"Aaaaaaaahhhhhhh!!!!!"
"Lila!! Lila, gising!!!" pangyuyugyog sa akin ni Arkin dahilan upang mapabangon ako't hinahabol ang paghinga.
"Binabangungot ka." muling saad niya at pinagmasdan ang aking mukha.
"A-arkin... akala ko mamamatay na ako, akala ko mangyayari na sa akin 'yong nangyari sa libro." saad ko dala pa rin ang takot sa aking dibdib.
Nagpapasalamat man at panaginip lamang ang pangyayaring iyon ay medyo may nararamdaman akong pagkadismaya sapagkat sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naman nakilala kung sino ang k¡ller.
Habang papasok sa trabaho ay muli na namang naglakbay ang aking isip. Ang sabi sa akin ni Arkin ay nakita niya raw akong nahimatay kagabi sa gilid ng kalsada kaya't iniuwi ako nito sa kaniyang bahay.
Maya't maya akong napapaisip kung naganap nga ba talaga ang pangyayaring iyon o kung panaginip lamang. Umiling na lamang ako sapagkat ang aga aga ay ini-stress ko na naman ang aking sarili.
Nang makarating sa silid aklatan ay sinimulan ko na ring maglinis. Sa paglilinis ay muli akong nakarating sa huling pasilyo. Muntik ko nang makalimutan, may cabinet pa pala akong titignan sa loob ng tagong kwartong ito at may libro rin akong hinahanap.
Papasok na sana ako sa kwartong ito nang bigla ay may tumawag sa akin mula sa aking likuran kayat akin itong nilingon. Napakunot noo ako nang wala namang tumawag sa akin. Ilang segundo akong nakalingon sa aking likuran, hinihintay kung may magpapakita ba o kung may tatawag bang muli sa akin, ngunit nang wala na akong mahintay ay binuksan ko na itong pintuang bookshelf.
Pagkapasok pa lamang nitong tagong kwarto ay agad nang dumako ang aking paningin sa cabinet na nasa gilid dahil sa tila kakaibang dulot nito. Habang papalapit sa cabinet ay nakatingin lamang ako sa pigura ng aking mukha sa salamin.
Ganoon na lamang ang aking gulat nang bigla ay may babae na sa aking likuran. Gulat ang gumuhit sa aking mukha na siyang makikita sa salamin, habang makikitaan mo naman ng galit at takot ang babaeng nasa likuran ko.
Habang siya ay pinagmamasdan sa salamin ay ihinanda ko na rin ang aking sarili upang siya ay lingunin, ngunit nang oras na humarap ako sa aking likuran ay biglang nawala ang babaeng iyon. Agad ay bumalik ang aking tingin sa salamin at sa oras ngang ito ay tila tinatawag na ako nito upang lapitan at buksan ang cabinet.
Tila ako ay nasa karera dahil sa bilis ng tibok ng aking puso lalo na nang magsimula na akong lumapit sa cabinet. Tila may bumubulong pa sa aking buksan ito, tinutulak akong buksan ito, bakas na ang aking takot lalo na nang tila umihip ang hangin kahit walang bintana at bentilador dito. Ang aking pawis ay tagaktak na't kahit ang aking lalamunan ay natutuyo na.
Nang mahawakan ko itong hawakan ng cabinet ay dahan dahan ko na ring binuksan. Isa, dalawa, tatlo.
"H-hindi. H-hindi maaari. Ano ang mga ito?" nanginginig kong saad sa sarili.
Tumindig ang aking balahibo dahil sa lumang damit na makikitaan mo ng bakas ng dugo. Sa loob ng cabinet ay may pira pirasong buto ng katawan ng tao.
"F-fvck! A-anong nangyari?" nanginginig pa ring saad ko, nangingilid ang luha sa mata, ipinoproseso sa aking isip ang ang nakikita.
Habang papaatras dahil sa takot ay mas lalo akong nagulat nang bigla ay may sumigaw at tumulak sa akin.
"Alliaaaaahhhh!!!!! Alliaaaahhhhh!!!!! Alliaaahhh, mahal ko anong ginawa nila sa 'yo?!!"
Gulat ang rumehistro sa aking mukha sa oras na ito hindi dahil sa takot kundi dahil sa reaksyon ni Arkin. Paano ako nasundan ni Arkin dito sa tagong kwarto? B-bakit siya umiiyak? B-bakit ko nariringgan ng galit at pangungulila ang kaniyang boses? Bakit niya niyayakap ang labi ng bangkay? Bakit kilala niya ang labi na iyon? Anong namagitan sa kanila? Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!