"Ate Crystal, si kuya Redd po lasing na lasing." nag-aalalang saad ng nasa kabilang linya.
Agad kong pinatay ang telepono at nagmamadaling pumunta sa kanilang bahay.
Redd is my boyfriend for almost 3months. Hindi ko alam kung bakit madalas siyang naglalasing.
Tawag. Punta. Alaga. Uwi. Then repeat.
Gawain ko tuwing lasing na lasing si Redd na umuuwi sa kanilang bahay.
Tatawagan ako ng kaniyang kapatid upang sabihing lasing si Redd, ako naman itong partner niya, syempre pupuntahan ko siya't aasikasuhin at aalagaan. Kapag alam kong okay na siya ay tsaka naman ako uuwi kahit dis oras na ng gabi.
Nang makarating sa kanilang bahay ay agad akong dumiretso sa kanilang kusina upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.
"Ikaw talaga Redd, palagi ka nalang naglalasing."
"Kailan ka kaya magbabago?"
"Hindi ko man lang alam kung may problema ka ba or what."
"Wala naman tayong problema."
"Hindi naman tayo nag-aaway." sunod-sunod kong litanya.
Nang mapalitan ko siya ng damit ay sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.
"Mahal kita, mahal mo ako."
"Mahal natin ang isa't-isa."
"Aisshhh, baka trip mo lang uminom 'no? Ang drama ko talaga." muling litanya ko at bumuntong hininga.
"Oh ayan okay kana ha. Matulog ka nang mahimbing." huli kong litanya bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa kan'yang kama.
"H'wag.. Please don't leave me." mahinang saad niya kaya mula sa pagkakatalikod ay nilingon ko siya.
"Namiss ba ako nito?" tanong ko sa aking sarili at muli ay lumapit sa kan'ya.
Aking pinunasan ang luhang tumulo mula sa kan'yang mga mata, nang hawakan niya ang aking kamay.
"I love you, I love you so much. Please don't leave me." litanya niyang muli habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay.
"Ssshhhh. Stop crying Redd, hindi kita iiwan, okay? I love you." tugon ko sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit.
"I love you, Rachel." huling litanya niya bago bitawan ang aking kamay.
Rachel? His ex-girlfriend's name?
________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Ficção AdolescenteKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!