OSS15 (I LOST THE GIRL I LOVE THE MOST)

1 0 0
                                    


"Jonathan gisiiing naaa"

"May pupuntahan pa tayo Jonathan kaya gumising kana riyan para makakain kana"

"Hoy Jonathan sabi mo ipapasyal mo ako"

"Jonaaathaaaannnn"

Pag sapit ng alas diyes ng umaga, ginigising na ako ng magaling na manok, este 'yong babaeng mahal na mahal ko.

Siya 'yong babaeng palagi akong ipinagluluto, madalas ay ang mga paborito kong pagkain ang kanyang ihinahanda.

Siya rin 'yong tipo na hinding hindi ako hinahayaang magkasakit. Aba kunting ubo lang halos gusto na niyang luklukin ko ang sampong kapsula ng solmux.

Maalaga rin siya. Pagbaunin ba naman ako ng alcohol araw araw para daw masiguradong patay ang 99 percent na germs. Ibang klase.

Syempre siya rin 'yong babaeng hindi napapagod sa kakaintindi sa akin. Sa lahat ng problemang napagdadaanan ko kasama ko siya.

Lagi rin akong may regalo na natatanggap mula sa kanya. Minsan pa nga ay dalawang araw sa isang linggo kung magregalo siya sakin.

At higit sa lahat mahal na mahal ako ng babaeng 'yan. Palagi nga niyang sinasabi sakin na mas mahal niya ako kesa sa buhay niya e. Aba'y napakakulit, sabing mahalin din niya sarili niya pero jusmeyo marimar hindi nakikinig.

Mahal na mahal ko rin 'yang babaeng yan, hanggang sa may makilala akong mestisang babae.

Napakaganda niya sobra, matalino pa at mayaman. Nagkamabutihan kaming dalawa.

Mula sa pagiging magkaibigan namin ay naging magkarelasyon kami. Nagkarelasyon kami nang hindi alam ng babaeng mahal na mahal ko.

Si Vien, ang bago kong kasintahan, alam niya ang tungkol sa babaeng mahal na mahal ko. Palaging sinasabi sa akin ni Vien na iwan ko na raw ang babaeng iyon dahil wala raw siyang kwenta. Nagalit ako sakaniya dahil hindi ko matanggap ang sinabi niya.

Nagpunta ako ng bar upang lumagok ng ilang bote ng alak noon.

Umuwi ako noon sa bahay ngunit walang babaeng bumungad sa 'kin, wala 'yong babaeng mahal na mahal ko.

Ilang araw na hindi siya nagpakita sa akin at may nakapag sabi na may nakakakita raw sa kaniya na iba't ibang mukha ang kanyang nakakasama, kung kaya't pinipilit ko na siyang kalimutan nang hindi man lang inalam ang tunay na dahilan kung bakit siya lumisan ng ganoon lang.

Lumipas ang dalawang buwan, ni anino man lang niya ay hindi ko na muling nasilayan.

-----------

Nakaupo kami ngayon ni Vien dito sa park, gusto niyang sa mall kami mag date ngunit sinabi ko na dito nalang muna kami ngayon.

Dito sa park kung saan palagi kaming pumupunta noon ng dating babaeng mahal ko.

Masaya si Vien sapagkat nawala na raw sa akin ang babaeng iyon. Sa wakas ay wala na raw siya.

Naghahalikan kami ni Vien nang may mapansin akong nakatingin sa aming dalawa kaya naman ay dumako ang tingin ko sa kaniya.

Sa wakas, pagkalipas ng halos tatlong buwan ay muli na siyang nagpakita. Mas pumayat na siya, ang kanyang balat ay naging dry na. Ang maganda niyang buhok ay buhaghag na rin. Marami ang nagbago sa kanya.

"Jonathan"

"Jonathan ang lalaking mahal na mahal ko"

Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata habang paulit ulit na binabanggit ang aking pangalan.

Patuloy siya sa paglapit sa kinaroroonan namin ni Vien at nang akmang yayakapin na niya ako ay itinulak ko siya dahilan upang bumagsak siya sa lupa.

"Jonathan miss na miss na miss na kita"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon