"A-ate..." kinakabahang tawag sa akin ng bunso kong kapatid.Narito kami ngayon sa kusina at nagkwekwentuhan habang nagliligpit ng pinagkainan. Pareho kaming tamad ng aking kapatid kaya hindi kami papayag na isa lang ang magliligpit sa amin kaya magkasama kami sa pagliligpit palagi.
"Sshhhh..." pagpapatahimik ko sa kaniya dahil gumuhit na ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"A-ate..." muling saad niya nang marinig naming dalawa ang ingay ng pagbukas ng aming gate.
Kinakabahan man ay pilit ko itong itinatago habang patingin-tingin sa paligid. Natatakot man ay hindi ako pwedeng magpadala sapagkat sa akin kumukuha ng lakas ang kapatid kong nakayakap sa akin nang mahigpit.
Alas tres pa lamang ng hapon kanina ay isinarado na namin ang pinto at mga bintana. Mula rin sa oras na iyon ay pinapanatili naming mababa ang tono ng aming pananalita. Tila pa nga makakatipid na kami sa kuryente dahil bukod sa hindi na kami nanonood ng tv ay hindi na rin kami nagbubukas ng ilaw.
*Tok* *Tok* *Tok* mahinang katok nito sa aming pintuan.
Nariyan na siya, nariyan na naman siya.
*Tok* *Tok* *Tok* muling katok nito sa pintuan ngunit nanatili kaming tahimik ng aking kapatid.
*TOK* *TOK* *TOK* malakas na niyang katok hanggang sa ang tatlong katok nito'y sunod sunod na't napakalakas, tila ang tibok ng aming puso ay sinasabayan na ito. Sana lamang ay hindi magising si ina.
"Tumakbo ka na sa kwarto. Mag ingat ka, siguraduhin mong hindi ka makakagawa ng anumang ingay." bulong ko sa kapatid ko na siya namang sinunod agad.
Nang makapasok sa loob ng kwarto ang aking kapatid ay dahan dahan na rin akong lumapit sa aming pintuan. Itinapat ko ang aking mata sa maliit na butas nitong aming pintuan upang kumpirmahin kung sino nga ba siya.
Siya nga. Hindi ko maaaring buksan itong aming pintuan.
Napako ang aking tingin sa pintuan habang papalayo mula rito. Tumigil na ang kaniyang pagkatok, wala akong marinig na ingay. Umalis na kaya siya? Wala na kaya siya?
Mabuti na lamang ay hindi ko nagagawang kalimutan ang dapat kong gawin sa oras na nagaganap na ang ganitong pangyayari. Kapag wala na akong maramdaman pagkatapos kong magbilang mula isa hanggang sampu ay senyales na iyon na makakahinga na kami nang maluwag.
Habang dahang dahang umaatras ay sinimulan ko na ring magbilang
Isa
Dalawa
Tatlo
Sinimulan ko na ring ilibot ang aking paningin sa loob ng bahay upang masiguradong wala na nga siya.
Bibilang na sana ako ng apat nang bigla na lamang ay nakita ko ang isa naming bintana na hindi pala nakababa ang kurtina.
"A-apat." nanginginig kong saad habang papalapit sa bintana upang ibaba ang kurtina nang biglang
"Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!!" malakas kong sigaw nang bumungad na nga siya sa bintana.
N-nakita niya ako. Nakita na niya ako, nginitian niya ako. Tagaktak na ang aking pawis habang nakatingin sa kaniya.
Dahil sa malakas kong sigaw kanina ay lumabas na nga mula sa kwarto ang aking ina at kapatid.
"Cel..." mahinang bigkas ni ina sa pangalan nito habang nakatingin na rin sa bintana kung saan ay nakadungaw ang babae.
"Janine, buksan mo ang pintuan." saad nito na ikinakunot ng aking noo.
"Nay, hindi pwede!" saad ko sa kaniya habang sinusundan siya ng tingin na naghahanda ng pagkain.
"Anong hindi?! Buksan mo ang pintuan, dali!" saad pa nito at pinanlakihan ako ng mata.
"Nay naman eh, alas siete na nga ng gabi. Pag chichismisan niyo lang naman 'yong nobyo kong panot." nakasimangot kong saad at binuksan na nga ang pintuan.
"Pasok po kayo Aling Cel, nasa kusina po si mama at hinihintay kayo." saad ko at tsaka pekeng ngumiti.
"Salamat iha. Nakita ko nga pala ang nobyo mong panot kanina, nagpapaturo sa mga tanod kung paano makipaghalikan." saad nito at dumiretso na ng kusina.
__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!