OSS14 (MY MOTHER IS JUDGEMENTAL)

2 0 0
                                    


"Ma, nandito na po ako." tawag ko kay mama at nagmano sa kaniya.

"Oh anak, kumusta ang pasok mo? Alam mo ba, 'yong kaklase mo noong kinder, buntis na naman." kwento sa akin ni mama habang inilalapag ko ang gamit ko sa table.

"Saan mo na naman napulot 'yang balitang iyan mama?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

"Ay nakita ko lang siya kanina, lumabas na naman ng bahay nila kating-kati na naman siguro." tugon niya at ihinain ang pagkaing niluto niya.

"Iba talaga kapag pok_pok, pok_pok na nga yung ina, pok_pok pa 'yong anak. Oh ito, kumain ka na." ani niya.

Kunot noong umupo ako sa harapan ng mesa. Kahit kailan talaga si mama, palagi nalang may chismis, kung hindi niya nalaman sa kapitbahay, sasabihin niya na nakita raw niya.

---------
"Anak, galing dito 'yong mga kaibigan mo kanina, pati na rin 'yong pinsan mo na si Ella. Hinahanap ka nila kasi may pupuntahan daw kayo."

Naku, nakalimutan kong may project pala kaming gagawin ngayong sabado.

Tinext ko ang mga kaibigan ko na susunod nalang ako.

"Naku anak, kung ganoon lang din ang magiging kaibigan mo layuan mo nalang sila." rinig kong saad ni mama habang nag-aayos ako ng gamit.

"Tignan mo may pupuntahan na naman sila, gagala lang ang mga iyon, makikipagharutan sa mga lalaking makikita nila. Naku si Ella, 'yong pinsan mo sumasama na rin sa kanila, baka mamaya buntis na rin iyang pinsan mo." mahabang litanya ni mama.

"Ma, gagawa lang po kami ng project. Hindi naman po sila katulad ng mga iniisip mo." kalmado kong tugon kay mama habang isinusuot ang aking sapatos.

"Edi dapat doon ka sa matatalino makigrupo para 'di ka mahirapan sa project." ani ni mama kaya huminga ako nang malalim.

"Ma, alam mo namang ekis ako sa mga matatalino dahil hindi ko sila masyadong kasundo." tugon ko at humarap sa salamin.

Simpleng short at t-shirt lang ang suot ko, tapos naka sapatos at nakatali ang buhok.

"Ay ano ba 'yan anak, ang pangit naman ng porma mo." litanya niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Binuksan niya ang aking cabinet at naghanap-hanap ng damit, pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang kwarto at lumabas agad dala ang mga accessories niya.

"Ito anak, isuot mo." wika niya at lumabas ng kwarto.

"Dress? Earings? Necklace?"

"Anak, ito ang isuot mo." muling wika ni mama at ipinakita sa akin ang hawak niyang high heels.

"Aishh, mama! Sa kabilang kanto lang po ako." naiirita kong tugon.

"Anak syempre dapat maganda ka. Siya nga pala, bukas daw dadalaw sila tita mo. Kasama na naman niya yung pinsan mo na si Ana. Ang babaeng iyon, ang sesexy ng mga isinusuot na damit akala mo naman bagay sa kaniya e ang itim itim niya tapos ang dami pang peklat." napapikit ako nang mariin dahil sa mga sinasabi niya.

"Ma--"

"Tapos ang kapal-kapal pa ng lipstick at make up sa mukha niya, feeling maganda talaga." putol niya sa sasabihin ko.

"Kailangan ko nang umalis." nagmamadaling paalam ko sakaniya upang makaiwas sa mga salitang naririnig ko sakaniya.

Sa 17 years na magkasama kami, nasanay na ako sa ugali niya. Masyado talaga siyang mapanlait, hindi ko naman magawang kontrahin siya kaya nananatili nalang akong walang imik.

---------
"Hailey! Hailey! Gumising kang maland¡ ka!" sigaw ni mama kaya nagising ako.

"M-ma." nauutal kong ani, marahil ay alam na niya.

"Hayop ka! Ano ito ha?! Maland¡ kang hayop ka!" sigaw sa akin ni mama at muli ay sinampal ako.

Hawak hawak niya ang pregnancy test na sinadya kong iwan sa cr upang makita niya.

"Ma, magpapaliwanag po ako." naiiyak kong saad ngunit muli ay isang sampal na naman ang natanggap ko.

"Wala kang dapat ipaliwanag malandi ka!" sigaw sa akin ni mama at binuksan ang aking cabinet.

"Iyan! Iyan pa! Lumayas ka wala akong anak na pok_pok! Layas!" sigaw pa sa akin ni mama.

Nagtagumpay siya sa pagtulak sa akin hanggang sa labas ng bahay, agad siyang pumasok at inilock ang pintuan.

Paano niya malalaman ang totoo kung hinusgahan niya agad ako na hindi pa nagpapaliwanag.

Paano ko masasabi sa kaniya na ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pang-gagaha/sa sa akin ng kanyang asawa, ang pambaba_boy sa akin ng sarili kong ama.

Oo nga pala, paano niya maiintindihan kung ang nakikita lang niya ang pinaniniwalaan niya.

"My mother is really a judgemental person."

__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon