0SS4 (MYSTERIOUS BOY)

1 0 0
                                    

"A-aray!" daing ko nang pitikin ako sa noo ng aking kaibigan.

"Aray-aray ka riyan kanina pa kita tinatawag, tara na!" saad niya sa akin at tsaka ako hinila palabas ng simbahan.

Nakasimangot naman akong nagpadala sa hila niya habang iniisip si Hiro.

"Aishh! Ano ba 'yan, bakit ba kasi napakamisteryoso niya." bulong ko sa sarili at tsaka ginulo ang buhok ko.

"Ayan tig-20 tayo." ani ng kaibigan ko at inilapag ang dalawang plato ng pansit sa harapan ko.

"Ang pogi 'no?" tanong sa akin ng kaibigan ko.

"Oo, alam ko na ang pangalan niya. Hiro Barcelona." tugon ko sakanya at sumubo ng pansit.

Biglang nanlaki ang mata naming dalawa at tsaka nagtinginan, pagkatapos ay sabay naming inilabas ang aming telepono.

"Ano ba 'yan, ito lang ang picture niya?"

"Wala pang masyadong post."

"Pati nga lugar kung saan siya nakatira at kung saan nag-aaral hindi niya nilagay."

"Pati birthday wala."

"Aish ano ba 'yan." usapan namin ng aking kaibigan.

Nang matapos sa pang-iistalk namin sa kaniya ay napagpasyahan na naming umuwi.

"Dito na ako, ingat ka." paalam sa akin ng kaibigan ko.

Wala sa sariling napatango ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Napaka misteryoso niya--aray!" sigaw ko nang may biglang humila sa akin kasabay ng mabilis na pagtakbo ng motor.

"Sa susunod tignan mo ang dinadaanan mo." saad niya habang malamig na nakatingin sa akin.

"S-sandali Hiro!" tawag ko sakanya nang magsimula na siyang maglakad.

"Aishh! Sinusundan ko lang siya kanina ah! Bakit bigla na lang siyang nawala?" bulong ko sa sarili ko at nagkamot ng ulo.

----------
"Smiiiileeee!" litanya ko sabay pindot sa camera.

"Buti naman at ngumiti ka." wika ko at tsaka kami umupo rito sa bench.

"Sa isang buwan nating pagkakaibigan, hindi ko pa rin alam kung saan ka nakatira." dagdag ko pa na siya namang tinawanan.

"Para ka talagang anghel kung tumawa." namamangha kong litanya habang nakatitig sakanya.

Dahil sa pangungulit ko sakanya ay naging magkaibigan kami. Pero hanggang ngayon ay wala parin akong masyadong alam tungkol sa kanya.

Napakamisteryoso niya, tahimik lang siya, minsan lang magsalita, minsan lang ngumiti at minsan lang tumawa.

Kaya tuwing ngumingiti o tumatawa siya, wala akong sinasayang na oras para pagmasdan siya.

----------
"Ay kabayo!" gulat kong litanya dahil may kumalabit sa akin.

"Oh Hiro, bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kaniya at nagpagpag ng kamay.

"Bakit ka natutulog diyan?" balik niyang tanong sa akin.

"Kasi hinihintay kita." sagot ko at yumuko.

Isang linggo siyang hindi nagpakita kaya palagi akong naghihintay dito sa tambayan namin umaasang darating siya.

"May sasabihin ako." sabay naming wika.

"Gusto kita." mabilis kong saad at tinignan siya.

Nagtaka ako nang matipid siyang ngumiti at tumungo.

"Wala na ako." matipid niyang tugon kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Matagal na akong patay."

__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon