 


"Wala lang."


"Wow ah, pala desisyon?"


"Bawal na ba ako dito? Bakit si Keiji pwede?" Turo ko kay Keiji na nakasandal sa may pintuan ng kusina. He just chuckled. 


"B-Bakit naman hindi?" Tanong niya at sinuot na ang heels niya.


"Sus, umamin na kasi kayo." Sabi ko bago uminom ng tubig.


"Ano namang aaminin?"


"Sige, hanggat kaya mo magpanggap ka. Push mo yan." Sagot ko bago ibalik ang pitsel sa ref at kumain ng isang ubas bago nag-lakad papunta sa closet niya.


"Bihis na ako." Sabi ko.


"Ano naman?" 


"Share ko lang, pake mo?"


"Yun na nga e, wala akong pake."


"Ako rin." Sabi ni Keiji kaya nilingon ko siya.


"Sobra naman 'to. Hindi ka invited sa birthday ko ah." Sagot ko bago tuluyang pumasok sa closet ni Yve. 


I wore my black collared split wrap satin dress and wore a black belt to balance it. 


"Yve, can you curl my hair?" Silip ko sa may pinto.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon