0SS10 (MASAYANG PAMILYA (SANA))

2 0 0
                                    


Johny Johny yes papa~

Eating sugar no papa~

Telling lies no papa~

Open your mouth~

Ha!

Ha!

Ha!

"Hey, baby! Eat your meal muna." matamis na saad ni papa sa batang kapatid kong nasa tatlong taong gulang.

Napangiti na lamang din ako nang kinakantahan pa ni papa si John upang ito'y ganahan sa pagkain.

Kung hindi eroplano ay barko, tren, ibon, o kung ano-ano pang naiisip ni papa na ginagawa sa kutsara at tsaka ito isusubo sa kapatid kong nagbibigay naman ng nakaka-aliw na tawa.

Nang matapos pakainin ni papa si John ay sandali niya itong iniwanan upang iligpit ang pinagkainan ng kapatid ko.

Lalapitan ko na sana si John nang bigla namang lumabas mula sa banyo si mama Badeth upang tawagin si papa.

"Hon, naihanda ko na ang pangligo ni baby!" tawag nito kay papa kaya napa-atras ako mula sana sa paglapit ko sa kapatid ko.

"Here we gooo!" masayang saad naman ni papa at ipinupunas pa ang basang kamay nito sa kaniyang short.

"Aaacckkk! Ang bigat na ng baby namin ah!" saad ni papa nang buhatin niya si John.

Habang papunta si papa sa loob ng banyo kung saan naghihintay si mama Badeth ay sumunod naman ako.

Nakangiti akong pinagmamasdan si mama Badeth na sinasabuyan ng maligamgam na tubig ang aking kapatid habang hawak naman siya ni papa.

Ang sayang tignan ng pamilya ko 'no? Walang problemang iniisip, masaya lang palagi. Tipong ka-iinggitan ng ibang kabataan na "sana lahat may masayang pamilya".

Naaalala ko pa noong ako rin ay nasa edad ni John.

Johny Johny yes papa~

Eating sugar no papa~

Telling lies no papa~

Open your mouth~

Ha!

Ha!

Ha!

"Here baby, say aahhh." saad ni papa habang ako ay tuwang-tuwa sa aking pinapanood at sinasabayan pa ito ng kanta kahit bulol pa ang aking pananalita.

"Love, patayin mo muna kasi ang tv para makakain nang maayos si baby." saad ni mama na kagagaling lang sa kusina.

"Love gusto ngang manood ni baby eh, hayaan mo na. Tignan mo oh may gana pa ring kumain." mahinahon namang saad ni papa at tsaka muli akong sinubuan.

"Aysus, ang mister ko talaga. Sinisimulan nang i-spoil si baby." saad ni mama nang makalapit at tsaka inilagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaang balikat ni papa.

Ang saya rin namin noon 'di ba?

Napawi ang ngiti ko nang may maalala ako.

Namatay si mama sa sakit, batid ko ay nasa limang taong gulang na ako noon. Hindi nagtagal ay may nakilala si papa, babaeng saad niya ay muling bumihag sa puso niya.

At siya ay si mama Badeth. Hindi ko tunay na ina si mama Badeth sapagkat siya ay pangalawang asawa ni papa.

"Mama Badeth, look oh may five star ako sa kamay kasi very good daw ako sabi ni teacher!" masayang saad ko kay mama Badeth pagkarating ko ng bahay galing sa aming paaralan.

Nanlaki ang aking mata at bumilog ang aking bibig nang sinampal niya ako pati ang aking kamay.

"Bakit hindi ka pa namat-y kasabay ng mama mo." saad nito at pumasok na ng kanilang kwarto — ang kwarto ni mama at papa noon.

Naaalala ko rin noong ako ay nilalagnat. Ni hindi man lamang ako tinuunan ng atensyon ni mama Badeth. Kahit man lang sana bilhan ako ng gamot ay hindi magawa.

Sa panghihina ko noong ako ay bata pa ay halos gumapang na ako sa sahig makainom lamang ng maraming tubig.

Naalala ko rin noong hindi niya ako tinawag upang kumain, ani niya'y ang pagkaing nakahain ay para lamang sa kaniya.

Dala-dala ang aking ipon ay kagat labi akong lumabas ng bahay upang bumili ng tinapay.

