OSS7 (SANA HINDI NA LANG KITA GINUSTO NANG SOBRA)

1 0 0
                                    

"Mahal? Do you still remember the day we met?"

"Nope. Kailan ba iyon?"

"Iihhh, mahal naman."

"Kidding aside. Ofcourse, Janus. I still remember that day."

"Tsk. Mang-aasar pa kasi."

"Why'd you ask about it out of nowhere, anyway?"

"Kinikilig pa rin kasi ako hanggang ngayon kapag iniisip ko iyon, mahal."

----------
I can still remember the first day, when Maureen approached me in a crowded place.

Inabutan niya ako ng bulaklak at sinabing may gusto siya sa akin. Loko loko, ni hindi nga kami magkakilala.

Pagkatapos no'n, pagkauwi ko, bigla na lang akong nakatanggap ng mensahe. Nakakagulat namang nahanap niya pa ang pangalan ko sa facebook, iba talaga itong mga babae.

Itong babae na ito, napakakulit. Noong umulan yata ng kakulitan ay sinalo niya na lahat. Napakadaldal, hindi man lang maubusan ng sasabihin halos magdamag.

I never showed him my interest. Ayokong bigyan siya ng motibo para mas lalo niya akong magustuhan. Ayokong umasa siya sa akin. Ayoko siyang masaktan.

Pero anak ng maria makiling, saan ba ito naglihi at para nang kabute na pasulpot sulpot sa aking tabi. Akalain mo nga naman at hindi na siya naubusan ng kwento sa chat, hindi rin siya natutuyuan ng laway sa personal dahil sa kakadaldal.

At ako? Nanatili akong matigas. Hinayaan ko siyang dumaldal nang dumaldal. Hinayaan ko siyang sundan ako kahit saan, kulang na nga lang ay sundan din ako sa palikuran.

Hanggang sa siya ay nagpasya. Nagpasya na siyang ligawan ako, anak ng tokwa, ano ako b/kla? Kakaiba itong babaeng ito, siya pa talagang babae ang manliligaw, may hiya pa kaya itong itinatago?

Hindi ko siya g¡nayuma ha, pero ewan ko ba at bakit ang lakas ng tama. Namali yata si kupido ng pagpana. Ako pa talagang lalaking walang interes sa pagmamahal ang sinadya.

Hindi nagtagal ay nahulog ako. Sinagot ko siya ng "oo". Aba'y sinubukan ko ngang sagutin ng "hindi" pero umiyak na't nagsisisigaw sa tabi.

Masaya ang aming naging relasyon. Tila nga ay hindi nagkamali si kupido sa kaniyang desisyon sapagkat umabot kami ng ilang taon.

Ang dating matigas at nagpapakatigas na lalaki sa isang babae? Ngayon ay hinahanap hanap na ang ¡nit ng kaniyang yakap at dampi ng kaniyang labi.

Nalunod ako sa pagmamahal na siyang dahilan ng hindi ko na pag-ahon. Nasugatan ako't natumba at hindi ko na alam kung paano pa babangon.

Ako itong noon ay kinukulit mo ngunit ngayo'y gulong gulo at litong lito. Ano ba ang dahilan ng paglisan mo? Hindi ko maintindihan kung bakit isang araw paggising ko, ang matatanggap kong mensahe mula sa 'yo ay "mahal, maghiwalay na tayo." "pasensya na mahal, nagising nalang ako na hindi na ikaw ang aking gusto."

Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Dapat ba akong magalit sa 'yo dahil kung hindi ka nangulit ay hindi ka makakapasok sa buhay ko? O dapat ba akong magalit sa aking sarili sapagkat binigyan kita ng lugar sa aking puso?

Dulot ng paglisan mo ay nagkaroon ako ng maraming what if's at sana sa isip ko. Na sana ay nangyari nga nang wala ako ngayon sa sitwasyong ito.

What if naging magkaibigan na lang tayo? Sana hindi tayo umabot sa puntong ito, na ang dating buo kong puso ngayon ay dinurog mo.

What if hindi na lang kita hinayaang makapasok sa buhay ko? Sana hindi ako gabi gabing umiiyak, dinadamdam ang pag-iwan mo sa akin.

What if hindi mo na lang ako nilapitan? Sana ay hindi ako ngayon nasasaktan. Sapagkat ang paglisan mo sa akin ay nag iwan ng sugat na hindi ko alam kung may gamot pa ba rito para ang sakit ay maibsan.

Ngunit, sa kabila ng lahat, hindi ako nagsisisi na nagkaroon ako ng matatawag kong "akin" at "tayong dalawa". Pero sana, hindi na lang kita minahal ng sobra.

"Masaya ka na ba ngayon sa piling ng iba?" nakangiting tanong ko pagkatapos ay umalis na sa harapan ng maraming tao, pinapakawalan ang luhang kinimkim ko sa aking puso.

__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon