"Naks, bagay na bagay talaga kami." litanya ko habang tinitignan ang litratong hawak ko."Oh iho, ayos ng porma ah. May lakad ba?" mungkahi ng aking tiyo pagkalabas ko ng bahay na aking nirerentahan.
"Ah! May pupuntahan ho kami ng napakaganda kong nobya" kinikilig kong tugon sa aking tiyo.
"Tita, mag-ingat po kayo. Mahal na mahal ko po kayo." rinig kong litanya ng isang dalaga sa hindi kalayuan.
Si Dianne, ang aking girlfriend. Halos limang taon na kaming magkarelasyon at bukas nga ang aming selebrasyon para sa araw ng aming ika-limang taon.
Kinausap niya ako na kung pwede raw ay pumunta kami sa lugar kung saan ay una kaming nagtagpo.
"Tara na." maikling mungkahi niya at tsaka nauna sa paglalakad.
Habang papalayo kami sa aming bayan ay bumibigat ang aking pakiramdam.
Batid kong nanlamig siya nitong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Mauna kang maglakad, dito ako sa likuran mo." mungkahi niya at tsaka pumunta sa aking likuran.
Walang reaksyon niya akong tinignan noong nilingon ko siya.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip kung anong mangyayari mamaya.
Aalis kaya siya at iiwan ako?
O kaya ay makikipaghiwalay kaya siya sa akin? Ngunit bakit? Anong dahilan?
Sawa na ba siya sa akin?
Pagod na ba siya sa relasyon namin?
May iba na ba siya?
Ngunit imposible dahil alam kong sobra naming mahal ang isa't-isa.
"Bakit ka tumigil sa paglalakad?" dinig kong tanong niya sa akin mula sa likod.
"Ahh wala. Iniisip ko lang kung bakit mas pinili mong maglakad kesa sumakay ng sasakyan. " sagot ko habang nanatili pa rin sa aking kinatatayuan.
"Bakit? Ayaw mo ba akong kasabay maglakad?" tanong niya kaya't umiling-iling ako.
"Ayoko lang na napapagod ka at isa pa makulimlim na, baka abutin tayo ng ulan." sagot kong muli at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang kanyang pag ngiti, ngunit ngiting hindi na kasing tamis ng dati.
"Gusto mong sumakay sa likod ko? Gaya ng dati?" tanong ko at muling tumigil sa paglalakad.
"Hindi, kaya ko pa." sagot niya ngunit ramdam na sa kanyang boses ang pagod.
"Osige, basta sabihin mo lang kung pagod kana ha? " tugon ko at maglalakad na sanang muli nang tinawag niya ang pangalan ko.
"Sam?" tawag niya sa pangalan ko.
Lilingunin ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako.
"'Wag. 'Wag mo akong lilingunin kahit anong mangyari. Tsaka mo nalang ako tignan kapag nakarating na tayo roon." pigil niya sa akin
Nagtataka man ay sinunod ko nalang ang kanyang sinabi at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay malapit na kami sa aming pupuntahan ngunit ramdam kong wala nang sumusunod sa akin.
Ramdam kong tumigil siya sa paglalakad kaya't lilingunin ko sana siya nang pigilan niya akong muli.
"Can you carry me?" tanong niya sa akin pagkatapos niya akong pigilan na lingunin siya.
"Pagod na pala sa paglalakad ang napakaganda kong girlfriend. Osige halika na at bubuhatin na kita hanggang sa ating destinasyon." sagot ko at tsaka umupo sa harapan niya.
"Alam mo, kanina pa ako gulong gulo. Nitong mga nakaraang araw nanlalamig ka, minsan ka lang magparamdam, tapos ngayon ayaw mo pa akong tignan ka kahit isang segundo man lang." panimula ko nang magsimula na akong maglakad dahil nasa likod ko na siya.
"Alam mo, mamimiss ko ang lahat sayo." tugon niya na siyang nagpangiti sa akin.
"Bakit mo ba sinasabi yan? Kakaiba talaga ang mga ikinikilos mo. Makikipaghiwalay kana ba sa akin?" tanong ko ngunit isang kaltok ang natanggap ko mula sa kanya.
"Kahit kailan ay hindi ko magagawang iwan ka dahil mahal na mahal kita." sagot niya kaya mas lumapad pa ang aking ngiti.
"Natatakot ako, natatakot akong iwan mo ako." litanya ko habang tinatanaw na ang lugar na pupuntahan namin.
"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita." sagot niya at tsaka ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"I love you, Sam." litanya niya.
Huminga ako nang malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
Hindi na ako makapaghintay na mahagkan siyang muli, kaya naman nagmamadali akong maglakad hanggang sa aming destinasyon.
"I love you more, Dianne." sagot ko sa kanya.
"Dianne nandito na tayo, gising na, gustong gusto na kitang makita." mungkahi ko ngunit hindi siya kumibo.
"Dianne..." tawag ko sa pangalan niya ngunit wala akong narinig na salita mula sa kanya.
Hindi ko rin maramdaman ang kanyang paghinga kaya dali-dali ko siyang ipinahiga sa damuhan at tsaka tinignan.
"Dianne gising na, nandito na tayo." litanya ko habang niyuyugyog siya.
"Dianne anong nangyari? Dianne gumising ka naman. Hindi ka pwedeng mamatay, di mo ako kayang iwan diba?" kausap ko sakanya habang tinitignan siya at may namumuong luha sa mata.
May nakita akong kahon sa tabi ng puno kaya dali-dali ko itong kinuha at binuksan.
Mga litrato naming dalawa, pati ang mga regalo ko sakanya ay nandito. May nakita akong dalawang papel dito kaya't tinignan at binasa ko ito.
Nagsimulang tumulo ang aking luha nang mabasa ko ang isang papel na ang nilalaman ay tungkol sa kanyang sakit. May sakit siya sa puso at may taning na ang kanyang buhay.
Nabaling ang aking atensyon sa isa pang papel kaya't dali-dali ko ring binasa ang laman nito.
Alam niyang hindi na niya maaabutan ang araw ng aming ika-limang taon kaya't nagpasya siya na ngayon na pumunta dito sa lugar kung saan una kaming nagkita at nagkakilala.
Huli kong kinuha ang litrato naming dalawa na nasa bulsa ko.
"Ang ganda mo pa rin kahit kupas na ang litrato mo rito." litanya ko habang pinupunasan ang kanyang mukha sa aming litrato.
"Mahal na mahal kita." litanya kong muli at tsaka siya hinalikan sa noo.
Pinagtagpo man tayo sa maling panahon, ang mahalaga ay minahal natin ng labis ang isa't-isa.
_________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!