"Aling Menggay, pabili po ako ng pandesal."

"Hindi ka na naman ba pinakain ni Badeth?!" pagalit nitong tanong na ikinayuko ko na lamang, pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Pumasok ka rito sa bahay at pakakainin kita. Iyang si Badeth talaga sumusobra na siya!" galit nitong saad at inakay ako papunta sa kusina ng kanilang bahay.

Gutom na gutom na ako ngunit hindi ko magawang isubo ang masarap na pagkain sapagkat ang nasa isip ko lamang ay ang kalupitan sa akin ni mama Badeth.

Hindi ko pa dapat nararanasan ang bagay na ito lalo na't nasa murang edad pa lamang ako.

"Mama, kung hindi ka lamang maagang binawian ng buhay. Mama, bakit mo ako iniwan?" mga salitang paulit-ulit tumatakbo sa aking isipan.

Hindi na inisip ang presensya ni Aling Menggay sa aking tabi at ngumawa na ako sa pag-iyak.

"Mama, mama!!!" umiiyak kong saad na para bang may magagawa ito upang maibalik ko pa ang dati, ang buhay ni mama at ng dati naming masayang pamilya.

Umiiyak akong isinubsob ang aking mukha sa leeg ni aling Menggay nang yakapin ako nito at patahanin mula sa pag-iyak.

Gabi na nang makabalik ako sa bahay, padaan ako sa aming sala nang marinig kong may kausap si mama Badeth sa kabilang linya.

"Papaaa! Papaaa!!!" umiiyak kong saad at hinablot ang teleponong hawak ni mama Badeth.

"Papa, bumalik ka na po. Miss na miss na po kita." umiiyak kong saad, pinapauwi si papa na nagtratrabaho sa malayo.

"Sige na anak, matulog ka na at bukas ay uuwi raw ang papa mo." malambing na saad ni mama Badeth na ikinagulat ko hindi dahil sa pag-uwi ni papa ngunit dahil sa inakto ni mama Badeth.

"Talaga po mama Badeth?" masayang tanong ko na kaniyang tinanguan.

Natulog akong may ngiti sa labi noong gabing iyon. Ngunit ang gabing iyon ay ang huling tulog ko na pala.

"M-mama Badeth, hindi ako m-makahinga." mahinang saad ko, naghahabol ng hininga.

Ngunit sadyang malakas si mama Badeth upang hindi ko maalis ang kamay niyang tinatakpan ng unan ang aking mukha.

"Mama Badeth, tama na po." umiiyak kong saad ngunit mas idiniin pa niya ang unan sa aking mukha.

P-natay ako ni mama Badeth, hindi man lang niya ako hinayaang makita si papa kahit sa huling pagkakataon.

"Mama, magkakasama na tayong dalawa, ngunit wala si papa." linya sa isip ko't sa huling sandali bago pa tuluyang mawalan ng hininga ay tumulo ang aking luha.

Nasa morgue na ako nang makauwi si papa, ang saad ni mama Badeth ay namatay ako sa sakit.

Kitang kita ko ang hinanakit mula sa mata ni papa habang umiiyak na nakayakap sa walang buhay ko nang katawan.

"Anak, pasensya na kung nawala ako sa tabi mo" panghihingi ng tawad ni papa.

"Pasensya na anak kung hindi ko kayo naalagaan ng mama mo. Sanay ay masaya na kayong magkasama ngayon." saad niyang dahilan ng mas lalong pagtulo ng aking luha habang pinapanood siyang nagdadalamhati.

_____
"Ayan. Hmm ang bango-bango na ng baby ko." nabalik ako sa aking sarili nang muli ay marinig ko si papa.

Narito siya sa kwarto nila at binibihisan si John habang ako naman ay nasa gilid at sila'y pinagmamasdan.

"Kung nabubuhay lamang ang kuya Marco mo, siguradong tuwang-tuwa siyang makilala ka." saad nito sa bata.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha, salamat papa sapagkat hindi ako nawala sa iyong isipan.

"P-papa... kung sana lamang ay alam mo ang totoo" umiiyak kong saad na para bang maririnig niya ako kahit ako ay isang kaluluwa na lamang.

__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon